Rylie's POV
"No Rylie you can't do this to me, alam kong nagjojoke ka lang"
I'm sorry Jimin but my decision is final..I don't want to do this, I swear
Hindi ko siya tinitingnan habang nagmamakaawa siya sa akin. Bakit nga ba umabot kami sa ganito? Walang rason para gawin ko to sakanya. Hindi ko dapat sya sinasaktan pero ginagawa ko to para sa ikabubuti nya. Ayokong maging malungkot sya. Di ko deserve ang pagmamahal nya. Before me and Jimin are perfectly fine.. until this fvcking problem came.
This is the only way for him to go away from me. Gusto kong kamuhian niya ako
Gusto kong magalit siya sa akin dahil kapag nalaman niya ang lahat masasaktan siya, masasaktan sya ng sobra. Ngayon pwedeng masaktan ko nga sya pero mas mananaig ata ang galit nya sakin.We've been in a relationship for five years. All along we survive all the sircumstances together.
Pero ngayon wala akong magawa kundi ang palayain siya. Sobrang labag nito para sa akin pero para saan pa? Wala na..wala na kong magagawa pa
"Please Jimin, umalis kana ayoko nang makita ang pagmumukha mo!"
Wag kang aalis, wag mokong iwan.."Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Nasasakal na ako sa pagmamahal mo!" Hindi.. kailanman ay hindi ako nagsawa sayo, hinding-hindi Jimin.
"Hindi Rylie alam kong hindi totoo yan. Diba magcecelebrate pa tayo ng 6th anniversary natin bukas?Haha halika na magdedate muna tayo sa amusement park tapos kakain tayo ng favorite mong ice cream"
Sh*t bakit ganito siya? Konti na lang talaga at bibigay na ako. Gusto kong umiyak pero di ko magawa dahil ayokong makita niya na nasasaktan ako, gusto kong maramdaman niya na wala na kong paki sa nararamdaman niya.
"Fvck Jimin! How many times do I have to tell you that we're done! Wala nang tayo kaya please umalis kana dito!"
Lumuhod siya sa harap ko habang nakayuko. Nanginginig ang mga balikat niya, is he crying?
"Paranoid, mahal na mahal kita pero bakit kailangan mokong iwan? Bakit mo ko kailangang iwan para kay Travis? Diba sabi mo walang iwanan? Na ako lang for a lifetime? Baby please give me a reason why are you doing this to me. Nagkulang ba ako? Saan? Pupunan ko yon lahat wag mo lang akong iwan. Anong meron sakanya? Please sabihin mo sakin..hindi ko na kaya, hinding-hindi ko kaya na wala ka Rylie Sabrina Cortez"
Binaling ko sa iba ang tingin ko dahil baka pag tiningnan ko lang siya ay mapilitan akong sabihin ang totoo. Nakaluhod pa rin siya hanggang ngayon, umiiyak siya habang hawak hawak ang dalawang kong kamay. Anytime tutulo na ang luha ko kaya tumingala ako para mapigilan ang pagbagsak nito.
Sobra rin pala ang sakit na ibinibigay ko sakanya ngayon pero wala buo na ang desisyon ko. Hinila ko yung kamay ko kaya napatingin siya sa akin."C'mon Jimin pinapahirapan mo lang ang sarili mo, kalimutan mo na ako dahil wala ka ng magagawa. Yeah, I love you..before but now? I don't think so..If I were you, aalis na ko dahil wala nang patutunguhan pa 'to"
Laglag balikat na tumayo siya..tatalikod na sana siya pero ang mga sinabi niya ang nakapagpadagdag ng sakit na nararamdaman ko
"Okay then, there's no reason for me to stay here. But I want you to remember this Rylie, pag lumabas ako ng pintuan na yan wala ng magmamahal na Jimin Calix Savadra sayo. Pagsisisihan mo lahat ng ito. Time will come titingin ako sa mga mata mo na wala ng halong pagmamahal. Starting now, I am unloving you, Bye."
Pagkatapos non ay tuluyan na siyang umalis. I want to hug him and tell him that it was a joke. I want to stop him from walking away from me
Napaupo ako sa sobrang sakit..bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Hindi ko na kaya, bakit sakin pa nangyari to? Bakit kailangang ako pa ang rumanas ng lahat ng to? Ang sakit, iniwan ako ng mahal ko ng may halong galit at pagkamuot. Jimin I never intend to hurt you cause I really love you, I do and I always will.
After our break up, my life became miserable. Emotional and phsycal.
Two days pa lang since naghiwalay kami ni Jimin. Nagkukulong lang ako sa kwarto ko, wala naman nang rason para maging masaya ako. Wala na siya sa akin.
"Baby, please open the door. Kumain kana, baka sumumpong ang sakit mo..dalawang araw kanang nagkukulong dyan, di ka rin bumababa para kumain." Mom
I want to be alone so nanatili lang akong tahimik..walang duplicate key si mommy dahil itinago ko na iyon so hindi niya mabuksan ang pinto ng kwarto ko, I heard her sobbing. Alam kong nasasaktan siya pero mas triple ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko siya pinakinggan at para lang akong binging nakatulala lang rito.
Sa ganito na lang ba iikot ang buhay ko? Kung oo pwede bang mawala na ko ng maaga? Cause...
It really hurts and it's slowly killing me inside.