1 ~Black Cat~

4K 103 31
                                    

DAWN's POV

"Ang gwapo talaga ni Light no?"

"Oo nga! Nakasalubong ko nga siya sa may gate kanina eh. Tapos nginitian niya ako. Kyaaah!"

"Mabait, matalino, gwapo at mayaman! Oh diba? Saan ka pa! Haay! Napakaswerte naman ng babaeng magugustuhan niya." Napabuntong hininga ang dalawang babaeng nagku-kwentuhan sa may locker room. Sakto namang inilalagay ko ang bag ko sa'aking locker kaya naririnig ko ang mga usapan nila.

Sanay na akong marinig ang pangalan ni Light sa buong Campus. Sya lang naman kasi ang hearttrobe na nagiisang anak ng may-ari ng eskwelahang ito, Ang Roxford High.

"Gusto ko nga sanang lumapit sakaniya kanina at magpakilala, kaso lang laging nakabuntot sakanya si Black cat." Napasimangot 'yung babae.

Black Cat? Madalas ko 'ring naririnig ito sa mga kaklase kong babae. Pero hindi ko alam kung ano 'yon.

Maybe alagang pusa ni Light? Pero ala nga namang magdala siya ng itim na pusa dito sa school? Parang ang weird naman ata 'nun?

"Hay! Bahala na! Tayo na, baka ma-late pa tayo sa klase ni Ma'am Pusit." Hinila na niya ang kanyang kasama palabas.

Pagkatapos kong mai-ayos ang gamit ko sa locker ay dumaretso na ako sa field, malapit sa stage. Doon kasi kami madalas magpractice ng sayaw namin para sa MAPEH subject.

"Okay guys! Position! Position na tayo!" Sigaw ng aming Dance Instructor, saka siya pumalakpak para kunin ang aming mga atensyon.

Risa start to play the song "one call away"

"1, 2, 3, 4, get ready!"

Nakapusisyon na ako para sumayaw ng bigla kong makita si Au na mabilis na naglalakad at mukhang umiiyak.

Aurora Shikin is my bestfriend. Siya ang lagi kong kasama sa lahat ng mga lakad ko, at sa kabila ng kagaspangan ng ugali ko, e nandirito pa rin siya at lagi akong sinusuportahan sa lahat ng bagay na gusto kong gawin.

Ang totoo nyan, hindi lang kaibigan ang turing ko sakanya, kun'di 'nakababatang kapatid' na rin. Kaya naman hindi ko maipag-wawalang bahala na makita siyang umiiyak nang ganito.

"Jane. sandali lang, out muna ako. May pupuntahan lang ako saglit." Pagpapaalam ko sakanila saka ako humakbang paalis.

"Hoy! Dawna hindi pa kita pina-" hindi ko na siya pinansin pa at sinundan ko si Au. And by the way, 'Dawna' is pronounced as Donna. But my bestfriend calls me 'Dawn' since 'Aurora' ang name niya.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko siyang umiiyak sa may ilalim ng punong mangga. Marahan akong lumapit sakanya at naupo sa'kanyang tabi.

"Au, are you crying?" Tanong ko sakanya and I tap her back.

"Don't look at me Dawn." Sabi niya habang umiiyak. This is the first time na nakita ko siyang umiiyak nang ganito, kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Au, tell me what happened?" Alalang-alala kong tanong sakanya.

Ilang minuto siyang umiiyak at hindi ako kinakausap pero pagkatapos 'non ay bigla na lamang niya akong niyakap ng sobrang higpit. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nanggagaling sa'kanyang hagulgol.

"Dawn!"

"Tahan na! Tahan na Au. Wag ka ng umiyak, sabihin mo saakin kung sino ang gumawa nito sayo at hindi-hindi ko siya mapapatawad!" Nangigigil kong sabi.

Black and White Prince [EMPIRE SERIES #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon