25 ~Play~

1K 27 15
                                    

SHAD's POV

Kaylangan kong makuha ang loob ni Dark. Kung ayaw niyang maniwala sa akin na pera lang ang habol ng babaeng i'yon sakanya, bibigyan ko siya ng dahilan para maniwala. Ipapakita ko sakanya kung ano ang kayang gawin ng pera. Kung paanong kaya nitong paikutin ang mga tao.

He's a Prince? Crown prince of Roxford empire? Well I'm the the Emperor. Wala ng mas tataas pa sa'kin.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagdialed ako.

"Hello, Sir. Franco," bati ng nasa kabilang linya.


"Get rid of them, now!" Utos ko. Matagal ko ng planado ang lahat. Hindi nila alam na mula ng alagaan ko si Dark ay minamatsyagan ko na ang lahat ng kilos niya, kaya alam ko kung ano ang lahat ng kahinaan niya.

Pagkatapos kong sabihin i'yon ay ibinaba ko na ang cellphone ko at tumingin sa katabi kong si Ashley.

"Wag kang mag-alala iha, sisiguraduhin kong magpapakasal sayo si Dark," ngumiti ako sakanya pero mukhang hindi niya nagustuhan ang salitang 'get rid' sa sinabi ko.


"Are you afraid?" Tanong ko. Ako ang klase ng tao na mabait sa mga taong kaylangan ko. If I really need you, then I'll be very generous. Tutulungan kita sa lahat ng bagay, even illegal things. Basta ba't alam kong may makukuha akong kapalit sayo. Right now, Ashley give me the benifits I need. Ang suporta ng kanyang ama sa pagkuha ko sa Roxford Empire.

"Don't worry, I'll make you his princess," dagdag ko pa.

Lahat ng ito ay ginagawa ko para sa anak kong si Light. Ayokong sabihin ng mga tao na nakiki-sawsaw lang kami sa kayamanan ng mga Roxford, kaya gagawin ko itong akin. Lumaki ako sa hirap at sa panunukso ng mga kaklase ko. Sinasabi nila na buntot lang ako ni Dairo, ngayon ipamumukha ko sakanila na si Dairo ang tunay na bumubuntot-buntot sa akin. Ayaw kong maranasan ni Light ang naranasan ko kaya sa abo't ng aking makakaya, gagawin ko siyang isang tunay na tagapag-mana ng Roxford Empire ang tunay na crown prince.


Nagpa-baba si Ashley sa may royal cementery kaya iniwan na namin siya roon. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sabi niya ay may dadalawin daw siya. Pero nakakapagtaka naman, ang alam ko wala silang kamag-anak na nakalibing dito. Hmm... maybe a friend?

LIGHT's POV

Nagpunta ako sa sementeryo para dalawin ang putod nina tita at tito Dairo. Malawak na lugar at maliwanag sa paningin ang kulay nitong berde. Magkatabi ang puntod nilang dalawa na may itim na lapida.

*Dairo Ignel Roxford *

*Sophia Roxford*


Inilapag ko ang dalawang baby's breath na bulaklak sakanila at kinausap sila na para bang nandirito lang sila.

"I'm sorry uncle and untie. Hindi ko alam kung paanong pagso-sorry ang gagawin ko para kay daddy. Alam kong hinding-hindi nyo siya mapapatawad sa ginawa niya sa pamilya ninyo, naiintindihan ko. Kung pwede lang pong ako ang magbayad sa lahat ng kasalanan niya gagawin ko. Ako na lang ang parusahan ng langit sa mga kasamaan niya," isang mumunting luha ang tumulo mula sa aking mga mata. Masama si Dad, alam ko... pero mahal ko siya kaya sobrang sakit sa akin na ako ang nagdadala ng lahat ng sama ng loob na ito, ako ang pumapagitna at nakakaalam ng lahat.


Pagkatapos ng pagdalaw ko sa kanila, bumalik na ako kung saan naka-parking ang kotse ko ng makakita ako ng isang pamilyar na babae na nakatayo sa isang puntod. Sumingkit ang aking mata at tinitigan itong mabuti.


Black and White Prince [EMPIRE SERIES #1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon