Chapter 4

0 0 0
                                    

" ikaw lang ba ang tao dito?" Namamangha na tanung neto

"Oo ako lang pero may kasama akong mga kasambahay kaso wala namang pamilya, lahat sila nasa china alam muna business" naupo kami sa sofa sinenyasan ko si aling martha na bigyan kami ng maiinom.

"Buti nakaya mo ang mag isa, kung ako yan nako hindi ko talaga kakayanin may anak pa ako " ngumiti naman ito habang nakatingin sa anak nyang si Princess, kung ako lang ang tatanungin ayaw ko ng gagawin ko pero kailangan namin gawin to dahil inuutusan lang kami ng nakakataas.

"No offence sheena pero mukhang double ang edad ni roberto sayo" nangunot ang noo ko kunyare ay nagtataka talaga ako.

"Wala... Ganun talaga ang pag mamahal di mo alam kung kaylan darating, oo nga 28 na ako at sya ang natipuhan ng puso ko...  pero wala nag mahal lang naman ako " nag kibit balikat lang ito.

"Sabagay tara na nga sa dining table at dun na natin hintayin ang asawa mo" naglakad kami papunta sa dining table neto at duon pinagpatuloy ang pag daldalan

"Wait muna maggie tatawagan ko lang ang asawa ko ang tagal nya kasi nakakahiya na sayo"

"Ano kaba okay lang ako naman ang nag imbita" biro ko, kinuha neto ang phone nya at tinawagan na siguro ang asawa .

"Honey ang tagal mo nakakahiya kay maggie"

" sige... ganun ba?"

"Sige i love you"

Pinatay neto ang tawag at ngumiti ng alanganin sakin.

"Sorry maggie hindi na makakapunta ang asawa ko may biglang emergency daw sa bahay nalang daw sya kakain"
Nahihiyang approach neto sakin.

"Ano kaba okay lang, tara na para makapag kwentuhan pa tayo"
Kumain na kami.

"Aling martha sumabay na kayo samin patawag din sina mimi at odeth" mas maganda kasi kung madami ang nasa hapang kainan.

"Napakabait mo naman maggie" sabi neto sakin na akala mo isa akong angel.

"Ano kasi... Mas masaya pag madami ang nasa hapag kainan naku, masaya kasama yang mga yan"      miski ako ay nahiya kung bakit ko pinasabay muna sakin sila aling martha, mayaman to natural na mag rereact yan kung sasalo samin ang kasambahay.

Nagkwentuhan lang kami at maya maya ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog agad agad kaming nag takbuhan papalabas ng bahay nakita ko nalang ang bahay nila sheena na nasusunog

Napangiti naman ako, "finally it's done" bulong ko sa sarili ko.

"ROBERTO" sigaw ni sheena at nagsimula ng magsi bagsakan ang mga luha neto

"Maggie sayo muna si princess pupuntahan ko lang ang asawa ko" umiiyak ito, agad ko namang kinuha ang bata lahat ay hindi alam ang gagawin tinitignan ko lang ang apoy.










****

Nakatingin lang ako sa natutupok na apoy, nanghihinayang man dahil may masisirang pamilya dahil sa ginawa namin ay wala kaming magagawa sabi nga nila business is business.

"Hindi ko alam kung anung ginawa sayo ni Mr. Alonzo pero para sakin tama lang ang ginawa mo" napalingon ako sa boses na iyon.

Tinignan ko ang mukha neto, kung ako si mira o si maggie siguro ay nangangatog na ang tuhod ko. dahil gwapo naman talaga ang lalaking nasa harap ko.

"What do you mean?" Malaming kong sabi.

"In your phone" parehas kaming napatingin sa phone ko "connected kung bakit sumabog ang bahay ni Mr. Alonzo" nginitian ko ito na parang nang aakit.

"Panu ka naman nakakasiguro?" Hamon ko dito ng tingin.

"Kanina pa kita pinagmamasdan" nung sinabi nya yun ay agad kong nilabas ang patalim ko, kung mabilis ang reflex nya ay mas mabilis ako sa kanya.

"Wala kang nakita, wala kang nalalaman, wala kang pag sasabihan" pag babanta ko sa kanya, nagsukatan lang kami ng tingin neto at binigyan ako ng nakakalaglag na ngiti pero hindi ito tumatalab sa-akin.

"Kung ngingiti ka siguraduhin mong maaakit mo ako" mas diniin ko ang pagkakalapat ng patalim ko sa leeg neto kaya nagkaroon na ng kakaunting dugo eto.

"You lady, wala akong sasabihan ang mga nalalaman ko., kung may nalalaman man ako ay mananatiling sikreto iyon para sayo"

"Good" inalis ko agad ang patalim na nasa leeg nya lang kanina.

"Sa isang kundisyon" nangunot ang noo ko at handa na sanang banatan sya ulit.

"Opps, i want you " lumapit ito at hinapit ang bewang ko, pilit kong kumakawala at himala tumibay ata ang buto neto kaysa sakin.

"Okay what is it, pakawalan mo lang ako"

"Be my girlfriend"

"Fuck" napamura nalang ako sa gulat he is insane?

"Sure baby" tinulak ko ito ng bahagya at sinapak napaupo sya sa lapag, malakas siguro ang pagkakasapak ko

"Fuck baby it's hurt" sapo sapo neto ang panga na nasaktan.

"Deal" pagkasabi ko nun ay agad ako sumakay sa motor ko at umalis

Pumayag ako para tigilan nya na ako at alam ko din na hindi na muling mag tatagpo ang landas naming dalawa.












***
Ilang buwan na ang nakalipas at wala pa kaming nakukuhang lead kung saan ang laboratory nila, kabisado na namin ang pasikot sikot sa loob, pag wala kasi kaming class ay nag lilibot libot kami.

"Baby..." Napabugtong hininga nalang ako dahil narinig ko nanaman ang endearment na iyon, kung pinaparusahan ako ni pala God dahil sa  katauhan ni justin,  sising sisi ako napaka ingay naman kasi neto mas babae pa sakin ang bibig.

"Shut up please kahit ngayon lang sumasakit ulo ko sayo" nasa rooftop kasi ako ng school, nakahiga ako sa lapag at ang braso ko nakatakip sa mukha ko ang bag ko naman ay nag sisilbing unan ko.

Naramdaman ko nalang na umupo ito kung saan ako naka pwesto, hinayaan ko nalang sya sa kung ano ang gusto nyang gawin sa buhay nya basta bigyan nya lang ako ng katahimikan

"Anu ba talaga ang pinunta mo dito sa school napag alaman ko naman na tapos kana mag aral" nawindang naman ako sa kanya nakaramdam ako na hindi basta basta tong lalaki sa tabi ko.

"Sabihin nalang natin na trabaho kaya nandito ako"

"Yun ba yung sinasabi nilang Laboratory ng drugs sa loob neto?"
Nagulat ako pero hindi ako nag bigay ng anu mang emosyon sa kanya.

"Parehas tayo " naguluhan na ako sa point na ito, panung parehas kaming dalawa

"Hinahanap din namin yung laboratory para matapos na yung crime dito sa school, marami ng nagsasakripisyo na studyante, ginagawa nilang human tester" napamulat ako ng mata sa sinabi nya.

"Human tester?"

"Yes para ma perfect nila yung drug na ginagawa nila" nangunot ang noo ko, nung nasa black organization pa kami kung sino ang gumawa ng drug maaaring ikaw mismo sa sarili mo ay pwede maging tester neto bakit kailangan nila ng ibang tao para dito.

Mas sumakit ang ulo ko sa nalaman ko.

"Ang ate ko isa sa mga naging human tester nila, kaya eto hinahanap namin sila para sa hustisya, ang daldal ko talaga sige magulog kana muna baby ko babantayan kita ayaw kong maging human tester ka nila"

Dahil sa sobrang pag iisip ng mga bago kong nalaman ay nakagulog ako sa sakit ng ulo.


The ChinaDoll Assassin (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon