Part 1

6 0 0
                                    

"Epril,bangon na!tanghali na tutulog pa kayo!ano ba kayo?hindi tayo mayaman para umasta kayo ng ganyan!aba,buti pa nga yong mga mayayaman maagang maaga kung simulan ang araw nila.pero tong mga mahihirap tanghali na hindi pa rin gising,yan tuloy lalo tayong naghihirap dahil hindi kayo marunong mag sikap.yang papa nyo,pa upo upo lang at pa kape kape,lagi nalang pahapyod hapyod sa manok nyang pang sabong at palagi nalang nakikipag chikahan dyan sa kapitbahay nating walang silbi!aba!daig pa ako kung chismis ang pag uusapan..nakalimutan nya atang ako yung babae at lalaki siya, ako dapat yung nakikipag chismisan,pero ang damuho nagpapalaki lang ng tiyan nya,hindi man lang nangunguha ng panggatong o mag igib man lang tubig,wala ng ginawa kundi makinig sa mga walang kwentang kwento ng kapitbahay nating yan!kuh!ang aga aga pinapainit nyo ulo ko!" mahaba at gigil na gigil na litanya ng nanay ni Epril.

Maaga pa lang kasi naghahanda na siya ng almusal para sa lahat at ng mga mababaon naman para sa tanghalian. alas kwatro pa lang gising na siya at ngayon ay alas sais kwarenta i singko na wala pa ring gising sa mga kasambahay niya.

"ma,pari ka ba?"biglang sabi ni Epril na gising na pala ng sandaling yon.

"bakit?hindi naman ako pari..."

"eh kasi,ang aga aga ang haba na nang sermon nyo...daig nyo pa nga ata si father Simon kung mag sermon eh.."naiinis na sabi ni Epril sa nanay nya.

"buang!bangon ka na nga!gisingin mo na rin yong ate mo at yung bunso nyo.naku!talagang mga bata kayo oh!tanghali na masyado,late na naman kayo ng ate mo nyan.kung magtatrabaho kayo dapat maaga kayo gumising para maghanda,masyado kayong sineswerte..para nyo akong ginawang katulong dito,aba,baka nakakalimutan nyo na nanay nyo ako at hindi katulong?!"litanya na naman ng nanay nya.

"oo na nga po,eto po oh.,babangon na...mmmm.(stretch,stretch)hayyy..(hikab)..ma,ano kaya kung mag pastora ka nalang?bagay sa inyo kasi mahilig kayo sa mahabang sermon.ipaalaala nyo nga po sa akin mamaya na kailangan ko palang magpunta sa simbahan."kakamot na sabi ni Epril habang nagmamadaling bumangon at umakyat sa hagdanan para umakyat sa itaas ng bahay kung saan nandoon ang kwarto ng nakakatandang kapatid at ng bunso nila.

"ha?bakit?anong gagawin mo sa simbahan mamaya?"naptataka namang tanong ng nanay nya.

"kasi tatanungin ko si father kung kailangan nya ng taga sermon,isasali ko po kayo,hehe"natatawang sabi ni Epril.

"buang ka talaga!kung ano ano pinagsasabi mo.magmadali ka na nga at late na kayo."galit ng sabi ng mama nya.

"haha,opo.akyat na kasi gigisingin ko pa ang reyna.kung bakit naman kasi ako pa ang kailangan gumising kay ate?eh,masyadong nakakatakot yun pagbagong gising.parang mangangain ng tao."sabi niya habang umaakyat.

pagpasok nya sa kwarto ng mga kapatid ay nakita nyang natutulog pa nga ang dalawa ng mahimbing,at take note,kapwa pa sila nakanganga hehe..

"haha,nakakatawa talaga itsura ni ate.hindi siya nakakatakot kung ganyan itsura nya.napaka cute nya in fact.hmmm,..ma piktyuran nga.."natatawang sabi ni Epril sa sarili habang kinukuha ang cellphone nya na may camera.

iba kasi ate niya,napaka strong ng personality at napaka authoritative.gusto nya palagi siyang nasusunod at talagang nakakatakot siya pag nagalit.nangangain ng tao,de joke lang..naniwala naman ata kayo agad.mabait naman ate ko,matapang nga lang at over protective.

dahil nga sa kagustuhang maprotektahan ang pamilya niya sumali pa siya sa isang taekwondo club para matuto ng self defense. At dahil sa pagpupursige niya naging black belter siya ng club nila.

Kilala siya bilang isa sa pinaka magaling na manlalaro kaya nakuha siyang Representative ng School niya para sa Taekwondo competitions. At hindi naman sila nagkamali dahil laging panalo si ate.

Apat lahat ang scholarship na nakuha niya bilang varsity player at dean's lister ng school na 100% free tution. May scholarship din siya galing sa isang rotary club na nagbibigay ng monthly allowance sa kanya na worth 10,000. Meron din siyang 6,000 scholarship galing sa Provincial Capitol ng lugar namin at 30,000 per semester na scholarship naman galing sa isang kompanya na nag iisponsor ng mga mag aaral na deserving ng financial support.

Kaya wala kaming problema sa pag aaral niya at sa mga pangunahing gastusin sa bahay dahil sagot niya lahat. Mabait naman talaga si ate pero nakakatakot pag ikaw yung gigising sa kanya. Para siyang witch na kakainin ka ng buhay. Nyak!! Parang Hansel and Gretel ang peg..hehehe

Click! Click! Hehehe, nakakatawa talaga c ate..tulo pa laway habang tulog na tulog.

"Burahin mo yan kung ayaw mong kalbo kang pupunta sa School mamaya." Biglang sabi ni ate na nakapikit nga pero gising na pala.

"Ahhh...ehhhh,hahaha...wala naman akong ginagawa ate ah. Gigisingin nga lang kita kasi sabi ni mama malelate na raw tayo." Patay malisyang sabi ko habang dahan dahang umaatras palabas ng kwarto nila.

"Ahhhhhh!!!Mama!!saklolo!papatayin ako ni ate! Huhuhu! Tulong!Papa!" Parang kinakatay na baboy na sigaw ko nalang dahil inabutan ako ni ate at walang humpay na kiniliti ako hanggang sa halos maihi nalang ako sa salawal ko.

"Sabi ko burahin mo yang picture...hmmm...gusto mo talagang maging kalbo ano?hehehe"nakakatakot na sabi ni ate with matching nakakatakot na facial expression..parang horror talaga.

"Ahhhh!!Sorry na! Buburahin na nga oh..ahahahahhahah...ate tama na..!"at yun na nga...binawian ako ng buhay..hehe,de joke lang...

Letting goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon