"Epril! Tawag ka ni mam Les sa kabilang bahay. Paki tulungan raw si ate Ling sa paglilinis nung bubong nila." Sabi ni papa habang papasok ako ng bahay galing sa School."Okay pa, bihis lang ako sandali tapos punta na akong kabilang bahay." Sabi ko tapos nagmamadaling pumaok sa kwarto para magbihis.
Si mam Les ay kapitbahay namin na retiradong teacher. Kasama niya sa malaking bahay nila ang katulong nilang si ate Ling, ang mister niyang si sir Mody na isang retiradong Engineer at ang anak nilang may special needs. Tuwing hapon umeekstra ako sa kanila bilang tagalinis ng bakuran,taga dilig ng mga halaman at iba pa. Binibigyan naman ako ng 200.00 sa bawat ekstra ko. Sayang naman yun pang dagdag allowance na rin para hindi mabawasan ang ipon ko.
Habang nagmamadaling lumabas ng gate namin di ko na napansin ang sasakyang parating. "Prilllll!!!" Narinig kong sigaw ng mama ko na nasa gilid lang pala ng gaťe namin nangunguha ng malunggay para sa ulam mamayang hapunan.
"Bakit?anong nangyari?" Hangos naman na lumabas ang papa ko na halatang kinakabahan.
"Ahh...wala pa, ma...hindi kasi ako tumitingin sa daan.. sorry talaga." Sabi ko naman na sa kanila para hindi na sila mag alala pa.
Bumaba naman ang driver ng sasakyan at agad na lumapit.
"Sorry talaga...di ko talaga inakala na dederetso ka ng tawid...akala ko nakita mo yung sasakyan.." hindi.magkanda ugaga sa pagpapaliwanag ang driver."Uy,okay lang...wala namang nangyari kasi nakapag break ka naman agad." Sabi ko naman. Nakilala ko ang driver ng sasakyan. Bagong lipat sila sa bahay sa may kanto namin. Bale yung lumang bahay ng mga Angeles na wala ng nakatira ay pina rentahan at yung kompanya nga nila yung nakakuha.
"Ahhh...di ba John yung pangalan mo?" Tanong ko to ease the atmosphere.
"Ahh...oo nga pala. Ako si John. Driver ako ng kompanyang kakalipat lang diyan sa may kanto.
"Papunta sana ako sa water station para magpa refill ng tubig. Naubusan kasi kami."nahihiyang sabi nito.
"Ma, Pa...okay lang ako..pasok na kayo sa loob. Wag kayong mag alala sa akin. Okay? Punta na ako kina mam at baka abutan pa ako ng dilin sa paglilinis."
"John, sige na...magpa refill ka na ng tubig at baka kailangan na ng mga boss mo." Nakangiti kong sabi sa kanya para magibg at ease siya at para maramdaman niyang okay.lang ako."Ahhh...sure ka bang okay ka lang talaga? Basta pag may naramdaman ka tawagan mo ako sa number na yan. Para madala kita sa hospital. Buti na yung sigurado." Nag aaalala pa ring saad nito sabay abot ng kapirasong papel na may cp number na nakalagay.
"Ah,sige..no problem.." "sige John mauna na ako sayo...may gagawin pa kasi ako ehh..see you around"
"Ahm, miss? Pwede bang malaman name mo?" Nahihiyang sabi pa nito.
"Ay!oo nga pala! Hehe, ako nga pala si Epril Sheer Mariano, 22 years old at kasalukuyang 3rd year Education college student . Nice to meet you John.." sabay abot ng kamay ko.para makipag shake hands.
"Ako naman si John Ameer Arevalo, 32 years old. Driver lang ako ng kompanya." Hiyang hiyang sabi naman nito.
"Oie...ang seryosos mo naman. Haha, sige na at papadilin na. Text nalang kita mamaya.. update kita kung ano kundisyon ng katawan ko para mapanatag ka. Okay?"
"Ahh...sige..okay." at yun nga umalis na siya para mag punta sa water refilling station sa kabilang kanto at ako naman ay naging abala sa pinapagawa ni mam Les. Di ko alam na yun pala ang simula ng masaya at malungkot na storyang pag ibig ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Letting go
Teen FictionA story about making a choice of being happy by letting go or to keep holding on even though it hurts...