First Kiss By: FullOfHearts
Introduction:
"Ano ba kasing nangyari...Bakit naisahan ka nung lalaki'ng sinasabi mo?" Nakataas ang kilay na tanong saakin ng kaibigan kong si zahara
"Bwisit siya!!Hindi ko nga rin alam kung bakit ginawa niya yun saakin eh!!" Naiinis kong sabi
"E bakit hindi ka umilag?" mataray niyang tanong saakin
"Panu ako iilag e biglaan nga di ba?" Masungit ko namang sagot sakanya
"Oo pero syempre dapat alam mo din na gagawin niya yun sayo!!" Sabi niya
"Sorry naman no?Hindi kasi ako marunong magbasa nang isip ng tao lalo na yung isip ng lalaking iyon!!" Masungit ko paring sagot
"Parang ang imposible naman kasi nang sinasabi mo kira" Napakamot pa siya sa kanyang ulo
"Ewan ko sayo ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na he kiss me quickly??!!" Naiinis ko muling sabi kay zahara "Kung slow motion lang sana yung nangyari kanina edi sana nailagan ko pa pero hindi e masyadong mabilis ang mokong na yun!!" Segunda kong sabi
"Oo na!!Galit ka na eh!!" Pang-aasar niyang sabi
"Galit talaga ako!!Pero hindi sayo kundi dun sa mokong na yun...Kainis talaga hindi na virgin yung lips ko!!" busangot kong sabi
"Sus hindi na uso yan kira,Marami nga jan ke-babata hindi na virgin ang lips kaya okay lang yan wag mo nang pag-inartehan yan!!" Tinapik-tapik niya pa ako sa may kana'ng balikat ko
"Sayo okay akin hindi!!" Naglakad ako palayo sakanya
"As if naman may magagawa ka pa no?!!" Napatigil ako sa kanyang sinabi "Meron nga pala kaming brush sa bahay tara baka sakaling ma-virgin ulit lips mo kapag kinuskos mo!!" Natatawa niyang biro saakin
"Chee!!Baliw ka talaga bruha ka!!" Sigaw ko sakanya
"Monkey!!" Pasigaw niyang sabi saakin
"rrrrrrr.....Ano ba!!!Itawag muna saakin ang lahat wag lang yang monkey na yan,Nakakadagdag pa sa inis ko yan eh!!" Tinignan ko si zahara ng masama pero nginitian niya lang ako
"Okay oranggu" Biro niya ulit saakin sabay kindat saakin
"Zahara naman eh!!" Padabog kong sabi sakanya
"Oo na Ms.HN-VAL" Nakangiti parin siya saakin habang pinagmamasdan ang kanina pa'ng naiinis na mukha ko
"Ano na naman yang HN-V blah...blah..blah etcera na yan?" Tanong ko
Natawa muna siya bago sumagot saakin "HN-VAL meaning Hindi na virgin ang lips"
"rrrrr...Grabe ka talaga bruha!!" Tumalikod muli ako sakanya at sinimulang maglakad palayo sakanya
"Uy kira sandali...Sorry na,Pinapatawa lang naman kita eh!!Sorry na!!" Dali dali siyang pumwesto sa harap ko at pilit akong pinapatigil sa paglalakad "Maiba nga pala sino ba yung lalaking sinasabi mo'ng nagnakaw nang first kiss mo?Hanggang ngayon kasi hindi mo parin masabi sabi saakin,Siguro gusto mo na siya no?Pogi ba?" Kinikilig niyang sabi saakin lalo na sa tanong niya tungkol sa itsura nung peste'ng humalik saakin