The Sequences

120 7 10
                                    

SEQUENCE NUMBER 1: FIRST TALK WITH DYLAN

Humarap ako pero nakataas ang isa kong kilay....

"Ba't mo alam ang pangalan ko?Ini-stalk mo ba ako?" Pasigaw kong sabi sabay tingin sa harap at likod kung may tao

"Hello Hindi kita ini-istalk no!!Ano ka sikat??" Sumandal pa siya sa pader,Umalis na rin ako nun at hindi na sumagot pa sakanya kaya lang muli siyang nagsalita

"Sa susunod wag kang magsusuot ng damit na may pangalan mo nang hindi ka nagmumukang katawa-tawa!!" Pang iinsulto niya 

"Bwisit ka talaga!!!" Galit kong sabi sa isip ko

Buti nalang at yung nurse na dumaan lang yung nakarinig sa sinabi niya...

Pagkatapos kong tignan yung damit kong black na plain na may nakasulat ngang pangalan ko sa harap ay nilingon ko siya at dinilaan sabay alis.

//////////////////////

"Ikaw naman kasi kira,Tingin tingin din pag may time para hindi nagmumukang alam muna" Pinigilan niya pang sabihin yung buong salita sabay pilit na ngumiti

"Chee isa ka pa zahara!!!"

"Grabe talaga ang destiny niyo kira no?!!Kahit pareho kayong masungit e pinaglalapit parin kayong dalawa...Kayo na talaga kira kayo na!!!" Tumawa pa siya

"Hindi nakakatawa zahara!!" Malungkot kong sabi sakanya

"Uhm masungit ka naman kasi talaga eh!!!By the way pumunta na nga tayo dun sa ikalawang beses niyong pagkikita"

"Ayoko na nawalan na ako nang gana sayo" Pag iinarte ko nasa plaza na kami ngayon at nakaupo

"Ikaw naman sige na kira...Uy sasabihin na niya" Kinikilti pa niya ako sa may kili kili ko

"Ano ba zahara nakikiliti ako..." Iritang sabi ko "Sige na nga sasabihin ko na!!" Tumigil siya sa pagkikiliti saakin at isinandal ang ulo sa kanyang dalawang kamay na nakapatong sa batong mesa

"Game ano na??" Nagmamadali niyang sabi

"Sandali lang naman zahara..Mamaya niyan painisin mo nanaman ako eh!!"

"Hindi na kira promise!!"

"Promise?"

"Oo nga promise"

"Sige na nga!!!"

SEQUENCES NUMBER 2: SECOND TALK WITH DYLAN

 

Nangyari yung ikalawang beses naming pag-uusap sa School.

Inutusan ako nun  ni ma'am zel na kunin yung bag niya sa faculty room ng makasalubong ko siya ulit sa hallway.

"Shit!!!Bakit ba palagi nalang sa hallway kami nagkikita nang mokong na to?Anong meron sa hallway??" Sabi ko muli sa isip ko habang nakatingin sa mukha nitong nakangiti saakin kahit pa masama ang tingin ko sakanya.

Dala-dala ko na yung bag ni ma'am zel nang harangin niya ako sa daan.

"Ano ba!!Paraanin mo nga ako!!" Pilit ko siyang tinatakasan pero patuloy din niya akong hinaharangan

"Panu kung ayaw ko?Anong gagawin mo??" Nakatingin siya sa mga mata ko pero pilit ko din siyang iniiwasan

"Ano ba!!!Kailangan nato ni ma'am zel,Kaya tumabi ka na jan,Ano bang problema mo?" Prangka kong tanong sakanya

"Marami" Matipid niyang sagot sabay kindat saakin

"Pwes wag muna akong idamay pa jan sa problema" Inapakan ko yung paa niya at tumakbo na palayo sakanya

"Walang hiya kang babae ka!!Makakaganti rin ako sayo!!" Galit na galit niyang pasigaw na sabi saakin pero hindi ko na siya tinignan pa.

/////////////////////////////////

 

"Amazing!!!" Napapalakpak pa si zahara

"Anong amazing dun?" Sabi ko naman

"Wala lang!!!Kakakilig kasi yung love story niyo eh!!" Biro niya

"Lovestory??" Gulat kong sabi

"Oo"

"Ayan ka nanaman eh pinaiinis mo nanaman ako!!!"

"Hindi kira,Joke lang yun...."

"Joke ka jan!"

"Pogi ba si Dylan kira??" Tanong niya

Tumingin muna ako sakanya bago sumagot "Uhm may itsura naman"

"Perfect!!"

"Perfect ang alin?"

"Perfect kasi may itsura ka din.haha"

"Bruha!!!"

"So nasa pangatlo na tayo,San nangyari yung first kiss niyo ni dylan kanina??" Excited niyang tanong

"Hindi ko na yata kaya zahara ituloy" Pagdadalawang isip ko

"Ngayon pa ba?E last na to eh!!!" Sabi niya

"Kulit mo talaga bruha sige nga!!!!!" 

To Be Continue....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Kiss | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon