Chapter 3

9 4 1
                                    

Shaena POV

"Hayss, ang tagal naman ni Athena asan na ba yun?" sabi ko habang paikot-ikot sa field.

"Baka naman late yung teacher niya na lumabas, kaya nalate." Ani Lexie.

"Okay sige pero 10 minutes na siyang late, pag wala pa sya at malalate, nagcha chat sya sa akin pero ngayon wala man lang." Sabi ko.

"Shaena malayo yata ang room nya dito, sa laki ng campus na ito at kung nasa dulong bahagi ka ng area na toh syempre mahirap maglakad papuntang field at nasa gitna pa ito." Sabi naman niya habang kinakalikut ang cp niya.

Hay nasan na ba talaga yung babaitang iyon, pero siguro nga malayo ang room niya kaya nalate siya, at marami pa namang tao dahil lunch ngayon.

"Shaena, si Athena nakikipag away doon kay Sophia."sabi ng classmate ko.

"Ha nasan siya ngayon?" Tanong ko.

"Nasa hallway bilisan mo baka mahuli sila ng mga teachers."sabi niya at tumakbo agad ako.

Sumama sa akin si Lexie at pumunta sa Hallway nakita ko  ang kumpulan doon at nakisiksik ako at inawat sila.

"Hay naku, tigilan niyo nga yan" tinulak ko yung Sophia.
  

Athena POV

Bat ba ang tagal ng teacher namin matapos, nagdrawing na lang ako magdamag hanggang sa matapos ang oras ng discussion ng teacher namin. Lumabas ako ng room at tumakbo, pero hinarang ako ng grupo ng nilait ko kanina.
"Ano ba yan andaming pakalat-kalat na basura dito." Sabi ng babae ata sa akin.

"Ako ba pinariringgan mo?" Sabi ko

"Bakit natamaan ka ba?"sabi niya.

"Actually hindi ko kasi alam kung ako ba ang pinariringgan mo o yung sarili mo kasi di ba ka uri mo naman yung sinasabi mo." Sabi ko.

"At  bakit mo naman nasabi ha?" Pagmamataas ng boses niya sa akin.

"Kasi naman, di ba ka uri ng basura ang mga patapong plastic na TULAD MO, plastic! hahaah." Tawa ako habang siya bwiset na bwiset.

"Ah ganon ba" hinablot niya ang buhok at napahiga ako, siyempre di ako pede magpatalo hinila ko ang buhok niya. Pero pinigilan din ako ni Shaena at tinulak niya yung kaaway ko.

"Ikaw babae ka na akala mo sinampal ng liptint sa pisngi wag mo nga aawayin itong bes ko kung gusto mo makipag away doon ka sa ibang lugar dahil una sa lahat school ito kaya wag ka dito maghanap ng gulo." Sabi naman ni Shaena.

"Pakialam ko sa inyo eh ang papangit niyo naman" sabi niya.

"Wow coming from you, eh kung pangit kami ano ka pa, retokado ka lang naman kaya ganyan ka eh, at saka insecure ka lang talaga sa amin kaya nasasabi mo yan." Sabi ko sa kanya. Habang siya gulat na gulat. Actually sabi ng iba retokado daw siya kaya ko lang naman nasabi yon.

"Sabihin mo na lang kasi na hindi mo kami kayang pantayan dahil para sa akin mayaman ka lang okay, kaya wag kang ano dahil you, you, your non sense." Hirit ko pa.

"Halika na nga Shaena at Lexie, were just wasting our time here, let's go!" At saka kami umalis, pumunta sa field at kumain sa isang bench doon.

"Shaena bakit ang tahimik no diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Naisip ko lang kung bakit ganon na lang sila kabrutal sayo eh anak ka naman ng may-ari ng school na ito." Bakit ayaw mong isumbong sa Papa mo?" Tanong niya.

"Kung magsusumbong  ako, edi talo na ako, sabihin nila porket anak ako ng may-ari ng school na to pede ko na silang patalsikin, hindi ako ganon." Sabi ko.

"Tama ka rin naman, pero paano kapag magsunod-sunod ang away niyong dalawa, ang alam ko yung boyfriend niya gangster baka pagtripan tayo nun". Sabi niya habang nakain.

"Kung may gangster siyang boyfie, meron din ako" Sabi ko habang nanguya.

"Ha! May boyfriend ka? Hindi ko man lang nalaman." Sabi niya.

"Sa ngayon wala pa, pero soon magkakaroon din. Hindi ako pwedeng magpatalo doon sa tropa nina Sophia." Sabi ko bago uminom ng tubig.

"Sabagay marami jan sa tabi-tabi gwapo, atsaka malay mo destiny mo na yun." Banggit niya.

"Sana nga siya na yung last crush, like and love ko." Bigla kong pag-iiba ng emosyon.

"Huwag mo na ng alalahanin yun Athena, we know there's someone deserves your love better than him." Sabi ni Shaena na halatang sincere sa mga sinasabi.

Si Shaena lang talaga yung alam kong kaya akong intindihin maliban sa mga magulang ko. Siya yung taong kayang intindihin yung mga simple at mabababaw kong kasayahan at kalungkutan. I think Lexie can understand my feelings too, because I  saw her expression about what happened a while ago, I saw with her eyes her concern. Hindi na din siya nagsalita pagkatapos ang away.

"Lexie, are you okay?" Pagtatanong ko.

"Athena ano kaya yung dahilan kung bakit ang init ng ulo sayo nung tropa ni Sophia?" Tanong rin niya. At nagulat din ako.

"I think she's insecure with us, so that she always doing that. And they know na hindi ako magsusumbong kaya lagi nilang ginagawa sa akin yun." Sabi ko habang hinahanap liptint ko.

Naglagay lang ako ng kaunting liptint tapos umalis na kami sa field, naglalakad-lakad pa kami hanggang makarating kami sa isang building, mukang luma na at abandonado at tago ang building na ito.CREEPY

"I think we should go back, ang creepy ng building na ito." Sabi ni Shaena na halatang takot.

"Wag!!!, wag mong gagawin niyan, wag ang kapatid ko ako na lang please ako na lang." Pagkakarinig namin sa taas. Parang isang lalaking nagmamaka-awa.

Papataas ako ng biglang hilahin ni Lexie ang kamay ko.

"Wag kang pumasok jan baka mapahamak ka." Sabi niya habang nag-aalala.

"Wag na kayong sumama, ako na lang ang papasok, maghintay na lang kayo dito." Sabi ko.

Habang papataas ako may narinig akong kalabog mula sa taas. Nung lumingon ako nagulat ako at napasigaw.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko. Sa tingin ko narinig na nila kami kaya nagtago kami sa likog ng mga malalaking drum ng tubig at pinatahimik ko sila pati na rin ako.

____________________________________

Sorry po sa sobrang late na Update marami lang po talagang inasikaso sa school pati na rin sa bahay. Sana maintindihan niyo po.✌✌✌😭😭😭

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Its OverWhere stories live. Discover now