ONESHOT

86 13 5
                                    






"Oh game na! Guys walang Kj okay? Hard dare to at dapat allowed sumunod lahat!" Sabi sa amin ng pinaka baliw naming pinsan. Sumagot naman ang lahat kasabay ng mga pagtango nila. Ako? Aba! Ewan ko sa mga malakas mantrip kong mga pinsan na 'to! Nakahiga lang ako at nagwa wattpad bigla nila akong hinila papunta dito. "Mukang may Kj tayo na kalaro dito!" Sabi ni Kd na halata namang ako ang tinutukoy. Inirapan ko lang ang mga pinsan ko kasabay ng kanilang mga tawanan. Ako talaga ang sentro ng bully sakanilang lima!

Andito kami ngayon sa Emperor Beach na pagma may ari ng ewan ko kung sino, close ba kame? Ah basta! Pinagbakasyon kami ng mga magulang namin para naman daw makapag bonding kaming magpi pinsan. Buti na lang at may 1 week kami para mag stay dito at bumuo ng memories. Together with my abnormal's cousin. Kumpleto naman lahat at wala na kaming kailangan. Kasama ko ngayon si ate Hanna-- ang pinaka panganay samin. Si kuya Yohan--ang sumunod kay ate Hanna. At si Kd,Jessie at Maica. Ako ang pinaka bata na kasama nila ngayon

Naglalaro sila--kami ng spin the bottle at ewan ko ba at may hard dare pang nalalaman! Anong dare ba yung gagawin? Yung hindi ka hihinga sa loob ng 10 minutes tapos pag hindi ka na huminga forever panalo ka?! Oh kaya naman ibibitin ka patiwarik sabay push up? Oh my god! Hindi na ayoko na! "AYOKO NA! AAYAW NA AKO SA LARO NA TO!" sigaw ko at napahawak pa ako sa ulo ko! Nakakaloka naman kasi yung mga gagawing dare diba? Buti sana kung may truth pa eh kaya lang pag tumapat sayo yung bote automatic ikaw yung uutusan na maisip nilang dare!

"Aish! Ang Kj mo naman!" Inis na sabi sakin ni kuya Yohan! "Baka naman may iniisip na naman yan kung gaano kahirap yung dare? Wag kang mag alala hindi yon katulad ng nasa isip mo!" Si ate Hanna at sabay naman silang nagtawanan! "Okay fine!" Umupo na ulit ako sa pabilog naming pwesto habang naka indian sit at nasa harap naman naming anim ang kulay itim na bote. Inikot ni ate Hanna yung bote at tumapat naman kay Jessie. "Humiga ka sa pampang na yun" Turo ni ate Hanna sa riversides na hindi kalayuan samin. "Hihiga lang ako? Easy!" Sabi ni Jessie at akmang aalis na ng biglang magsalita si Ate Hanna. "At sabihin mong may humahabol sayong halimaw tsaka ka tumawa ng malakas!" Nanlaki naman ang mata ni Jessie pero kalaunan ay pumayag din siya.

Nagsimula ng tumakbo si Jessie papunta sa riverside at ginawa nga niya ang sinabi ni Ate Hanna! Halos sumakit na yung tiyan namin kakatawa dahil sa expression ni Jessie at nung babaeng halos kaedad namin ang pumansin sakanya. Natakot naman yung babae at tumakbo palayo sakanya. Bumalik na si Jessie dito at pulang pula ang mukha! Dala na din siguro ng kahihiyan. "Nice one!" Nag apir pa sakanya lahat maliban sakin. Nagsimula na akong mag enjoy dahil nakakatawa yung mga pinapa dare sakanila. Laking tuwa ko na lang talaga at hindi pa sakin tumatapat yung- "Agatha!" Nakangisi silang lahat sakin. Kumunot naman ang noo ko at inginuso nila yung bote na NAKATAPAT SAKIN?! oh noes! Patay na ako nito! "A-ano yung dare?" Sinubukan kong mag puppy eyes kay ate Hanna para kahit papano ay hindi nakakahiya at mahirap yung ipa dare niya sakin! "Dare is a dare, baby girl. Hindi mo ako madadala sa pagpapa cute mo." Tumawa naman silang lahat. Ngumuso ako at binato ng buhangin yung mga tumawa!

"Nakikita mo ba yung lalakeng may kausap sa phone na yon? Yung naka summer shorts at may anim na pandesal?" Tanong sakin ni Ate Hanna kaya naman inikot ko ang mata ko at nakita ko nga yung lalake. Tumango naman ako at tinitigan. Teka! Ano yung ipapagawa nila sakin?! Magpapabuntis ako sa lalake na yan?! Oh kaya naman ibebenta nila ako at babayaran?! Jusko lord! Alam kong gwapo siya, macho, mukang mayaman! Pero malay mo kung killer pala yan diba?! Pati mga pinsan ko nagagawa sakin to! "Iyan yung anak may ari ng beach na 'to. Kasing edad mo lang yan, Agatha!" So 20 na din to? Pero ang matured ng mukha niya! Atsaka pano niya nalaman na kasing edad ko lang yung lalakeng yan?

"So ano nga yung gagawin ko?" Tanong mo. "Make him yours in 1 week!" What?! Make him mine in 1 week?! "Ate nasisiraan ka na ba? Paano kung rapist pala yan?" Tumawa naman sila at inirapan ko na lang! "Hindi iyan rapist Agatha ano ba? He's the son of the owner of this Beach. At pati yung condo na tinitirhan mo!" Bakit ang dami niyang alam sa lalakeng 'to? Wala na akong nagawa kaya napatango na lang ako. "Eh ano yung inflictions kapag hindi naging kami in 1 week?" Tanong ko. "Simple lang, maiiwan ka dito at uuwi ka mag isa--walang service--walang uupahan na driver--magco-commute ka pauwi sa Manila. Ano game?" Eh?! Ayoko naman umuwi mag isa, hindi ako sinanay ni Mamsy at Papsy na mag commute! At saka isa pa, ang layo ng lugar na to! Ano na lang gagawin ko sa buhay ko kung maiiwan akong magisa? My cousin's are worst ever!

Make Him Mine In 1 Week (Completed)Where stories live. Discover now