"Oo, kaso etong si Mathew pinasayaw ka na sakin."
(**Si mathew yung nagtanong kung gusto ba nyang isayaw sya ni Gerald.)
"Ahh, kakahiya. Pero thank you ha."
Kilegmats ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥.
I can feel it! Yung mga bulate este mga paru-paru ko sa tyan. Enebenemenyen (♥.♥).
"Ayos lang." :)
Ang pogi nya ho talaga. Ayoko po talaga sa mga prince charming e. Kasi naman masyadong babaero! Susme meron ng Cinderella meron pang Snow White. Si Jasmine lang ata ang hindi nya nagoyo.
Kaya si Gerald ay hindi ko prince charming sya ay ang aking King Charming dahil ako ang kanyang Queen Charming. Bwahahahhaahhaah! Joke yun! Wag ka na maghukay dahil kitang kita na ang joke dun!
"Pero ayos lang naman kung isayaw mo ulit ako!"
Kileeeg po hanu! :).
"Sige ba."
Totoo pumayag sya! Emerged! Chance Janz!
"Talaga?!"
Hindi ko na napigilan! Sinigawan ko na sya ng sa sobra kong kilig.
Tumango lang sya at ngumiti.
"Uyy ha! Sige! Hihintayin ko mamaya ha!"
"Oo nga! hahaha, tara hatid na kita."
Ayy tapos na.
"Sige. Pero mamaya ha! Hihintayin kita!"
Kulit ko lang di ba? Haha. Ganun talaga. Pero gosh kota na ko! Dalawang beses ko syang makakasayaw! Dalawang beses!!!!!! DALAWANG BESES!
Nakaupo na ko sa upuan. Malamang alangan namang sa lamesa! Etiquette di na?!!
Dug Dug Dug Dug Dug.
Si Mr Hearty naman ayaw tumigil sa kakadugun..
"KYAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH"
"KYAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH"
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH"
Sigawan kami ng mga kaklase ko pagalis ni Gerald! Sigawan na may kasamang palakpakan at with matching talunan!!
"Uyy buo na gabi nya sinayaw na sya!"
"Iiiiiiiiii! Oo naman pero sabi nya isasayaw daw nya ko ulit!"
I'm going to die sa sobrang kileg!
**
12 na ng gabi..
Madami-dami na ang nagsasayaw sa akin. Pero etong si Gerald hindi pa din ako sinasayaw ulit.
Hay Janz. Patience is a virtue! Hintay lang malay mo naman gusto nya sa last dance ka nya isayaw. Hintay lang ok!!
Hayy, ano ba yan! Makiupo nga muna sa mga kaibigan ko.
"Uyy kilig kanina!"
Sabi na aalaskahin kagad ako ng mga to e!
"Syempre naman! Sobra kaya. Kala ko mahihimatay na ko kanina sa dance floor e."
"Huu lande! Nakaready na nga yung mahiwagang oxygen at nebulizer e."
Ayy, nung nakaraang chapter pa yang nebulizer na yan ha!
"Gaga! Sabi nga nya isasayaw nya ulit ako e."
Pak!
Pushang gala! Hinampas ako ng malakas netong kaibigan ko!
Tinignan ko sya ng masama! "Hoy adik ka! Ako nga tong halos mangisay sa kilig tas ikaw tong nanghahampas! Jombagin kaya kita!"
Adik lang di ba dapat ako tong namamalo!
"Syempre inunahan na kita! Lakas mo kayang hahampas!"
Pssssh!
"Kadiri ka Janz! Tumalsik pa laway mo!"
"Hoy arte mo! Pagnakikipagkiss ka nilululun mo pa!"
"Ewwww."
Sabay-sabay pang sabi nila.
"Uy, Janz! Tignan mo oh!" Sabay turo sa gawi ni Gerald.
Palingon-lingon si Gerald na parang may hinahanap sa may gawi ng table ng section namin.
"Isasayaw ka na ata ulit! Dapat kasi hindi ka na umalis dun sa table nyo! Bilis pasimple kang tumayo go!"
Eto namang kaibigan ko masyadong supportive!
Tumayo ako ng pasimple. Syempre nuh baka isayaw na ako ni Gerald.
Napatingin ako sa kanya. Nakatangin na din sya sa gawi namin. At nagsimulang na syang maglakad.
Umupo na ako para hindi halata! Eto na!!!
Nakayuko lang ako. Hinihintay kong iabot nya yung kamay nya.
Ang tagal naman nya.
Nagulat pa ako ng bigla akong siniko netong kaibigan ko! Parng sign na yun na malapit na sya.
Ayan na nakita ko na yung sapatos nya.
Napatanga ako. Nilagpasan nya ako</3.
Tinignan ko kung saan sya pumunta. Padiretso pala sya para ayain yung sa ibang section. Hindi ako makapaniwalang dinaanan nya lang ako.
"Ahhhhhhhhhhhhhh."They all said in unison! Mga kaibigan ko ba talaga to! Nalulungkot na ko binubwisit pa ko. Nakakaiyak naman.
"Ayos lang yan Janz malay mo mamaya ka pa nya isasayaw." Nginitian ko na lang sila. Yung ngiting hindi umaabot sa mata.
Bakit ba ganito! Nakakaasar naman oh!
Hanggang sa dinadaan-daanan na lang nya ako! Kelan mo ba ako isasayaw ha!
"Last 3 songs!" Announce ng Host ng SBall. Hala last 3 songs na lang hindi pa ba nya ko isasayaw?!
Pero napatingin ako sa dance floor. May kasayaw na sya! Ang sabi nya isasayaw nya ko. Pero nawawalan na ko ng pag-asa.
At pagkasimula ng last three songs, nagulat ako ng bigla akong inaya ng kaklase ko at binigyan pa nya ko ng rose.
Hindi na ko nakatanggi dahil sa kantyaw ng mga kaklase ko.
Tapos na ang unang kanta. Napatingin ako sa table nila Gerald. Ayun sya nakatayo lang, wala syang sinasayaw.
Gusto ko ng maupo. Gusto ko ng sabihin sa kaklase ko na halika na, maupo na tayo. Pero bakit nakatingin lang ako kay Gerald ngayon, takteng bibig to! Dumaldal ka! Pero ayaw. Ayaw nyang magsalita. Sa mga oras na to, isa lang ang alam ko. Pagsisisihan ko to.
Sayang. Last song na, wala pa ring sinasayaw si Gerald. Napayuko na lang ako. Bakit ba apaka tanga mo ha! Sasabihin mo lang naman na "Tara na maupo na tayo." Pero bakit di mo masabi! Ayan na! Baka eto ng yung chance mo! Baka kapagumupo ka puntahan ka ni Gerald at ayaing sumayaw! Ikaw ang magiging last dance nya! Ano ba Janz kumilos ka.
Sa pagkatapos ng kanta. Natapos na din ang pag-asa ko. Na baka ako yung gustong isayaw ni Gerald nung mga oras na yun. Na baka iyun na yung oras na pwede ko syang maabot.
I didn't grab the chance. Hindi natin napapansin na asatin pala yung mali. Tayo ang bida ng buhay natin syempre kaya hindi mo pwedeng isisi sa iba yung katangahan mo. Ikaw, sarili natin ang gumagawa ng story at ginaguide lang tayo ni God. Pero tayo talaga. Asa atin kung igagrab ba natin to o hindi. Susugal ka o hindi. Palaging may choices. Pero hindi talaga maiiwasang magkamali. Dapat minsan lang ang pagkakamali, kasi di na pagkakamali ang tawag dun kung paulit-ulit..... KATANGAHAN NA.
**
Deleted Memories </3.
Pero ayoko talaga maglagay ng namr ng ibang character :3.
yurilalabs♥.
BINABASA MO ANG
Kwento Ng Kailan
Teen Fictionnormal naman sa isang tao ang magkaCrush o magkagusto. Abnormal ka ng konti pagwala diba? hayy pero di ba minsan naman nahiling mo na sana maging kayo ng taong gusto mo? Pero ganyan talaga :) ok this is my first story waaaaaah. so pls be nice to me...