54

24 3 0
                                    

Charlene's POV

"Sino ka?"

Pagkadating na pagkadating ko sa dimensyong ito kaagad may tumutok na espada sa mukha ko.

"Woah! " sa pagkabigla ko muntik pang abutin yung ilong ko. Huhu. Buti na lang nakatigil agad ako.

"Langya ka! Ganto ba tamang pag welcome sa lugar na to? Parang barbeque lang!" Inis kong sabi habang nakatingin dun sa letseng kung sino man siya! Tsk!

"Paano ka nakapunta dito? Anong kailangan mo? "

"Kailangan ko?... " sabi ko habang nakadikit yung hintuturo ko sa pisngi ko.

"Kung narito ka para sa bagay na yun, pwes sinasabi ko na sayo. Wala ring saysay ang lahat."

Napatigil ako sa pagiisip saka napatingin sa kaharap ko.

White long hair na nagiging purple ang ilang stands kapag natatamaan ng liwanag. Kulay abong mga mata. Nakasuot ng long black dress.

"Para sa akin may saysay ang lahat, Xyle." I said then smiled.

She starred at me for a second saka ibinaba ang scepter na natutok sakin

"Para makuha mo yun kailangan mong dumaan sa isang pagsubok."

"I know I know."

Kumunot yung noo niya sakin.

"Alam ko na rin ang rules. At..."

Tinitigan ko siya ng maigi.

"Handa na akong gawin yun. "Buo ang loob kong sinabi sa kanya.

"Kung ganon, maari ka ng pumasok."

Tumango ako sa kanya saka naghanda para pumasok sa pinto ng walang hanggan.

Eto na. Kailangan ko ng gawin ang lahat ng makakaya ko para sa kanya. Para kay Ken.

Nagsimula na akong humakbang papasok sa pinto. Hindi ito tulad ng mga pinto sa palasyo na purong ginto at napapalibutan ng mga dyamante. Kabaliktaran nito ang mga iyon. Isa itong simpleng kulay puting pinto.

Binuksan niya yon para lang mapakita ang kadiliman sa likod ng pintong iyon.

Ano ang mangyayari?

Hayaan niyong ipaalam ko sa inyo kung paano yun magsisimula at matatapos.

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob, binalot ako ng kadiliman at katahimikan. Sa mga oras na ito, magsisimula na ang lahat ng paghihirap.

Ang kailangang mangyari ay....

Otor's POV

GW's Palace

Sa gitna ng malaking silid aklatan, naroon ang lahat. Nakaupo sa mga upuan na nakapalibot sa isang malaki at bilog na mesang gawa sa punong kahoy na mayroong nakamamanghang disenyo ng mga bulaklak, kumikining dahil sa mga dyamanteng nakadikit roon.

Tahimik ang lahat, tulala ang ilan, hindi magawang kumilos dahil sa pangamba. Pangambang baka mawalan na ng prinsesa ang kaharian.

"Hindi mo na dapat tinuro sa kanya kung nasaan ang scepter, Yuhra. " malungkot na sabi ni Cynthia habang nakayuko sa kinauupuan niya

Naikuyom ni Yuhra ang mga kamao niya.

"At anong gusto mong gawin ko? Gayahin kayo? Hindi niyo ba nakikita kung gaano kaimportante kay Charlene si Ken?!" Puno ng emosyong pahayag ni Yuhra

"Importante din samin si Ken.." Dagdag ni Cynthia

"Iniisip niyong mabibigo si Charlene? Hahahahaha!" Nabigla ang lahat ng mapatayo si Yuhra saka tumawa ng malakas.

The Lost Keeper of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon