first

299 1 0
                                    

**
"May I have this dance?"

Haba ng hair ko. Inaalok ako ng isang Zac Efron sumayaw. Ang lalaking nakapaglalaglag ng panty ng mga kababaihan anytime.

Ang lalaking pinapangarap ng bawat kababaihan dito sa mundong ibabaw. Sino naman ang makatatanggi pag siya ang nag alok? De syempre ako! Tinabig ko lang ang mga kamay niya. Halatang nabigla siya sa ginawa ko. Ang totoo gusto ko lang muna siyang pagtripan haha umandar nanaman pagkasutil ko

Tumalikod na siya at nagsimula nang humakbang. Dali-dali akong tumayo at hinawakan ang kanyang kamay at saka siya iniharap sa akin. Tinawanan ko siya ng puno ng kasutilan. Napangiti naman siya. Makikita mo na sa kanyang mukha ang kasiyahan na kanina'y nawala dahil sa pagpapahiya ko sakanya

Tinitigan ko ang mga mata niya na para bang anumang oras ay tutunawin ako sa sobrang titig. Dahan-dahan niyang hinila ang malambot kong kamay papunta sa gitna

Nakahawak na ako sa mga balikat niya at nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Maaakit ang sino mang babaeng matititigan ito sa sobrang ganda

Nakahawak lang siya sa bewang ko habang sumasayaw kami. Nagtititigan lang kami. Yung tipong parang walang ibang tao kundi kami lang. Yung pakiramdam na akin lang siya. Yung kami lang.

Tumingin ako sa side ko. Inirapan ko lahat ng babae don. Mamatay kayo sa inggit! Bwahaha

"You're so beautiful"

Dali-daling nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Alam kong pulang pula na ako sa mga oras na to kaya iniwas ko muna ang tingin ko sa mga mata niya at lihim akong ngumiti na agad ko ring binawi.

Sa totoo lang gusto ko na munang tumakbo palayo sakanya para magtatalon at magtitili. Ikaw ba naman sabihan ng ganun at take note, isang Zac Efron pa nagsabi. Ewan ko lang kung hindi ka mamatay sa kilig.

Maya-maya'y tumigil kami sa pag galaw. Hinawakan niya ako sa aking baba at unti-unti niya itong inangat. Nakatitig nanaman ako sa mga mata niyang mapang-akit. Unti-unti niyang ibinababa ang kanyang tingin sa akin. Sa mata, ilong, hanggang sa huminto siya sa aking mga mapupulang labi. Alam kong nabibighani rin siya sa akin. Sino bang hindi? Hellooo?! Ang ganda ko kaya

Dahan-dahan niyang inilalapit ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Gusto niya ba kong halikan? Jeskelerd basa na panty ko. Naaamoy ko na yung hininga niya. Ang bango bango. Hmmm...

Pinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay ang pagdampi ng kanyang labi sa aking labi..

3 inches

2 inches

1 inch

"BENITAAAAAAAAAA!!!!!! MY BEAUTIFUL DAUGHTERRRR!!!! OPEN THE DOOR PLEASEEE!!!!!!!!!"

Nagising ako dahil sa mga sunod-sunod na sigaw at katok mula sa pinto ko. Psh it was only just a dream. Akala ko naman totoo na. Pero sayang yun konting konti nalang. Nasira pa yung moment

Tinignan ko yung clock ko. MYGAD! 6am palang pala! Ang aga aga pa pala! Ipinagdamot pa yung kiss ko! Napagdesisyunan ko nalang na matulog ulit. Itutuloy ko ang naudlot naming pagmamahalan ni Zac ko

nagtalukbong na ulit ako ng kumot. pikit. pikit. pikit.

"HOY BABAE BUKSAN MO TOOOOO!!!!" pero di ko pa naipipikit ng ilang minuto ang mga mata ko, nang makarinig nanaman ako ng ingay sa labas ng pinto ko. Mukhang hindi na talaga ako makakabalik sa pagtulog ko

Not so Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon