third

23 1 0
                                    

**
Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Oo nga pala, maaga kaming babyahe ngayon. Medyo inaantok pa ko, makatulog na lang mamaya sa byahe.

Nilingon ko yung side ko, wala na pala kong katabi. Ang aga naman ata magising nung babaeng yun? Mukang atat na atat makatapak sa white sand tss

bumangon na ko at kinuha na agad yung towel ko. Dumiretso na ko sa cr at naligo. Then nagbihis na ko after nun chineck ko uli yung mga dadalin ko baka kasi may makalimutan nanaman ako tas bumaba na ko at dumiretso sa kusina.

Naabutan ko si Effie na tulala habang may hawak na cup. Hanggang ngayon di parin tapos yung iniisip niya kahapon? Di pa niya yata napansin ang pagdating ko kaya pumunta ko sa likod niya

"HEYYY!! Hahahahahaha! Look at your face!! Ang panget mo!! Eww!! Hahahaha!" tawa ko ng tawa habang tinuturo yung muka niya. Muntik pang matapon sakanya yung laman nung cup niya tas parang nakakita pa siya ng multo ang panget niya

"Shut up!! Muntik mo na kong mapatay!...asdfghjkl" May binulong pa siya pero di ko narinig kaya tinawanan ko nalang siya haha her face was really priceless sayang at di ko nakuhanan ng picture. Magugulatin talaga si effie.

"Okay. Okay Hahahaha ano ba kasi iniisip mo?" i said habang pinupunasan yung luha ko sa mata kakatawa

"A-aah w-ala. Sige check ko lang ulit mga gamit ko. Magbreakfast kana, nagluto na si nanay puring" sabay tayo niya at alis ng kusina. Anong problema nun?

Umupo na ko at nagsimula nang kumain. After nun nagpunta na muna ko sa sala. Makapag internet nalang muna habang hinihintay yung susundo samin

Scroll. Scroll. Scroll. Napahinto ako sa pagscroll nung makita ko yung inupload ni Effie kagabi. Nagbasa basa muna ko ng mga comments.

"ate stef ang galing mo talaga waa kainlove *-*"

"ganda talaga ng boses ni idol parang anghel"

"Maganda na nga muka, maganda pa boses ikaw na ate stepiii"

"ang swerte ng magiging boypren mo ate stef. Super pretty and talented yiee"

"sus boses palaka kaya!! tsaka masama ugali nyan!! tse! chaka naman!" aba't ang epal naman neto! napaka insecure! kainis naman. Iniscroll ko pa ng iniscroll ayun pinagtulungan na siya nung mga fans ko tss epal kasi e yaan na nga sila. Di na dapat pinag aaksayahan pa ng oras ang mga tulad nun. Inexit ko na sa mga comments tas nagscroll nalang ulit ako ng nagscroll

Naramdaman ko namang may tumabi sakin, nilingon ko lang sandali para tignan kung sino. Si Effie lang pala. Nanonood siya ng tv tas itinuon ko na ulit yung atensyon ko sa pagiiscroll.

Napahinto ako sa pagscroll nang makita ko yung tinag sakin ni haggard girl. Tinignan ko yung name niya.

Nathalie Vintura

Yun pala name niya. Cinlick ko yung picture tas sinave ko sa phone ko. Ang cute pala nung shot namin. Nabasa ko yung mga comments ng mga naiinggit. Ang swerte daw niya tss talaga!

Maya maya narinig na naming may bumusina sa labas kaya tumayo na kami at lumabas, sila na nga yun. Sumakay na kami sa van papuntang private yacht namin.

Mabilis lang kaming nakarating sa pupuntahan namin. Walang gaanong sasakyan kasi medyo maaga pa.

"Excuse me. Pwede bang paakyat nung gamit ko dun sa kwarto ko?" Tapik ko dun sa driver nung van. Kinuha nya na gamit ko then sinunod yung inutos ko.

May limang kwarto tong yacht namin, sa akin yung may pinakamalaking kwarto.

Tinungo ko na yung kwarto ko at lumabas muna saglit para magpahangin. Gusto ko din makita ang sunrise. Sinuot ko lang yung shades ko at lumabas na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not so Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon