Pagod na pagod ka na bang maghintay sa mga votes at comments? Gustung-gusto mo na bang mapansin? Aba, this is your chance to get noticed! Basahin ang mga sasabihin ko ng mabuting-mabuti!
EMOTIONS
- Ito ang kadalasang problema ng mga writer. Mas lalo na kapag wala sila sa mood magsulat pero kating-kati na sila mag-update. So magbibigay ako ng isang line at gagawan natin ng iba’t-ibang versions:
The line: “Mahal kita.”
Happy: “Hindi pa rin ako makapaniwala na ibinigay ka ng diyos sa akin. Sa lahat ng regalo niya sa akin, ikaw ang pinaka-iingatan ko. Mahal na mahal kita, letmefeelthemagic.”
Sad (medyo martyr at nagpapaawa ang dating): “Minsan naiisip ko na lang na bakit ikaw pa ang minahal ko. Maraming mas better sa’yo pero sa’yo pa nagpakatanga ang puso ko… pero kahit na ganun, hindi ko ‘yun pinagsisihan at kahit kalianman hindi ko pagsisisihang mahalin ka. Mahal na mahal kita kahit ang sakit-sakit na.”
Galit: [Inspired by One More Chance and The Legal Wife] “Akala ko ba ako lang ang mahal mo? Akala ko ba ako lang ang ka-text mo? Akala ko ba ako lang ang nasa isip mo? Putangina mo naman letmefeelthemagic eh! Mahal na mahal pa rin kita kahit ganyan ka!”
INTRODUCTIONS
Kung meron kang bagong story na gagawin, please. ‘Wag mo ng gamitan ng mga “Hi. I am letmefeelthemagic. Wonder girl ng Quezon City.” Wala po tayo sa PBB ha? Nasa Wattpad po tayo. ‘Yang ganyang mga klaseng introductions are so 2009-2011. ‘Wag na sana nating gamitin kasi nakakasuya. Nakakaumay kumbaga.
The introduction: Hi. Ako si letmefeelthemagic. Isa akong dancer. Sumasayaw ako kasama ang best friend kong si Lee Min Ho. Matagal ko na siyang gusto.
Revised introduction:
“Letmefeelthemagic! Letmefeelthemagic! Letmefeelthemagic!”
Naririnig ko na naman ang sigawan ng mga tao galing sa labas ng kotseng sinasakyan ko. Sanay na ako sa mga ganito. Simula nung naging dancer ako, ganito na ang scenario araw-araw.
Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay tinawagan naman ako ng best friend kong si Lee Min Ho na ikinakaba ng puso ko.
“Letmefeelthemagic, nasaan ka na? Hinahanap ka na ng D.I natin.” Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam niyo kung bakit? Matagal ko na kasing gusto ang best friend ko.
“Ah, paparating na ako, Lee Min Ho.” Sagot ko habang nakangiti pa rin.
“O sige, mag-ingat ka ha.” At in-end na niya ang tawag.
Ang swerte ko, hindi ba?
CHARACTERS
How to make an effective character? Simple lang. ‘Wag kang gumawa ng isang ideal character. ‘Yung tipong hindi mo naman kayang panindigan ‘yung pagiging angelic ng ugali niya ang whatsoever. Basta, ganito lang ‘yan. Ang gawin mo, minsan siya ang nang-aapi at minsan siya ang inaapi. Samantha of the TBYD Trilogy is a great example.
Depends. Kung halimbawang Ms. Bitch Meets Mr. Good Boy ang iyong peg, ganito lang ‘yan:
The character: Ms. Bitch
“Hi letmefeelthemagic! Ang ganda mo talaga, sexy pa! Yummy!” Sabi ni Coco Martin sa akin.
Nginitian ko naman siya, ‘yung nakaka-turn on. “Syempre, ako pa. Free ka ba tonight?”
“Oo! Saan ba?” Tanong niya sabay kindat.
“Sa condo ko.” Sagot ko at kumindat din ako sabay lipbite.
“Okay sige. Mamaya na lang!” Sagot niya at dumeretso na siya sa daan niya.
O ayan. May ka-ooh at aah na ako mamaya. For sure magiging hot na naman ang gabi ko!
Habang naglalakad ako, bigla namang may nakabungo sa aking lalaki.
“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo, ha nerd?!” Sigaw ko sa kanya. Nalaglag kasi ang mga gamit ko sa lapag. Bwisit.
“Ano… sorry…” Tinignan ko ‘yung mukha niya at napa-oh-my-golly-wow ako. Ang inosente ng mukha niya! Ganito ang mga type ko! Syet na-tuturn on ako!
“Hindi ko tinatanggap ang sorry mo.” Kumuha ako ng papel at sinulat ang address ko. “Diyan ka pumunta. 7 PM ng gabi. Okay?”
Naglakad na ako palayo at iniwan ko siyang traumatized. Buti na lang hindi alam ni Coco Martin kung saan ang condo ko! Tatakasan ko na lang siya at sasama ako sa ibang guy tonight! Hahaha!
--
Ganito ang bitch guys! HAHAHA.
The character: Mr. Good Boy
Binully na naman ako ng mga kaklase ko kanina. Masyado daw akong mabait at inosente. Hindi na ba ‘yun uso ngayon? Sana meron pa ring mga taong katulad ko. Sana nga…
Naglakad ako ng nakayuko. Pero sa hindi inaasahan, may nabunggo akong babae at nahulog ang mga dala niyang gamit.
“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo, ha nerd?!” Grabe naman ‘to makapagsalita… tanggap ko naman ‘yun eh. ‘Di na niya kailangang ipamukha sa akin…
“Ano… sorry…” Tipid kong sagot.
“Hindi ko tinatanggap ang sorry mo,” Bigla na lang siyang merong inabot na papel at may nakasulat na address. “Diyan ka pumunta. 7 PM ng gabi. Okay?”
Hmmm, pupunta kaya ako para humingi ng sorry sa kanya?
--
Inosente much si koya diba? HAHAHA!
___________________________
WALANG KUKUHA NG MGA LINES NA GINAMIT DITO KASI NAGAMIT KO NA 'YANG MGA 'YAN. HAHA.
‘Yan na lang muna sa ngayon dahil wala na akong maisip. Magcomment kayo ng mga gusto niyong gawan ko ng mga tips. Kung gusto niyo lang naman. Pag-aaralan ko siya for you. Except lang sa paggawa ng mga book cover kasi diyan ako bobski. LOLS. Don’t forget to vote and follow!
-LMFTM