One

19 2 0
                                    

"Oo na! Oo na! On the way na ako oh!" Sigaw ko sa kabilang linya. So impatient huh.

"Sinong niloloko mo! Ni hindi ka pa nga naliligo!" Sigaw naman niya pabalik.

"Kaya nga on the way na ko! Kasi hindi ako maliligo!"

"Ang baboy mo! Bat ba kita naging girlfriend?"

"Ewan ko sayo! Bat di mo tanungin sarili mo since ikaw naman nag-aya na maging girlfriend ako!"

"Oo na! Pagbuksan mo nalang ako ng pinto. Maeexpire na unli ko." Tamo andito pala siya ang dami pang sinabi. Nagsinungaling pa tuloy ako.

Tumayo na ako sa kama ko at pinagbuksan siya ng pinto.

"Dalian mo kumilos. Maligo ka na ang bantot mo. Nakakahiya kang maging girlfriend. Buti nalang nagpapanggap lang tayo."

Oh yes, everybody! Remember the guy before this chapter? Boyfriend ko siya hehe. And nagpapanggap lang kami. How cliche ba? And it's already been two years. Mas matagal pa sa relasyon ng mageM.U dyan.

"Oo na! Nakakabadtrip ka naman!" Inirapan ko siya at tumalikod na para maligo.

"Autumn..." I heard him sigh.

He knew I love him. He knew I'm hurting. And yet he chose not to love me and to continue on hurting me.

Kasalukuyang nababalutan ng katahimikan ang kotse niya. Lalo lang ako naffrustrate.

"Hoy! Saan tayo punta?" I asked to cut the silence kahit na alam ko na kung saan.

"Kay lolo. He wanted to see you." He answered not leaving his eyes on the road.

Tumango naman ako at nag-isip pa ng ibang mapag-uusapan.

"You know...I can tell him the truth." Napalingon ako bigla sakanya. I sighed then looked outside. He always tell me that pero alam niya naman kung ano ang isasagot ko.

"No. If it means not seeing you again...then no."

Nabalot na naman kami ng katahimikan hanggang sa makarating na kami sa mansion nila. Gabriel used to live here too, pero he wanted to be independent kaya ang nakatira nalang dito is yung lolo niya, dalawang kambal na kapatid niya, parents saka yung mga katulong nila.

"Goodmorning, Sir....Autumn." the maid greeted us. Ngumiti naman ako sakanya. The maids here call me Autumn because I asked them too. Ma'am is too formal saka hindi naman ako ang amo nila.

"Gabriel! Autumn! Kamusta kayo? Ngayon lang ulit kayo nakadalaw dito." Sinalubong kami ng yakap ni Nanay Mila. Siya ang pinakamatagal nang tumutulong dito sa mansion nila Gabriel. Para narin siyang nanay ni Gab kasi siya ang nag-aalaga sakanya noong bata siya tuwing wala ang kanyang mga magulang.

"Wow 'nay! Mukang sumesexy ka huh! Anong sikreto mo?" I kid with her.

"Ikaw talaga kang bata ka! Hindi ka parin nagbabago." She slightly tapped me on my shoulders then laughed.

"Oh sya! Andoon na sa hapag ang pamilya niyo. Halina at kanina pa kayo inaantay."

Dumiretso na kami roon at naabutan silang nagkekwentuhan. Ito ang gusto ko sa pamilya ni Gab. Hindi sila katulad ng ibang mayayaman na hindi nakakapag catch up sa pamilya.

Nalingunan nila kami at binati ko naman sila isa-isa.

"Hi mommy, kamusta po?" Nagbeso kami ng mommy ni Gab. I call his parents mommy and daddy. I am really close with his family. Kahit alam nilang hindi ako galing sa mayaman na pamilya ay tinanggap nila ako. He came from a great family. He's really lucky.

"Hay naku, Autumn. Dumalaw ka nga rito nang madalas dalas manlang. Nalilimutan mo na kami." She told me while sulking. Kahit na may edad na ang mommy ni Gab ay parang bagets parin siya. Physically and emotionally. Yung daddy naman ni Gab ay nginitian ko, ganun din siya.

"Sorry, 'my ha. Busy na kasi ako lately. Lalo na at graduating na ako." Totoong busy ako. Pero isa talaga sa rason kung bakit hindi ako nakakabisita rito ay dahil kay Gab. Tanungin niyo siya kung bakit hmmmp

"Ate Panget!" Liningon ko ng masama si Angelo. Ang lalaking kambal sa kapatid ni Gab.

"Wag ka nga, Gelo! Maganda si Ate Autumn!" Nginitian ko naman si Angela. Ang babae sa kambal.

"Hayaan mo na siya, Gela. Iniidolo kasi ang kuya niyo kaya parehas sila ng ugali." I knelt infront of Gela and she kissed me on my cheeks.

"Wag mo siya ikiss, Gela! May virus siya!" Liningon ko ulit ang mini version ni Gab.

"Hoy bulinggit! Ipapaalala ko lang sayo na ako ang nagpapalit ng diaper mo dati!" Gelo pouted at tumakbo sa kuya niya. Binelatan ko nga. Magsama sila ng kuya niya hmmmmp

"Autumn! Nalilimutan mo na ako!" Liningon ko si lolo at binigyan siya ng isang malaking yakap.

"Ikaw pa ba Lo ang malilimutan ko? Kamusta ka na po?"

"Eto...tumatanda na. Kaya magpakasal na kayo ni Gabriel jusko naman tong mga batang ito." Narining kong may umubo at nakita kong si Gab iyon. May pa ubo ubo pa siya. Diring diri ba siya? Hmmmp

"Si lolo talaga! Syempre gusto ko na magpakasal kay Gab. Kaso ang bagal ng anak niyo eh."

"Hoy! Wag mo nga binebrain wash si lolo!" Sigaw naman ni Gab sakin na ikinatawa ng ibang nasa hapag. Binelatan ko nalang ang loko.

Patuloy kaming nagtawanan at biruan habang nasa hapag. Gab's family is my second home. My parents hated me that's why iba ang pakiramdam tuwing nasa mansion nila ako. Ang hindi nila alam, wala na kami ni Gab. Naaalala ko pa noong una akong dinala ni Gab dito. Kabadong kabado ako. Feeling ko di pa ko nakakapagsalita palalabasin na kaagad ako. O di kaya ihire ako bigla as a maid. Pero hindi. They happily welcomed me with open hearts. O diba umoopen hearts. And I really thank them for that. Too bad, this will not last long like my relationship with Gab.

"Bumisita ka ulit dito, Autumn ha?" Mommy hugged me to say goodbye.

"Syempre naman po." I assured her then said my farewell to Gab's family.

Sumakay na kami ni Gab sa kotse niya para iuwi na ako sa condo ko. I waved his family a goodbye once again.

Nang umandar na ay tinaas ko na ulit ang bintana.

"Thank you." Napalingon ako kay Gab nang nagsalita siya. His eyes are still infront. I didn't say anything. I just looked at him.

"You know...they really like you. Para ngang ikaw ang anak nila kesa sa akin eh." he chuckled.

"Thank you rin." I said still looking at him.

"For letting me experience to be liked." I continued when he didn't say anything.

"You know...a lot of people like you." It came out like a whisper but I still hear what he said.

"Oh really? Are you one of them?" I pinched my fingers for asking that. It's like asking that question with a gun pointing in my head.

"No." natulala ako sakanya and there goes the gun banged straight to my heart. Hindi pala sa head.

I sighed and looked outside. Di ko namalayan na malapit na pala kami sa condo ko. And when we arrived, he parked the car.

"Atleast say that while looking at me." I unbuckled the seatbelt then looked at him.

Ang hayop nakatingin parin sa harap. I sighed once again then kissed him on the cheeks.

"Goodnight, Gabriel." unti unti kong binuksan ang pinto at lumabas na hoping that he would atleast say something. Pero wala. I closed the door and saw him take off.

Napangiti nalang ako sa kalokohan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Love FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon