Naalimpungatan ako ng may narinig akong nabasag sa sala. Dali dali akong bumaba at nakita ko si Andrei na lasing na lasing at may sugat pa sa kamay.
“A-andrei… ano ba, bakit di ka nag iingat?”
“Umalis ka nga! Kung di dahil sa pesteng kumpanya na yan hindi kita papakasalan! Hindi kita mahal! Ayoko sayo!”
Halos ma durog ang puso ko sa mga sinabi niya… Palagi naman e pero hindi pa rin ako sanay. Oo mahal ko si Andrei at aware din naman ako na ako lang ang nag mamahal. Tutol din naman ako sa kasalang yun e kaso mapilit lang talaga yung mga magulang namin.
Inalalayan ko pa rin siyang tumayo at pinaakyat sa kwarto NIYA. Oo mag kaiba kami ng kwarto ng ASAWA ko. Pinahiga ko siya sa kama at kumuha ako ng basin na may maligamgam na tubig at face towel. Nilinisan ko muna yung sugat niya at ginamot. Pagkatapos ay hinubad ko yung polo niya at sando na lang yung pang itaas niya, tinanggal ko rin yung sapatos at medyas niya saka pinunasan yung katawan niya. Hindi naman siya nag reklamo kaya tinuloy ko lang yung ginagawa ko nag eenjoy rin naman kasi ako, minsan ko lang kasi nagagawa sa kanya to, ang ALAGAAN siya.
“Alexa..”
“A-ano yun?”
“I want… a divorce.”
Para akong binuhusan ng tone toneladang ice. Halos ma biyak yung puso ko sa sobrang sakit. Ang sakit sakit.
“S-sige.. a-alam ko naman na… m-matagal mo na yang gusto… pero, p-pwede bang humingi ng pabor? Tutal…. Mag hihiwalay na rin naman tayo.”
“S-sige.. ano ba yun?”
“Pwede bang lumabas tayo? Yung d-date? Kahit isang araw lang? Gusto ko kasing makasama ka… kahit isang araw lang.”
Narinig kong bumuntong hininga siya.
“Sige, kelan ba?”
Napangiti ako. “Sa sabado, punta tayong resort, gusto ko kasing pumunta dun kasama ka.”
“Sige.”
“Salamat A-andrei, sige a-alis na ko.”
Nang maka labas na ako sa kwarto niya ay dun na tumulo ang mga luha ko, tumakbo na ako sa kwarto at dun na umiyak ng umiyak. Ang sakit na, sobrang sakit na halos hindi na ako maka hinga. Siguro nga hindi kami para sa isa’t isa, siguro nga… he deserves someone better. Napa luha na naman ako sa ideyang iyon. Yung ideyang mas sasaya siya sa piling ng iba, yung mapapupunan ng babaeng yun yung mga pag kukulang ko kay Andrei.. at higit sa lahat, yung mamahalin niya si Andrei ng higit sa pag mamahal ko at mamahalin din siya ni Andrei.. pag mamahal na kahit minsan hindi ko naranasan mula sa kanya.
----
Maaga akong nagising dahil hindi naman ako halos naka tulog kagabi sa kakaiyak, pinag luto ko si Andrei at pinag timpla ng gatas hindi kasi yun umiinom ng kape.
Nilalagay ko na yung mga plato sa mesa ng bumaba na siya.
“Kain ka muna, pinag luto kita.” Saka ako ngumiti.
Simpleng hot dog, ham at sinangag lang naman.
Tumango lang siya at umupo na, na siya naming kinasaya ko ito yung third time na mag kasama kaming kumain simula noong ikasal kami isang taon na ang nakakaraan at sa sabado na ang aming first wedding anniversary and sad to say iyon na din yung last.
Umiling na lang ako sa ideyang iyon, dapat masaya ako ngayon, susulitin ko yung mga araw na magkasama pa kami.
“Pinag timpla na din kita ng gatas mo at vitamins mo o, nangangayayat ka na.”