Trouble Maker Queen 15

1.7K 49 0
                                    

TMQ15

Jacklin POV

Napalingon ako sa kanang bahagi ng kalsada at nakita ang paparating na isang truck

"Jacklin..."

Nanlaki ang Mga mata ko ng malapit naito saakin at tanging pag pikit nalang ang nagawa ko dahil sa parang nabato ako sa kinatatayuan ko at ayaw gumalaw ng aking mga paa

Bigla nalang ako nakaramdam ng pag tulak sa aking likod dahilan para mapa upo ako at mapa bukas ng mata

Nasa gilid ako ng kalsada pero paanong?....

Lumingon ako sa gitna ng kalsada at doon nakita ang truck na huminto
Biglang nanlaki ang aking mga mata ng makita ang isang katawan na naka higa sa kalsada

Nag kakagulo na ang mga taong nasa paligid at nakiki chismiss sa nangyare

Bigla akong napatayo at wala sa sarili akong lumakad papalapit sa katawan na duguan

Lalo pang nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang nandoon sa dapat ay ako ang nandoon

"Br...Bryan"yan nalang ang nasabi ko habang naka tigin sa katawan niya

Agad ko kinapa ang pulso niya at ramdam kong meron pa

"Kayong lahat! Tumawag kayo ng ambulansiya tangina dalian niyo kung hindi kayo ang mapapatay ko!"sigaw ko dahilan para mataranta ang lahat

Agad kong pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko

Shit bakit ako iiyak? Wala namang nakaka iyak diba? Bakit  may luhang umaagos sa mata ko?

At isa pa bakit parang may tumutusok sa puso ko? Anong meron?

"Br...Bryan kapit lang hah? Pa...paparating na..na ang tu...tulong"nauutal kung sabi at inihiga siya sa hita ko

Shit bakit ako nauutal?
Tae Jacklin umayos ka nga!

"Hoy Bryan wag kang sasama sa ilaw taena mo dapat ako ang papatay sayo bwisit ka"sabi ko habang nag aalala sa lagay niya

Teka ano? Nag aalala ako sa lagay niya? No never!

Tumingin ako sa naka sagasa sa kanya na ngayun ay gulat na gulat

"Hoy! Tanga ka ba? Anong tinatayo tayo mo? Himingi ka ng tulong! Bwisit!"sigaw ko dahilan para mataranta siya

"Hoy! Isa Bryan ako mismo papatay sayo pag sumuko ka taena mo"sabi ko habang tinatapik ang Pisngi niya






Ilang minuto ang lumipas at nadala na si Bryan sa ospital at ang naka bangga sa kanya malamang pina kulong ko

Tanga ba siya? May mata naman siya para makita kung may tatawid

'Pero tanga ka rin kasi bigla kang tumawid yan si Fafa Bryan ang nasaktan sa ginawa mo ang galing mo Jacklin!'

Bigla naman ako nagulat dahil sa naisip ko
Tae minura ko ba ang sarili ko?

Napa tigil ako ng lumabas ang doctor ni Bryan

Agad akong tumayo at tinignan siya

"Kumusta siya? Kumusta si Bryan? Ano patay na ba? Taena papatayin kita pag sinabi mong patay na siya!"sigaw ko sa kanya  At agad na hinawakan ang Kwelyo ng doktor

"Ma...mam re...relax la..lang po"natatakot na sabi nito kaya binitawan ko siya at huminga ng malalim

"Anong lagay niya? Wag mong sabihing may amnesia siya at ikaw ang mawawalan ng ala ala tignan mo lang"sabi ko

"Mam wag oa okay? "Sabi nito

"Anong sabi mo?"inis kong tanong

"Wala po
Stable na po ang lagay ng pasyente medyo nabalian lang ang kaliwang braso niya kayo po ba ang girlfriend niya?"

Tangina siya kaya balian ko ng ulo? At sinong engot naman ang nag sabi ng bwisit nalinya na yan?!

"At sinong nag sabi sayo na ako ang girlfriend niya? Hoy! Baka gusto mo ikaw ang mabalian ng ulo!"sigaw ko sa kanya

"Ay hindi po ba? Sorry po bagay po kasi kayo ng pasyente siguradong maganda ang lahi na kakalabasan"sabi niya

"Hoy doctor para sabihin ko sayo hindi kami bagay TAO kami TAO! Isa pa sinabi ko bang makipag kwentuhan ka sakin? Tae tinatanong lang kita kung kumusta yung pasyente mo isa kabang Chismosa ng bayan kaya dapat lahat malaman mo?"tanong ko

"Sorry po by the way he need some rest Para agad siyang maka bawi ng lakas at isa pa hindi pa niya masyadong magagalaw ang kamay na may injury kaya sana gabayan mo siya sa mga gagawin niya"sabi nito at iniwan ako

Ano? Gagabayan ko si Bryan sa lahat na gagawin niya?
Pano pag tatae si Bryan o di kaya iihi gagabayan ko siya?
Aba lintik

Pumasok ako sa loob ng room niya at nakita ko siyang natutulog
Umupo ako sa gilid niya at taas kilay ko syang tinignan kahit na tulog

Unang beses sa buong buhay ko ang ma encounter ang ganitong eksena
Unang beses to sa buong buhay ko ang may mag taya ng buhay para sa kaligtasan ko

Kailangan ko bang mag pasalamat sa kanya dahil sa ginawa niya?
Pero bakit niya ginawa yun kung alam niyang siya ang masasaktan?

"Hoy buti di ka sumama sa ilaw maigi yun at pag kagising mo sasapukin agad kita"sabi ko at ngumisi

"Alam mo ang tanga mo alam mo namang pwede kang mapahamak dahil sa ginawa mo pero ginawa mo parin"sabi ko at ngumiti

Paraakong baliw dito dahil sa kinakausap ko ang tulog

"Pero alam mo ikaw palang ang unang gumawa noon ikaw palang ang unang lalaki na mas inuna pa ang kapakanan ko kesa sa sarili mo"sabi ko at ngumiti

"Masasabi kong di ka nga bakla " at ngumisi "slight lang" dugtong ko at ipinatung ang ulo ko sa may unan malapit sa kanya

"Wag mung gigisingin si Lucifer kung ayaw mong mapunta sa baba matutulog lang ako kaya wag kang magulo"sabi ko at pinikit ang mata ko

Siguro kailangan ko munang maging mabait sa bakla este lalaking to para naman maka bawi ako sa ginawa niya

Pero salamat Bryan dahil niligtas mo ako
Salamat talaga

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe
Add me Woohyunie Nam

Trouble Maker  QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon