Trouble Maker Queen 16

1.6K 56 1
                                    

TMQ16

Bryan  POV

Binuksan ko ang aking mga mata at puting Kisame ang aking nakita

"Nasa langit na ba ako?" Tanong ko sa sarili ko

Dahan dahan akong umupo para makita ang buong kabuuhan ng lugar kung nasan ako

Ng kumirot ang kaliwang kamay ko

"Shit ano ba?! Wag ka ngang gumalaw! "Rinig kung sigaw ng isang babae mula sa gilid ko kaya napa tingin ako doon

"Akala ko ba nasa langit na ako? Bakit may demonyo dito?"tanong ko

Agad naman niya akong binatukan

"Ano ba?! Hindi porket kamukha mo ang crush ko di na kita papatulan! Napaka sadista mong demonyo ka!"sigaw ko sa kanya

Agad nanaman niya akong binatukan ulit

"Isa pa..."

"Tang ina mo wala ka sa langit nasa impyerno ka!
Tingin mo naman papapasukin ka ni San Roque sa langit?"sabi niya

"Ano?! Di pa ako patay?"tanong ko

"Gusto mo mamatay?"tanong niya

"Sorry naman ako na nga napuruhan para di ka masaktan tapos wala manlang Thank you jan?"tanong ko

Nag cross arm siya at tinaas ang kilay

Hayst napaka amazona talaga ng babaeng to di porket ano ko siya aanohin niya na ako!

"Kasalanan ko bang bigla mo akong tinulak para ikaw ang masaktan kahit na alam mong mangyayare yun? At isa pa nasugatan ako sa tuhod dahl sa pag tulak mo sakin!"taas kilay niyang tanong

"Wow naman so kasalanan ko bang bigla kang tumawid ng hindi manlang natingin sa kaliwat kanan mo?"tanong ko

"Eh epal ka kasi sino bang nag sabi sayo na dalhin mo ako sa gilid ng kalsada?"tanong niya

"Nilayo lang kita sa kaaway mo"sabi ko

Wala talagang mapapala dito sa babaeng to kahit na iligtas ang buhay niya di mo maririnig ang salitang THANK YOU!

"Ako na nga nabalian ikaw pa tong ...."

"May sinasabi ka?"tanong niya

"Wala wala kailan daw ako makakalabas?"tanong ko

"Next week"sagot niya at umupo sa tabi ko

Shit puso kalma lang wag kang mag paparinig sa babaeng pusong bato

"Hoy ikaw alam mo bang ang tanga mo at galit ako sayo?"sabi niya
What?! Tao ba talaga ang niligtas ko?

Tinignan ko lang siya ng masama pero di siya nag patinag sa pag tingin ng masama

"Alam mo bang nag alala ako sayo? Akala ko mamamatay ka na ng dahil sa ginawa mo? Alam mo bang sinayang mo ang luha ko dahil para ka nang nag hihingalo sa daan papunta dito? Buti di ka sumama sa ilaw mula sa langit"sabi niya

Nag aalala ba talaga siya? Mukang hindi at isa pa sinayang ang luha daw? Hala umiyak siya? Sayang di ko nakita

"Umi...."

"May sinabi ba akong mag salita ka?"sabi niya kaya nanahimik na ako

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo nabalian ka?"

Hayst oo na pwede na ba ako mag salita? Na appreciate ko ang THANK YOU niya grabe

"Dahil doon ako na ang mag aalaga sayo hanggang sa gumaling ka at ako ang aalalay sayo sa lahat ng gagawin mo"
Pag kasabi na pag kasabi niya non bigla akong napa tingin sa kanya

Si Mitch ba talaga ang kaharap ko?
Grabe anong nakain niya?

"Hoy! Wag kang mag isip ng kung ano ano jan! Isang Jacklin Asunshun na ang mag aalaga sa yo tatanggi ka pa? At isa pa labag sa loob kong alagaan ka"sabi niya

Panira talaga tong babaeng to bwisit

"Pero alam mo buong buhay ko wala pang gumawa ng ginawa mo
Wala pang nag ligtas sakin gaya ng ginawa mo"seryosong sabi niya

Feeling ko hindi si Mitch ang kaharap ko dahil hindi mo mababakas ang galit sa muka nito

"Walang sino man ang handang mag buwis ng buhay para sakin "sabi niya

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya

Bigla siyang tumingin sakin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko tangina manahimik ka muna please!

Biglang nag slow motion ang lahat biglang tumigil ang mundo ko ng ngumiti sakin si Mitch

Yung tunay na ngiti na walang mababakas na lungkot o galit sa muka niya at mata niya

Tangina Mitch wag kang ganyan baka mahalikan kita!

"Kaya Salamat sa ginawa mong pag buwis ng buhay mo para hindi ako masaktan "

Tang ina nag thank you siya?!
Isang Liana Jacklin Mitch C Asunshun! Ang nag thank you!

Heart wag kang tatalon palabas baka di ka saluhin ng mala batong puso ni Mitch please dito ka muna!

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe
Add me Woohyunie Nam

Trouble Maker  QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon