📓

5 2 0
                                    

We used to be something surreal

Others looked to us for what we built

We were envied until the point

The point in which we fell—

Naputol ang pakikinig ko ng aking minamahal na music nang may biglang humila ng earphones mula sa tenga ko. Agad naman akong nainis. First day na first day, may nanggugulo sa payapa kong buhay. Tsk.

I looked up to see a familiar looking guy, although hindi pa kami nag-uusap kahit kailan. Jumbled ang arrangement ng classes kaya hindi mo alam kung sino ang magiging kaklse mo every year.

Ngayong school year, kaklase ko sya.

Gwapo naman sya, pero hindi ko type. Crush nga sya nung kapit bahay namin e.

Kinuha ko ang notebook na itinapat nya sa mukha ko. Sinimangutan ko ito. Kailangan talagang itapat sa mukha ko? Nakaupo lang ako kaya nahihirapan akong titigan sya ng masama. Masyado din syang matangkad para sakin, lalo na't nakaupo lang ako ngayon kaya wala din naman akong magagawa.

Masuka-suka ko namang binasa ang nakasulat sa notebook nya.

"Pizza ka ba? Ang korni naman," panlalait ko sa notebook nya. "Seryoso ba yan?"

Inagaw nya sakin yung notebook nyang may malaking pizza sa cover. Malaking space din ang ino-okupa nung napakakorning pickup line. Nasira tuloy yung porma nung notebook.

Inayos nya yung buhok nyang kanina pang magulo at ngumiti—yung ngiti nyang kapag nakita mo, mapapangiti ka rin. That's the effect of this brown haired boy to the world.

I just shrugged dahil hindi naman ito effective pagdating sa akin. Seryoso ko lang syang tinitigan. Okay, cute sya. Pero hindi ko type kaya wala rin.

I'm not good with strangers and even though I've seen him in school for years (we're just in different classes), he's still technically a stranger to me. At saka, kanina pa sya nakangiti sa akin! Naasar na tuloy ako sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Bakit ba?" tanong nya sabay basa sa nakasulat sa cover ng notebook nya. "Okay lang naman ah."

Anong okay dun? Ang korni kaya!

I shrugged at pinabayaan ko na lang sya. Buhay naman nya yan, pabayaan. Back to the original topic na. "Anong gagawin ko dito?"

"Kailangan daw ni Sir ng lista ng kaklase natin para sa attendance. So isulat mo dyan yung pangalan mo, contact number, at address."

"Saan ko isusulat? Sa korni mong notebook?"

He smiled with his toothy grin. "Sa korni kong notebook."

Sobrang bagal kong nagsulat dahil sinigurado kong maganda yung sulat ko. Nakakahiya naman sa kanya. He patiently waited for me to finish, still flashing his smile at me. Is he distracting me? Effective masyado. Conscious na conscious ako sa sarili ko habang nakatingin lang sya sa akin at hinihintay akong matapos. Pinilit kong magconcentrate kahit mahirap.

Nakita ko ulit yung nakakasukang pickup line sa conver ng notebook nya pagkatapos ko itong isara. Hindi na napigilan ng facial expressions ko ang kasuklamang nadama sa napakagasgas at napakasamang pickup line. Napansin nya naman agad ang masukasuka kong itsura kaya hinigit nya ulit ito mula sa akin.

"Ang OA mo, Mia. Hindi naman korni e."

Seryoso ba 'tong lalaking 'to? Kahit ako ata na basura ng mundo, hindi nya mapi-pickup. Nakakasakit lang ng ulo e.

"Wala bang ibang design?"

"Meron naman kaso... "

Hinablot ko mula sa kaniya yung notebook na kanina nyang inagaw mula sa akin. Hindi na nga kagandahan, pinag-aagawan pa rin ang notebook nya. Nahiya naman ako sa notebook.

"Pizza ka ba? Kasi crust kita? Ang korni talaga. Type mo yung mga ganito?"

Tumawa sya at pinitik ang noo ko. Feeling close ang gago. Sabagay, feeling close din naman ako sa kanya at sa notebook nyang may pizza kaya kunwari, hindi ko na lang napansin.

"Sira. Hindi ko yan type."

"E bakit—"

"Ikaw yung type ko."

Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Unti-unting naging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha kaya muntik na akong maniwala. Pero alam ko naman na hindi totoo.

"Sira." bulong ko pero tama lang para marinig nya. Ako naman ang nag-ayos ng buhok ko para lang maiwasan ang tingin nya. "Siraulo ka, gago."

Pilit kong pinapakalma ang puso ko at pinipigilan ko ang pagngiti. Alam kong hindi sya seryoso. Alam kong yung mga lalaking kagaya nya, maganda ang gusto. Hindi naman ako maganda. Tanggap ko na yun.

Tumawa sya nang malakas. "Joke lang naman. Pinapatawa lang kita, Mia." Pinitik na naman nya ang noo ko. Naiinis na ako sa kanya, hindi porket gwapo sya ay may karapatan na syang loko-lokohin ako nang ganito. Agad kong hinampas ang kamay nya para itigil na nya ang pamimitik sa noo ko pero parang wala lang yun sa kaniya at itinawa pa ito. Tumayo ako para lumayo na sa kanya. As expected, hanggang dibdib lang ako.

"Uy, Mia..."

"Ang korni mo."

"Kinilig ka naman? Yieeeh."

Oo, kinilig ako. Ang cute kaya ng ngiti mo. Ang cute mo kaya. Pero syempre hindi ko sasabihin sayo. Che.

"Hindi ah, korni kaya. Gasgas na yun e."

Hindi nya pinansin ang comment ko. Tumawa lang sya ulit at pinitik na naman ang noo ko. Binuklat nya ang notebook nya at tiningnan ang sulat ko. Tumingin sya sa akin tapos tumingin ulit sa notebook at ngumiti. Tinaasan ko lang sya ng kilay at ipinatuloy na ang pakikinig sa paborito kong kanta.

That was how my first conversation with the brown haired boy named Uriel, went—weird, confusing, and somewhat slightly crooked.

🌻

Sana? Sana.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon