🍞

2 0 0
                                    

Minsan isang umaga, sobrang curious na talaga ako kung bakit parang lagi syang pagod pag sasakay ng jeep kaya tinanong ko na sya.

"Uriel, bakit ba mukhang pawis na pawis ka lagi? Umagang umaga naman?"

Hindi sya kaagad nakasagot. Huminga muna sya ng malalim at inayos ang buhok nyang magulo. Inabutan ko sya ng panyo at tubig na dalawang linggo ko nang ginagawa.

"Late kasi lagi akong nagigising."

"Pwede namang yung kasunod na jeep yung sakyan mo para hindi ka napapagod sa pag takbo. Hindi ka naman mal-late."

Ngumiti na naman sya, yung ngiting nakakaloko. Yung ngiti nya na iniiwasan ko na. "Gusto kasi kitang kasabay e."

And I almost smiled. I almost felt it, that heart palpitating moment na sa kanya ko lang nararanasan. Pero alam ko naman. Alam ko naman na iba ang gusto nya. Alam ko naman na magkaibigan lang kami at talagang mapaglaro lang sya. Alam ko namang iniisip nya na wala akong chance na mafall sa kanya kasi hindi din sya maf-fall sakin. Alam ko naman.

"Sasali ka sa intrams ngayon?" tanong nya sa akin nung nakakahinga na ulit sya ng maayos.

May intrams pa nga pala bago yung sembreak.

"Hindi." Hindi talaga ako sumasali sa intrams at sa mga sports activities. Nakakapagod yun at ayaw ng katawan ko na napapagod. "Wala akong sinasalihan kapag intrams."

"Pero sumali ka nung Grade 7 tayo."

Huh?

"Sumali ba ko?"

"Oo shunga," tumawa sya tapos pintik nya yung noo ko. "Ikaw yung sumali tapos hindi mo alam? Cheer dance yun ah tapos may pompoms pa kayo."

Ay oo nga. Ngumiwi ako nung maalala ko yun. Pinilit na nga sigurong burahin ng utak ko, pinaalala nya pa. Pinilit lang talaga ako nun e. Kailangan na lang daw talaga ng isa pang member para pumasa yung grade level namin sa requirement.

"Naalala ko na. Pinilit ako ni Ken."

"Si Ken?"

Kilala naman nya si Ken dahil kaklase namin yun at katropa nya. Kapatid ni Ken si Mikaela.

"Oo."

"Close kayo ni Ken?"

"Siguro." Hindi ko naman kasi talaga alam. Close kami ni Mika, pero hindi ako sure kung close kami ni Ken.

May iniabot sya sakin na brown bag noong malapit na kaming bumaba. Tinanong ko sya kung ano yun.

"Bayad yan sa lahat ng tubig na ininom ko."

"Ha?"

Hindi sya sumagot at kumaripas sya ng takbo. Pagkabukas ko sa brown bag, madaming mga sandwiches na nasa loob. Iba't iba ng flavors pero napansin kong maraming chicken sandwich. Favorite ko ang chicken sandwich.

Sya ba ang gumawa nito?

May note pa na nakasulat:

Oy pangit kainin mo yan ha. Madaming pagpipilian dahil hindi ko alam kung anong gusto mo (ay, alam ko pala... ako yung gusto mo di ba?). Kumain ka dahil ang payat mo, payatot.

Uriel

Hindi ko na pinigilan ang ngiti ko. Pinabayaan ko na lang na nakangiti ako sa daan habang naglalakad papunta sa room namin, kagat kagat ang isang sandwich na gawa nya.

🌻🌻🌻

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana? Sana.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon