Chapter 1

10 1 0
                                    

Star's POV

"Starshine, huwag mong kalimutan yung mga bilin ko sa'yo ah?" Sabi ni mama.

"Opo ma!" Sabi ko at sumaludo pa.

"Sige, aalis na ako ah! Pakabait ka, ok?"

"Yes ma! Bye! I love you!" Sabi ko at kiniss sya sa cheeks.

"Bye baby ko! Love you too!" Sabi niya at umalis na..

Ako nga pala si Starshine Arce. Star for short. 17 years old. Simple, mabait, at matalino. Pero may sa----

*rrrrrriiiiiiiinnnnnnngggg*

May tumatawag, tinignan ko si Kelly pala. My bestfriend.

"Ano ang kailangan mo best?" Tanong ko.

[Eh kasi best, pupunta kami diyan bukas. Ok? Kasama ko si Tyler at mga pinsan niya..] sabi niya. At napatawa naman ako. Eto talaga....

"Sige..." Sabi ko

[Ok best! We'll be there at around 8:30 in the morning.] She said and ended the call..

"Hija! Pasok ka na dito. Gabi na oh!" Sabi ni Nanay Bernadeth, siya ang nag-aalaga sa akin kapag wala si mama. She's 61 years old. Mabait siya at maalaga.

"Opo nanay! Andyan na po!" Sabi ko at pumasok na sa bahay..

Kinaumagahan...

Kagigising ko lang dahil tumunog yung alarm clock ko. Pumunta muna ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at nagbihis, bumaba na ako at kumain. Habang kumakain, may nagdoorbell. Akmang tatayo na ako para buksan iyon pero pinigilan ako ni nanay Bernadeth.


"Ako na hija, ipagpatuloy mo nalang ang pagkain." Sabi niya at dali daling binuksan ang pintuan..

"Besssstttt!!!! I'm hoooommmeee!!" Rinig kong sigaw ni Kelly. Napa-iling iling nalang ako. Kahit kailan talaga, feel at home sya..

"Oh! Kain muna best!" Sigaw ko at nakita ko siyang pumasok dito sa kusina.

"Sige lang, katatapos namin. Anyways, andito na kami.." sabi niya. At doon ko lang napansin na kasama niya ang boyfriend niyang si Tyler De Guzman, isa pang lalake at isang cute at chubby'ng bata.


"Sino siya?" Turo ko sa kamukha ni Tyler habang nililigpit ang pinagkainan..


"Ahh, Pinsan ni Tyler.." Sabi ni Kelly..

"I'm Skyler by the way.." Sabay lahad nito ang kamay niya. Inglishero? Wow ha..

"Nice to meet you Skyler, I'm Starshine but call me Star for short.." Nakangiting sabi ko at tinanggap yung kamay niya..

"Ako naman po si Hyler De Guzman. Walong taong gulang, nakatira po ako sa bahay ni mama at papa. Can I call you ate Loves po?" Nakangiting sabi ng bata sa akin at inagaw ang kamay ko na hawak padin ni Skyler at kiniss pa ito.. Awww~~ cute na nga, gentlekid pa...

"Hi there cutie! I'm ate Star, of course you can call me ate Loves. Wala pa naman akong nobyo at asawa.." Sabi ko at natawa kaming lahat except kay Skyler.. Hmm, napano kaya yun?

"Ok, tara muna sa garden. Doon tayo.." Yaya ko sa kanila..

--------------


"So ano nga pala't naparito kayo?" Tanong ko kay Kelly habang sumisimsim ng lemon juice..

"Wala lang best, naisipan lang namin ni Tyler na ipakilala ka sa pinsan niyang si Sky." Sabi niya. Kami lang dalawa ang nakaupo dito sa bench dito sa harap ng pool at ang tatlong magpipinsan ay naisipang lumangoy. Pinayagan kona, ikaw ba naman ang pipilitin ng isang cute na cute na bata. May pagbibihisan daw naman sila sa kotse.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya..

"Bakit?" Tanong ko.

"Mkans jsmsmzk ksnsn pwjs...." Mahinang sabi niya pero hindi ko naintindihan..

"Ano ulit yun? Di ko naintindihan eh.." Sabi ko.

"Wala. Ang sabi ko, eh kasi naman single ka. NBSB. Since birth best! Grabe ka! You're 17 and nearly turning 18! Kaya naman naisipan namin na i-develop kayo ni Sky para magkaboyfriend ka naman bago ma---" bago pa niya matapos ang sasabihin niya, tinakpan ko na agad ang bunganga niya. Ayoko kasing pinag-uusapan ang tungkol doon.

"Oo na best, susubukan ko. Pero hindi ko maipapangakong hindi ko siya masasaktan.." Sabi ko at tinanggal ang kamay kong nakatakip sa bunganga niya..

"Masaya yan best!! Tara na, swimming tayo! Nakakaakit yung pool.." Pumapalakpak na sabi niya at tumalon sa pool.

"Tsk. Pool ba yung nakakaakit o yung boyfriend niya?" Naiiling na tanong ko sa sarili at sumunod sa kanya pero hindi muna ako tumalon, naupo muna ako sa gilid.

Maya-maya lang ay may nagtulak sa akin! Kaya nahulog ako sa pool. Oh no! Hindi ko masyadong alam lumangoy! 6ft pa naman to eh ang kaya ko lang ay 4ft! Kelly! Help me please!

I tried to reach for an air but I can't and my feet are starting to have leg cramps. Ang hirap! Hindi ko na kaya! Bago ako mawalan ng malay ay may mga brasong pumulupot sa bewang ko.


And then black out~~~~~~~~



🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹

A/N: Chapter 1✔

🕛

Our Life TogetherWhere stories live. Discover now