Chapter 1

895 16 0
                                    

Sh*t!! Sh*t!! Sh*t!!

Bakit!? Bakit siya pa yung pinili ni Zylex!? Why not me? Bakit si Zyna pa? Bakit yung pinsan ko pa? Rrrrgh! I Hate them a lot!! Dapat ako yun eh! Dapat ako yung kasama ni Zylex ngayon! Dapat ako yung katabi niya ngayon. Ako dapat kaligayahan niya. I'm not selfish. I'm just in love kaya ko yan nasasabi.

Bakit? May magagawa ba kayo? Wala di ba? Kung wala kayong magagawa, ako ang gagawa ng paraan. At kakailanganin ko ang tulong niya. Ang tulong ni Josh. As in Joshua Reyes.

Alam ko namang may gusto siya kay Zyna eh. Because Josh is Zyna's childhood friend. Josh is Zyna's first love.

Bakit ko alam? Kasi matalino ako. Magaling ako. Kaya nga dapat, ako ang piliin ni Zylex eh. Hindi yung babae na yon! Tyaka, mas matagal kong nakasama si Zylex. Lalo na nung nasa States kami.

[[Past]]

*huk huk* "Oi bata, bakit ka umiiyak?" tanong sakin ng isang batang lalaki na kaedad ko lang din.

"Nadapa *huk* kasi ako eh.."

"Nasan ba yung sugat mo? Patingin nga." tapos titingnan niya sana yung tuhod ko pero tinakpan ko kaagad. "Bakit ayaw mong ipakita?" tanong niya ulit.

"Masakit *huk* eh.." umupo siya sa harap ko at umupo patalikod sakin. "Anong ginagawa mo?"

"Sakay."

"S-Sakay? S-Sa likod mo?"

"Oo. Dali na. Gamutin natin yang sugat mo. Tyaka, tumigil ka na sa pag-iyak mo. Wala naman yang magagawa eh.. Lalo ka lang masasaktan." Agad kong pinunasan yung mga luha ko at tumigil na sa pag-iyak gaya ng sabi niya. Sumakay na ko sa likod niya at kumapit sa kanya. Syempre, ayoko namang mahulog. Baka lalo pang madagdagan yung sugat ko. Nakarating kami sa isang bahay na malaki. Halos kalaki rin nung bahay namin. Pumasok kami dun at binaba niya ko sa sofa. "Diyan ka muna, tatawagin ko lang si Yaya." umalis siya sa harap ko at umakyat sa second floor ng bahay nila. Mayamaya, nakita ko na siya na may kasamang matandang babae. "Yaya, pakigamot po nung sugat niya sa tuhod." sabi nung bata. "Sige, sandali lang." sabi nung yaya niya. "Bata.." lumingon naman siya sakin. "A-Anong pangalan mo?"

"Zylex. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Ako? Mmm. Tiffany."

"Asan na yung sugat ng kaibigan mo?" tanong nung yaya niya nung nakabalik na. Tumingin sakin si Zylex. "Ipakita mo na kung nasan yung sugat mo."

"A-Ayoko." mautal-utal kong sagot. "Ipakita mo na. Hindi naman yan masakit kapag ginamot eh." pagpipilit niya sakin. "A-Ayoko. B-Baka mahapdi. B-Baka a-alcohol yung gamitin niyong p-panggamot eh.." tumawa naman si Zylex bigla.

Shet! Ang gwapo. .

"Bakit ka tumatawa?"

"Kasi naman, ang duwag mo pala."

"Eh sa alam kong masakit yun eh!!" sigaw ko na ikinagulat ni Zylex. Napayuko na lang ako at umiyak ng tahimik. Nakita ko yung mga paa ni Zylex na lumapit sakin at bigla niya akong niyakap. "Magpagamot ka na. Baka lumala pa yan. Wag kang mag-alala, hindi yan masakit. Yayakapin na lang kita para di mo makita." yumakap na lang rin ako sa kanya at pumikit. Mayamaya, may naramdaman akong dumikit sa sugat ko. Medyo mahapdi siya. Pero mabilis ding nawala yung hapdi. Tama nga si Zylex. Hindi siya masakit. "Okay ka na?" tanong niya sakin nung humiwalay siya sa pagkakatakap. Tumango ako at ngumiti. "Ihatid na kita. Saan ba ang bahay mo?"

"Mmm."

"Malapit lang ba?" tumango ulit ako. "Tara na." sabay lahad niya nung kamay niya sa harap ko. Kinuha ko yun at tumayo. Pero medyo masakit pa rin yung sugat ko kaya, "Sakay ka na lang ulit." at umupo ulit siya sa harap ko. "Wag na. Baka nabibigatan ka sakin eh."

"Ayos lang. Kesa abutin naman tayo ng siyam-siyam bago makarating sa bahay niyo." napangiti naman ako sa sinabi niya at sumakay na ulit sa likod niya. Nung una, nagtaka ako kung bakit ang bait-bait sakin ni Zylex. Yun pala, wala pa siyang mga nagiging kaibigan dito. Nang makarating kami sa bahay, sinabihan ko na lang siya ng "Salamat sa paghatid ah." at nginitian. Ngumiti rin siya at kumaway sakin bago umalis at sumigaw ng, "Laro tayo bukas ah?" Hindi na ako nakasagot nun dahil sa tuwa ko. May kaibigan na rin ako sa wakas. Oo, ngayon lang ako nagkakaibigan. Sabi kasi nung mga bata sakin, masama daw akong bata. Kaya ayaw nila akong makalaro.

Kinabukasan..

*dingdong* "Andyan po ba si Tiffany?" rinig kong sabi nung nagdoorbell. Sigurado akong si Zylex yun. Agad akong tumakbo palabas ng bahay at hindi nga ako nagkakamali. Nakita ko si Zylex na nakangiti nung nakita niya ako. "Hi Tiffany!" bati niya sakin. "H-Hello. Bakit ka nandito?"

"Di ba nga, maglalaro tayo?" Oo nga pala. "Sige. Pero, san naman tayo maglalaro?"

"Uhm.." tumingin siya sa paligid niya at, "Dun sa park." nakangiti niyang sabi. Nang makarating kami sa park, naglaro kami. Nagtagutaguan, naghabulan, kumain ng meryenda, nagkwentuhan, at marami pang iba. Paulit-ulit lang yung nangyari na yun. Nung nag-seven years old kami ni Zylex. Lagi kaming magkasama, sa pagpasok sa school, sa paggala, sa paggawa ng mga kalokohan. Ang saya-saya namin palagi.

Pero..

Lahat ng saya na naranasan ko, nawala. Kasi kailangan ni Zylex na umuwi. Dun na daw sila titira sa Pilipinas. Dun na daw siya mag-aaral sabi nung parents niya.

"Oi, wag ka ngang umiyak diyan. Sige ka, papangit ka lalo." sabi niya sakin kaya hinampas ko siya ng marahan sa braso niya.

"Bakit kasi di ka na lang dito magtapos ng pag-aaral?"

"Wala naman akong magagawa kahit gusto ko eh. Tyaka, namimiss ko na rin yung Pilipinas."

"Sige na. Umalis ka na. Baka pag pinigilan kita, di ka na talaga makaalis."

"Oo na. Pero wag ka ng iiyak. Dahil wala rin naman yang magagawa eh. Mahihirapan ka lang at masasaktan. Sige na. Babye!" tapos kumaway siya at sumakay na sa kotse nila.

Goodbye, Zylex.

***

*Tiffany Cruz sa multimedia.

Accidentally Fall in Love (PMB Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon