Chapter 1: Meet The Servant

99 7 6
                                    

"Let it go, Let it go~

Can't hold it back anymore~

Let it go, Let it go~

Turn my back and slam the door~

And here I stand~

And here I'll stay~

Let it go~

Let it-- HOY LAINE!!! ABAY BILISAN MO DIYAN SA BANYO!! ANONG ORAS NA OH!?? MAY LAKAD PA KAMI AT MARAMI KA PANG TRABAHO!!!"

Tsk. Panira naman to oh, agad na kong nagbihis at lumabas na ng banyo pero pagkalabas ko palang sinalubong na ko ng isa pang panira

"Hoy Laine, Bilhin mo lahat ng nasa listahan nayan at pagkatapos mo magluto ka na, maglaba, maglinis ng bahay, magwalis ka na rin sa bakuran at magtapon ng basura. Kailangan pagkagaling namin sa simbahan nakaluto ka na kung ayaw mong ikaw ang lutuin ko ng buhay, maliwanag?"

"Tss. Magsisimba pa kasi hindi naman bagay, baka masunog pa kayo dun eh" bulong ko sa sarili ko

"May sinasabi ka!?" tanong niya sakin

"Wala po, aalis na po kako ako para po maaga po akong matapos" saka ko na siya iniwan dun at lumabas na ng bahay

Bago ang lahat, magapakilala muna ko sa inyo. I am Maria Laine Heartfilia, 16 years old at yung mga panira kanina? Sila sina Shin at Mei ang kontrabida ng buhay ko. They are my step sisters, nung 7 years old kasi ako nagasawa uli si Daddy pero pagkatapos ng isang taon ay iniwan niya ko at ang dating magandang buhay ko ay nagmukhang impiyerno ng dahil sa Step mother at sisters ko. Ginawa nila kong katulog sa sarili kong bahay, pati mga pamana sakin ng tatay ko sila lahat ang nakinabang.

Pamilyar ba ang storya ko? Parang yung pinakasikat a fairy-tale lang diba? Pero ang kaibahan lang, She lives in fantasy, kung saan walang imposible, kung saan laging may pagasa, at ang tanging lugar kung saan nageexist ang happy ending. Samantalang ako, nakakulong sa malupit na realidad na to, nangangarap na sana magkaroon ako ng happy ending, pero matagal na yun at pagod na kong umasa, dahil natauhan na ko. Na wala ring mangyayari kung aasa nalang ako sa bagay na kailanman ay hindi magkakatotoo

*blag* Ouch! ang sakit kayo kasi eh, masyado kong nalibang sa pagkukuwento ko sa inyo hindi ko tuloy napansin na matatalapid na ko. Buti nalang at walang nakakita nakakahiya kaya >.<

Haaaayyyy... Nakatapos rin sa lahat ng trabaho. Nandito ako ngayon sa tapat ng kuwarto ng step mother ko, kailangan ko na talagang sabihin to kundi baka hindi ko na matupad ang mga pangarap ko.

*knock knock* kumatok muna ko siyempre, ano yun bastusan kung basta nalang ako papasok? haha sorry pinapalakas ko lang ang loob ko kaya dinadaan ko nalang sa biro, yung step mother ko kasi kasing bangis ng mga dragon na nagbabantay sa mga prinsesa ng fairy-tale.

"Pasok" pasok daw kaya pumasok na nga ako, nakita ko siya dun naka suot ng facial mask habang nagbabasa ng libro. Pfffttt.. ang pangit lang niya grabe!!

"Oh Laine? tapos ka na ba sa mga trabaho mo? anong sadya mo dito?" tanong niya sakin

"Ah madam, ano po kasi..." yah, madam ang tawag ko sa kanya yun kasi ang gusto niya, pero nung nabubuhay pa si Dad may nalalaman pa siyang mommy nalang tss.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo na, sinasayang mo ang oras ko" mataray na sabi niya sakin

"Kasi po magpapaalam lang po sana ako sa inyo na aalis po ako bukas--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil kumunot na ang noo niya at malapit ng bumuga ng apoy

"At san ka naman pupunta ha!?" medyo pinagtaasan na niya ko ng boses

"Ah kasi po, malapit na po kasi ang kuhanan ng entrance exam sa college kaya mageenroll po sana ko bukas may ipon naman po ako eh" sagot ko sa kanya. Sana talaga pumayag siya, gusto ko kasi talagang makatapos ng college kasi bata palang ako nangako na ko kay Dad na magtatapos ako ng pag aaral at palalaguin ko ang restaurant namin

"Hindi, hindi ka na magcocollege, tama na yung nakatapos ka ng high school. Pagsasayang lang yan ng oras at pera wala ka rin namang mararating eh. Nakapagdesisyon na ko, simula bukas magtratrabaho ka na sa Restaurant ko malinaw ba?" mangiyak-ngiyak na ko dahil sa mga masasakit na salitang sinasabi niya pero hindi ko hinayaang may tumulong luha, hanggat nakikita kasi nila na mahina ka, mas lalo ka nilang aapakan.

Matatanggap ko pa sana yung magtratrabaho ko sa Restaurant namin ni Dad na inangkin niya dahil bata palang ako pangarap ko ng magtrabaho dun pero yung pagpigil niya sakin sa pagaaral at pagtapak niya sa pagkatao ko na parang hawak niya ko sa leeg, yun ang hindi ko matanggap, masakit.

"P-pero po--" hindi na ko makapagsalita ng diretso dahil sa sari-saring emosyon, galit, lungkot, at panghihinayang

"Wala ng pero pero, sige lumabas ka na at magpahinga maaga pa ang simula ng trabaho mo bukas" wika niya sakin na puno ng awtoridad

Sa tingin ko hindi ko na kayang pigilin ang luha ko kaya naman tumakbo na ko palabas ng kuwarto niya at tinungo ang aking kuwarto at dun iniiyak lahat ng hinanakit ko

Hindi naman talaga ko ganito kaiyakin dati eh, mas gusto ko kasing itago sa kanila na malungkot ako at mahina dahil ayokong magalala sila sakin. Pero hindi ko na kaya eh, naipon na lahat ng sakit sa loob ko, matagal-tagal na rin kasi ng umiyak ako,

Napahawak nalang ako sa pendant ng locket ko habang umiiyak, regalo to sakin ni Dad nun. Kay Mama daw to at gusto daw ni Mama na ibigay to sakin ni Dad last wish daw niya bago siya mamatay.

"Ma, *huk* bakit ganun sila? *huk* pilit ko naman sil-ang pinakikisamahahan *huk* ng ma...buti, pero bakit... bakit kung ituring *sniff* nila ko parang isang, alila" ganito talaga ang ginagawa ko kapag malungkot ako, hinahawakan ko ang pendant na to saka ko kinakausap si mama

"Pero... alam mo Ma? A...ang daya mo *sniff* din eh, bakit kasi i-iniwan mo ko agad? Ba..kit i-iniwan mo nalang ako sa *huk* kasing sama pa niya? Saka bakit *huk* kinuha mo agad sakin si Dad? a-alam ko na...mang miss mo na siya *sniff* pero sana hinayaan mo munang makasama ko pa siya. Siya nalang kasi ang kakam...pi ko Ki-kinuha mo pa" hindi ko naman talaga siya gustong sisihin pero, masama lang talaga ang loob ko dahil iniwan nila ko agad, at iiwan nalang nila ko bakit hindi pa sa matinong tao?

Matagal-tagal din akong umiyak habang dumadaing kay mama bago ko nakatulog... Sana paggising ko magbago na ang lahat, sana bangungot lang pala to, sana paggising ko ayos na ang lahat...

A/N:

Natapos ko rin to sa wakas XD haha puro kasi chat ang inatupag eh XD nagustuhan niyo po ba ang first chapter? vote and comment po kayo XD

Just Another Fairy-tale StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon