Chapter 3: Meet Nathan

21 1 0
                                    

Laine's POV

"GOOOD MOOORNINGGG!!!" pagbati ko dun sa mga ibon sa bintana ng kuwarto ko

"*chirp* Good Morning din sayo Laine" sagot sakin nung ibon..... pero siyempre joke lang yun XD nagfefeeling Cinderella lang ako haha, Good vibes kasi ko ngayon

Maaga kong gumising ngayon kasi bukod sa ayoko na uling mabuhusan ng malamig na tubig eh may papasok pa ko sa resto. At saka, kaya good mood ako ngayon kasi ngayon ko na kakausapin uli si Auntie tungkol sa pag-aaral ko tutal may nagalok naman na sakin ng scholarship eh baka pumayag na siya

Nandito na ko uli sa tapat ng kuwarto niya at as usual humugot muna ko ng isang malalim na hininga habang nakahawak sa dibdib pampalakas ng loob. Hindi niyo naman ako masisisi kung talagang nakakatakot siya eh. Nang macompose ko na ang sarili ko ay kumatok na ko sa pinto

"Uhm, Madam? puwede po ba kayong makausap?" tanong ko sa kanya sa kabila ng pinto

"Pasok ka" tipid na sagot niya

"Anong kailangan mo? bilisan mo lang at sinasayang mo ang oras ko" mataray na sagot niya sakin, sus! sinasayang ang oras niya? eh nakahilata lang naman siya magdamag eh

"Ah, eh kasi po, yung tungkol po sa enrollment ko--" sagot ko pero bago pa ko makatapos ay nagsalita na agad siya, bastusan?

"Napagdesisyunan na natin yan Laine, Hindi ka na magaaral at magtratrabaho ka nalang sa Resto, kung yan lang din ang sadya mo makakaalis ka na" naiinis na talaga ko dito, kung may choice lang ako matagal na kong lumayas dito eh, pero hindi pa rin ako susuko, magaaral ako sa ayaw at sa gusto niya

"Ma-magtratrabaho pa rin naman po ako sa Resto, kaso part time nalang po kahit wala na po akong suweldo, may nagoffer po kasi sakin ng scholarship sayang naman po yun, 10,000 per month po ang allowance tapos sagot na po niya lahat ng expenses sa school, sige na po Auntie pumayag na po kayo"  pangungulit ko sa kanya

"hmmm... pagiisipan ko" sagot niya habang hinihimas pa ang ilalim ng baba niya

"Sala--" hindi na naman niya ko pinatapos dahil sumingit na naman sya

"Sige, papayag ako kung 50/50 tayo, sakin yung 5,000 per month at sayo naman yung 5,000 saka papasok ka pa rin sa Resto kapag maraming customers o kaya eh wala kang ginagawa, at gagawin mo pa rin ang mga gawain dito sa bahay, naiintindihan mo?" sagot niya sa pakiusap ko, tss. tingnan mo to, mukhang pera alaga eh, pagkakitaan ba daw ang allowance ko? pero sige para sa pagaaral ko, matipid naman ako kaya ayos na sakin ang 5,000 a month, kakayanin ko to

"Salamat po talaga!" kahit inis na inis ako sa kanya ay napayakap ako sa kanya sa sobrang tuwa

"ANO BA LAINE! HINDI AKO MAKAHINGA! BITAWAN MO NGA AKO!" tss. ang arte naman nito hindi naman mahigpit yung yakap ko eh

"Sorry po, pero thank you po talaga" nubayan, thank you ako ng thank you sa kanya kahit wala naman talagang dapat ipagpasalamat, siguro dala lang ng sobrang kasiyahan

"Osiya, siya, lumayas ka na sa harapan ko at baka magbago pa ang isip ko, saka may trabaho ka pa sa Resto, sige alis" pagtataboy niya sakin, if I know hindi lang talaga siya na may nagthathank you sa kanya kaya niya ko pinapalayas

"Sige po, salamat po talaga" sabi ko bago tuluyang umalis at gumayak para sa trabaho ko sa Resto

Nandito na ko ngayon sa Heartfilia Restaurant at kalalabas ko lang ng Employee's Room ng makita ko yung nag alok sakin ng scholarship at kausap niya si Ate Baby

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Another Fairy-tale StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon