MAXINE'S POV.
AFTER ONE WEEK.
It's been a one week since Dave and I broke up. Pero hindi parin nawawala ang sakit. Ganon ba talaga yun? First love never dies? Sino ba kasing nagpauso niyang salitang yan. Kainis kasi e. Bakit ba kasi ganon? Gustong gusto ko siyang kalimutan pero parang lalo ko lang siya naiisip. Katulad nalang ngayon. Hawak hawak ko yung picture naming dalawa ni Dave ng magkasama , yung wala pa kaming problema. Call me stupid pero haggang ngayon mahal ko parin siya na hanggang ngayon siya parin.
Patuloy paring umaagos ang mga luha ko mula sa mata ko.
"Tokwa ka ,Dave!! Minahal naman kita a. Pero nagawa mo parin ako lokohin? bwisit kang bakulaw ka!!! Nakakainis ka talaga… bakit ba hindi kita makalimutan? na hanggang ngayon ikaw parin ang dahilan kung bakit nasasayang ang luha ko sa isang walang kwentang tulad mo? Sarap mong burahin sa mundong ibabaw!!!." Sa sobrang galit ko. Binato ko yung picture naming dalawa sa pintuan at talagang namilog ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto at...
BOOM…....
"AY SHETE!! ....OUCH…." napasapo si kuya Mateo sa kanyang ilong dahil sa pagtama ng ibinato ko sa pintuan. tsk! =____= . Pinunasan ko yung luha ko at baka makita pa nitong kupal na'to .
"Tsk! Seriously ,Kuya? Hindi ba uso sayo ang salitang 'knock knock before you open the door'?." I hissed annoyingly. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Knock knock-in kita dyan e. Porket broken hearted kalang may karapatan ka ng mambato." He said. I just rolled my eyes on him. Gezzz! Masakit na nga ang mata ko sa kakaiyak. Dadagdag pa'tong ulo ko sa mga pinagsasabi nito'ng kupal na'to. "Oh? Di ba tama ako? Hindi ka pa nakakamove sa kanya." Sabi niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin.
"NAKA. MOVE. ON. NA. AKO." I slowly said. Kumunot tuloy yung noo ko dahil bigla siyang natawa sa sinabi ko. At ano namang nakakatawa , aber?
"Really? Don't me ,lil sis. Hindi mo'ko maloloko. " lumapit siya sakin at umupo sa gilid ng kama ko. "Alam kong hanggang ngayon nasasakatan ka parin sa gago nayun. At sobra akong nagagalit sa ginawa niya. Napaka gago talaga nun. Ako nga na kuya mo hindi ka sinasaktan ,siya pa kaya na boyfriend mo lang? Pag nakita ko talaga yang ugok nayan, lalo kong wawasakin yung pagmumukha niya. Akala niya siguro ikinagwapo niya yung panloloko niya sayo . Isang tadyak ko lang ata sa pagmumukha nun baka bumalik siya sa sinapupunan ng nanay niyang gago siya." Sabi niya nadahilan para napangiti ako. Pero diko parin maiwasan na mangilid ang luha ko. Napaisip ako. Bakit ba ako nagpapakatanga sa isang tao? "Tsk! Wag kang ganyan. Umiyak ka lang hanggang gusto mo… gusto mo damayan pa kita sa pag iyak.?"
And thats it. Tuluyan ng umagos ang luha ko. Lumapit si kuya sakin at ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya. "Sige lang. Iiyak mo lang. Nandito lang ako baby girl." He whispered.
"Kuya… p-pagod na pagod na akong umiyak..p…pagod na pagod nadin akong masaktan...lagi ko n-nalang siyang naaalala. nakakapagon lang." I said while sobbing.
"Shhh!!! may tamang panahon para makalimutan mo siya. Maybe this is not the right time para makalimot pero magigising ka nalang isang araw na wala na siya dito." Tinuro niya yung dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko. "Titigil din sa pag iyak 'to." Now he's pointing my eyes full of tears. "At makakalimutan mo din siya… In the right time." Ngayon alam kong seryoso na siya sa mga sinasabi niya. Nage-english na e. Kahit masakit pipilitin kong maging masaya. Humarap ako kay kuya at nginitian ko siya. Anong nakain kaya ng kupal na'to?
"Kuya , thank you. Dahil sayo medyo Lumuwag ang pakiramdam ko. " Sabi ko tsaka ko sya niyakap ng mahigpit. Bigla naman siyang humiwalay sa pagkakayakap sakin. "Why?." I asked.
YOU ARE READING
Fake becomes REAL
FanfictionPwede bang maging real ang fake? Pwede bang maging totoo ang peke? Imposible naman yun. Tanga ka nalang siguro kung paniniwalaan mo yun. Ako si Maxine Do. at Hindi ako naniniwala sa kabaliwan nayan. Pero pwede ko din bang bawiin lahat ng sinabi...