Victoria was walking down the hallway when she suddenly bumped into one of her acquaintance. The latter apologized but she just smiled. That's when she noticed the girl's beaming expression. Bewildered, she asked.
"Why do you look so happy? Ang blooming mo!"
Ngumiti ang babae at namula ang kaniyang pisngi. Pagkatapos ay impit na tumili. Kung kaya't napahawak si Victoria sa kaniyang dibdib. Hindi literal na dibdib, ha.
"Ano ba! Huwag ka namang manggulat!"
"Hehe, sorry." Aniya't nag peace sign.
Victoria smiled in return. "So, ano nga? Bakit ka blooming? Ano'ng ginagamit mong pampahid sa mukha? Share naman dyan!"
Her friend slapped her back. The usual reaction when a girl can't contain her joy to herself.
"Ano ka ba, Vic! Hinay hinay lang naman sa tanong! Atsaka wala akong ginagamit na ano, 'no!" The girl giggled.
"Weh?"
Lumapit ang babae sa kaniya at bumulong.
"Kilala mo si Richard, 'di ba?" Bulong nito sa kaniya. She nodded.
"What about your bestfriend?"
"Ano kasi, ganito 'yun. Ni-request kong dalhin siya ng mga member ng Confession Booth doon sa booth nila. Tapos I confessed to him there. And guess what? We both liked each other pala! Kaya ngayon, we're going on a date!" Parang mangisay-ngisay nitong pahayag.
"Omg, I'm so happy for you! Congrats!" Ngiting sabi ni Victoria. She somewhat felt jealous dahil buti pa siya, nakapag-confess na.
She, on the other hand, stuck parin sa desisyon niyang ipapahayag ba ang feelings niya o hindi. Ang hirap naman talaga kasi. Lalo na kung ang daming doubts na lumilitaw sa isip mo.
"Thank you, girl! Oo nga pala, how about you? Hindi ba't kayo na ni Stefan?"
Victoria sadly smiled.
"He still doesn't know. Hindi ko rin alam kung magtatapat ba ako or hindi. Natatakot ako na baka hindi maganda ang kalabasan ng confession ko."
The girl patted her shoulder.
"Huwag ka kaagad mag isip ng kung ano-ano. Hindi mo pa nga sinusubakan, 'di ba? Just go and tell him. Hindi mo malalaman ang sagot hangga't hindi ka humahakbang. Don't be negative agad, Vic! Cheer up!"
Somehow, her jumbled heart stilled.
"Lemme give you some advice. How about i-set up mo din siya doon sa Confession Booth? Lucky charm mo na din ako! Naging success ang akin kaya baka sayo din!"