"My name is Scarlet Gelato, im half italian half american. Yeah, i was born here in the philippines i move to italy when i was 2yrs old. Then back here last summer." nagpakilala na ung kanose-bleed nosebleed kong mga kaklase lahat sila english speaking.
Tinakpan ko na nga lang ung ilong ko baka kasi mamaya. may biglang tumulong red liquid sa loob nito. Di din ako makahinga ng maayos, ang baho kasi nung sabon na ginamit ng nanay ko. Pinabili niya lang ito saakin sa tindahan eh. 3pesos lang.
"Next please?" hala ako na ung next, wala akong masabi. Na-stroke pa yata ako sa upuan ko, di ako makatayo. Natatae na ako. huhuhuhu. Anak ng tokwa
Kinurot ko ung braso ko at napa "Aray ko po" ako dahil di mabalik ang diwa ko sa utak kong walang kamuwang muwang. At last natayo na ako sa upuan ko at lumakad papuntang flatform ng room.
"Ako nga pala si.." magsasalita pa lang ako, binabash na ako nung isa kong balahurang kaklase. Ang bastos ah nagsasalita ung tao sasabay "English, please?" aba at nag-request pa ah
"Dont english me, im nosebleed... jk?" tinakpan ko ung ilong ko dahil nakakaramdam na ako ng red fluid. You know you know. Ugh. Nag-joke ako di man lang sila natawa, mga walang pakisama sa buhay. Mga mukang antipatikong palaka.
"Proceed" pinatuloy na ako ng teacher ko, nabasa nyo ba?
"Ako nga pala si Avril "Abbey" Martinez, di ko alam hobby ko eh.. wala din akong favorite food.. di ako pala sports. Walang interesting sa pamilya ko, basta tao ako. thats all" habang sinasabi ko ung mga sasabihin ko napapanganga ako dahil nahahatching ako kaya minabuti kong tapusin na agad.
"Hi" may nag-extend ng kamay gilid ng mata ko at alam kong tao ito "Im Scar, and you're abbey?" naka-extend pa din ung kamay niya. hindi ko pa din inaabot dahil ang bango at ang linis nito.. habang ung akin. Kakatapos ko lang ipangtakip sa bibig kong hindi pa nagtoothbrush, nagmentos lang.
"Narinig mo eh, dahil may tenga ka. SCAR? diba sugat ba 'yun?" tanong ko sa kanya, sa wakas in-extend ko na ang kamay ko pero bago pa ang lahat.. winipes ko muna ito.. amoy tinga eh.
"You're so funny, i like you" niyakap niya ako, pilit ko siyang nilalayo sakin dahil maaamoy niya ang sabon kong amoy aso, dahil naubusan na kami ng sabon sa bahay kaya ang ginamit ko lang ay sabon ni Patches.
"Lumayo ka saking lamang lupa, crush mo ako? pero babae tayo pareho. eww" na-skip ako ng 20 inch space between us, dahil feeling ko nahawaan na siya ng amoy aso kong sabon. ugh
"Sabon ba ng aso 'yung sabon mo?" Eto na eto na, gusto ko ng lamunin ng lupa sa kahihiyan ng amoy ko, dapat kasi di ako nagpapayakap eh. Nakakadiri ang sarili ko
"Ah- oo, naubusan kasi kami ng supply ng sabon kaya ginamit ko muna ung sabon ng aso ko, sabi ko naman kasi sayo lumayo ka sakin eh" niligpit ko na ung notebook ko sa bag at sinabit na ito sa balikat ko.
"Oh, i like the flavor kasi eh, i love Strawberry cheesecake so much" naglakad na ako palabas ng room at sinundan niya pa din ako, lumalayo ako sa kanya baka kasi maamoy niya nanaman
"Ah, ka-nosebleed ka naman.. hindi ko alam flavor nung sabon eh bigay lang kasi yun nung kapit bahay namin. hehehe" napakamot ako ng ulo dahil mamahalin pala ung sabon na ginagamit namin ni patches
"Oh sorry, nasanay lang ako mag-english but i do speak talaga too" lumapit nanaman siya sakin pero lumayo nanaman ako sa kanya.. baka maamoy niya naman ung shampoo kong dish washing soap.
"Oy--hoy lumayo ka sakin, anuba? masamang espirito. waaaaaaaaah" hindi na ako nakapag-pigil dahil nakakaTurn off na yung babaeng yun, tinakbuhan ko siya dahil malapit niya ng mahawakan yung buhok ko. Ayokong mahawakan niya. huhuhu
"Wait for me... Abbey just wait for me.." naririnig kong tinatawag niya ako pero di ko siya nilingon, dont talk to strangers abbey, dont talk. Ugh nahawa na ako sa english.
Naglakad lakad ako sa labas ng campus, recess time ngayon eh dapat nasa canteen ako pero walang perang pinabaon sakin si mama eh kaya kunwari busog ako. Bakit ba kasi dito ako pinag-aral nila mama, pambihira edi sana kasama ko sila Candice at Bea ng hindi ako loner dito.. last year nanaman at saka ako nilipat.
Ang dami kong nakakasalubong na mga magaganda at guwapong mga lalaki sa school na ito, ang yayaman nila lahat at lahat sila mukang mga model ba sila ng bench. Samantalang ako model ng karinderya namin.
Chinek ko ung buhok at kutis nila, napanganga ako with matching tulo ng laway pa dahil ang lahat ng iyon ay fix at maganda. Samantalang ako, Walis tambong buhok, at minsan pa nagse-sex pa ang mga pimples ko, nanganganak tuloy.
Umupo na lang ako sa bench ng isang open court dito sa school. Natatanaw ko ang basketball team na naglalaro sa court, ang gaganda ng mga sapatos nila lahat iyon ay kumikinta meron pa ngang umiilaw eh.
Tinignan ko ung sapatos kong binili ni mama sa palengke kahapon, maganda naman ito pero pambata ng design dahil local barbie ang tatak nito, yung school uniform ko naman ay pinamigay lang ng kapit bahay namin. Yung bag ko ay isang maliit na lunch box ko nung grades school.
Kung tutuusin basura lang ito sa paningin ng mga taong nasa paligid ko, kung ikukumpara ang mga ito sa mga gamit nila.. Lower class ang akin. Eh ano nga bang pakielam nila kung luma at gamit na ang gamit ko atleast may magagamit ako.
Tumayo na ako sa bench na kinauupuan ko kanina dahil sinikatan na ito ng araw. Naglakad ako sa buong Mitler University ang laki nga nito kumpara sa dati kong school. Malinis at komportable ang katawan ko dito.
Umupo ako isang batuhang upuan malapit sa canteen. Dito ko na lang aantayin yung teacher namin, nag-antay pa ako ng nag-antay pero 20 minutes na ata wala pa siya.
"Babes, upo muna tayo. Nakakapagod maglakad eh" napatingin ako sa mag-syotang naglalandian sa tabi ko, naghahalikan pa nga sila eh. Ang landi nila sarap ipukpok ng baul ng lola ko.
"Babes, samahan mo naman ako sa cr, mag-reretouch lang ako ng make up bago mag-simula ulit ung klase" napatingin nanaman ako sa kanilang dalawa. Wow ha, maypa-make up make-up pa siya ah samantalang ako punas lang ng muka.
Umalis na sila sa tabi ko na papuntang cr, nakita ko ung kalat nilang dalawa na iniwan sa upuan. Sakto namang malapit lang sakin ung basurahan kaya kinuha ko ito. Pagtingin ko, wala pang bawas ung mga pagkain nila. Sayang naman kung itatapon ko ito kaya kinain ko na lang.
Natayo na ako nung makita ko ung teacher kong pinapapila na kami pero may biglang humigit ng braso ko kaya napabalik ako sa pag-upo
"Miss, nasan ung pagkain namin dito yung kaninang iniwan namin?" ah eto ung lalaking nakikipag-landian sa tabi ko.
"Eh, nakain ko na. Akala ko kasi itatapon nyo na. Nadekwat ko na eh sorry" nginitian ko sila ng simple pero nagalit pa din ung lalaki sakin, hinawakan niya yung kuwelyo ng uniform ko.
"Bibili ka ng bago o babasagin ko 'yan muka mo?" inalog alog niya ako habang hawak hawak niya ang kuwelyo ko, ramdam ko na ding masisira na ang damit ko anumang oras.
"BADING KA, BADING KA. BITAWAN MO AKO ANG BAHO NG HININGA MO.. ASSHOLE" tinadyakan ko ung mga paa niya at napatalon siya sa sakit. Aw kawawa naman siya, kasi naman walang galang sa babae.
"Ho-hoy bumalik ka ditong babae ka, patay gutom" naglakad na ako papuntang pilihan kung saan nakatayo ung teacher ko. Nakatingin silang lahat sakin na parang manghang mangha.
"Miss, tawag ka ata nung lalaki oh" pagkapila ko tinuro ng kaklase kong babae ung lalaking humawak ng kwelyo ko at papalapit na siya saakin.
"TAKBOOOOO. TAKBOOO. AMPANGET MO. MONSTERRRRRR" bago pa man siya lumapit sakin ay tinakbuhan ko na siya. Baka mamaya mahawa pa ako ng kapangitan niya, mahirap na.
Bakit ba kasi ako inatake ng katakawan ko, napapahamak tuloy ako. Ang akala ko kasi di na nila ito babalikan kaya imbes na itapon ko na lang ay kinain ko na lang. Ang baho pa nung hininga nung lalaki, paanong? natiis ito nung babae niya. HAHAHA.
Actually mabango ito at makinis ang mga ngipin pero kasi nakakaasar siya, pati ako tinatrato niyang lalaki, di naman ako mukang lalaki nakita niyang nakapalda ako eh. hays.
XOXO
forgettingdreamer
