"Lumayo ka na sakin, di tayo magkalevel, langit ka...at mas masahol pa ako sa lupa." tinulak ko nanaman siya, at pilit akong dumidistansiya sa kanya.
"No, i like you Abbey. Please let me stay na kase" kanina niya pa ako hinahatak sa lahat ng parte ng katawan ko, nagkanda lasog lasog na ako.
"Yung totoo? higad ka o tao." hinarap ko siya at pinitik sa noo. "Hwag mo nga akong tawaging abbey, di tayo close" hinawakan niya yung balikat ko at niyakap. Clingly friend alert. ugh
"Im not Higad, im just too clingy lang" Aba nagtatagalog din pala itong hinayupak na ito, kanina niya pa ako ini-english. Akala ba niya dictionary ako. Ganda ko naman. hahaha
"Tangina neto, ano bang tingin mo sakin haa, boyfriend mo? kadiri ka." inilayo ko siya sa pagkakayakap sakin, sobrang attached siya sakin, parang close kami eh no.
"Dont say bad words, not good for yah" tinakpan niya yung bibig ko at tinitigan lang ako, madre lang? bakit ba ang banal neto.
"Alam kong mukha akong lalaki pero di ako lesbian gago." tinabig ko ung braso niya para makapagsalita ako, medyo good girl pala siya eh. So walang reason para maging magkaibigan kami.
"What? Sinong nagsabi na you're lesbian? Ang pretty mo kaya" hinawakan niya ulit ung peste kong buhok na pinamumugaran ng dandraf. Na amoy shampoo ng aso.
"Lahat na hinawakan mo eh no, di ka naman medyo pakielamera?" realtalk na ito abbey. Medyo pakielamera na kasi itong scarlet na ito, medyo feeling nanay lang?
"Im not like that Abbey, concern lang ako sayo." Concern pa ba siya sa lagay naa yan? baka ako pa ata magiging concern sa kanya dahil mukha siyang nababaliw eh.
"Tanga ka ba? baka ako pa maging concern sayo mukha kang nababaliw na gutumin" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, ang payat niya para maging nasa mental baka bawian siya agad ng buhay.
"Im not that fat lang kase, but im healthy kaya" pinalo niya ako ng bag niya sa puwitan, at aba nadikitan din ako sa wakas ng bag na mahal pa ata sa buhay ko. Isang gucci na bag na limited edition.
Kung ganyan lang ang bag na papalo sakin araw araw, go lang paluin nyo ako ng paluin. Kung puro gucci na bag ang didikit sa lahat ng dead skin ko baka sakaling mabuhayan siya ng loob para maging smooth.
"Ano ba? bakit mo ba ako hinahatak, kapag ako nasubsob tatanggalan kita ng pagkatao" nagulat ako sa kanya dahil hinatak niya ako sa isang sulok ng school dahil may nakita kaming kumpol ng lalaki na naglalakad sa likod namin.
"Oh my gosh, that boy is so cute, please be mine" may tinuro siya saking lalaki na nakaPolo na itim na nasa gitna ng kumpol na lalaki at take note siya ay nakasung glasses pa. Tirik daw ang araw. hahahaha
"Di naman gwapo, mukang manyak eh" halos nagtirik ang mga mata netong si scarlet dahil sa mga sinasabi ko at sa panlalait ko siya crush niya.
"Why so rude abbey, i hate too much na ngayong araw" tinulak niya ako sa gilid niya at pinagmasdan pa din ang likod ng crush niya na mukhang manyak, totoo naman kasi
"Im not rude Scarlet, im honest" tinignan ko lang din ang mga taong tinititigan niya lahat sila ay naka puti maliban sa isang lalaki na naka itim sa katabi nung crush ni scarlet.
"Oh my gosh, ang gwapo talaga ni Michael Miller, take me na. Huhuhu" nagulat na lang ako ng biglang tumulo ang luha netong desperadang babae na ito, take me na daw. Aba matinde.
"Ang kire mo naman Scarlet, ano bang tingin mo sa sarili mo? isang prostitute?" hinampas niya nanaman ako sa puwit at kinurot ang pisnge ko ng paulit ulit
"Aray... ouch. Ikaaaw nga etong rude scarlet eh. Aray, bitawan mo ung pisnge ko" pilit kong tinatanggal ang pag kakahawak niya sa pisnge ko pero hindi ko matanggal, ang higpit ng hawak niya.
"Ang sama mo sakin,dahil diyan i'll punished you na lang" sa sobrang panggigigil niya sa pisnge ko ay kinagat niya ito at saka siya tumawa ng malakas "HAHAHAHAHA"
"Ano ba, pisnge na nga lang ang meron ako kukunin mo pa" hinimas himas ko ang mga pisnge ko, feeling ko ay nakitilan sila ng buhay sa maikling panahon, kawawang mga pisnge
"Abbey naman kasi eh, you said kasi na si Michael Miller is manyak, he's not manyak kaya" hinampas niya nanaman ako sa balikat at patuloy niya akong minu-murder sa panghahampas niya.
"Sino ba kasi yung Michael Miller na sinasabi mo, di ko naman kasi siya kilala" kinamot ko ung ulo ko dahil di ko talaga alam ang sinasabi niya. Na ang totoo ay hindi ko talaga alam.
"You dont know him?" lumaki ang mata niya at bumakas ang bibig niya sa sobrang pagtataka. "He's famous kaya She visited Ellen the TV show sa america with his cousin" Dahil nga sa sobrang poor ng pamilya ko ay pati ung TV show di ko din alam
"Yung totoo ay hindi ko alam dahil wala kaming TV at internet" napakamot ako ng ulo dahil alam mapapahiya ako sa ginawa kong pag-amin sa katulad niyang mayaman
"Really?" lalo siyang nabigla nanlaki ang mata "Oo nga, magtatanong ka tas di maniniwala sana hindi ka na lang nagtanong" naglakad na akong pabalik ng room namin para imeet ang next teacher namin ngayong araw.
Eto namang si Scarlet parang lutang na nakatingin sa labas ng bintana na umaasang makikita muli ang lalaking gusto niya.
XOXO
forgettingdreamer
