That day. Last Date.

140 4 5
                                    

"Come on Hyejae baby, sige na, please?" kanina pa ako kinukulit ni Mingyu na magd-date daw kami.

"Ang kulit kulit, sabing no" sabi ko. Pumasok ako sa kitchen at dumeretso sa lamesa para kumain ng tinapay ng bigla akong niyakap ni Mingyu sa likod. Kahit 5 years na kaming in relationship, kinikilig pa rin ako sa mga da-moves niya. >///<

"Eee, wae? (Why?)" tanong niya gamit ang kanyang sexy deep voice habang nakapatong ang kanyang ulo sa aking leeg. OH MAMAY NARARAMDAMAN KO ANG INIT NIYANG HININGA. Tulong mga anghel sa langit.

"Ewan ko. Di ko lang feel ang araw na ito" buti at nasabi ko ang mga iyon in a calm way. Nababaliw na ako sa ginagawa niyang paggalaw ng kanyang ulo sa aking leeg. JI HYEJAE KALMA LANG DAPAT. MASANAY KA NA. Huhuhu.

"Yun lang dahilan mo?" nakikita ko sa peripheral vision ko na tinitingnan niya ako habang nakapout sya. Ahhh, napakagwapo parang aso. Boyfriend ko ba talaga ito?

"eung. (Yes)" sagot ko. Kinuha ko ang baso na may tubig sa lamesa at ininom ito.

Inalis niya ang sarili niya sap ag-yakap sa akin at hinarap niya ako sa kanya. " mwo? (What?)" tanong ko sa kanya.

"Sige na Hyejae baby, 내사랑 nae sarang (My love). Date tayo, oh oh oh?" pangungulit niya at sumasayaw siya ng heart dance sa harapan ko. Ayan na naman siya, nagpapacute na naman para mapa-oo ako. "Sige na sige na, ppyong ppyong" pacute niyang sabi sabay action ng pagpana ng puso.

 "Sige na sige na, ppyong ppyong" pacute niyang sabi sabay action ng pagpana ng puso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sige na sige na, pasalamat ka mahal kita" sabi ko. Nakita ko sa mga mata niya na masaya sya dahil pumayag na ako. Tumalon sya sa saya at hinalikan niya ako sa labi.

>>>>

"San ba tayo pupunta?" tanong ko habang inaayos niya ang seatbelt ko. Anubayan, nagiging spoiled girlfriend na ko.

"Isang secret muna" ngiting sagot niya sa akin. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan at nagdrive papaalis.

Tahimik lang ang aming byahe papunta sa 'secret' na iyan. Pero kahit tahimik ay komportable naman ako. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at nilalanghap ang sariwang hangin. Huminto sa pagmamaneho si Mingyu dahil naka-red light pa. Habang tinitingnan ko ang paligid, may napansin akong isang pamilyang naglalakad sa isang parke. Kinakarga ang bata sa kanya papa habang kinakain niya ang ice cream, habang masayang nakatingin sa kanila ang mama ng bata habang nakahawak sya sa kamay ng kanyang asawa. Napangiti ako sa nakita ko. Ang cute nila.

"Anong tinitingnan mo dyan?" sasagot n asana ako pero pagtingin ko kay Mingyu eh nakatitig na rin sya sa pamilyang tinitingnan ko kanina "Sweet nila no? Nagseselos ka ba?"

"Anong nagseselos, hindi kaya"

"HAHAHA, wag kang mag-alala baby dahil malapit mo na rin ma experience yan. Ipapangako ko sa iyo na mas masaya ang magiging pamilya natin, at di lang dyan, mas gwapo't magaganda ang magiging mga anak natin dahil gwapo ang magiging ama nila" biglang nang-init ang mukha. Oh my my, pinagsasabi nito? Alam kong pulang pula na ako kaya tumingin na lang ako sa labas.

That day. Last Date.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon