That Eyelinered Guy

65 3 0
                                    

THAT EYELINERED GUY (Feat. EXO's Baekhyun)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Byun Baek!"


Napalingon siya.


"Peram kaming eyeliner!" sabi ko at biglang sumulpot sa likod ko ang mga kaklase ko.


Nilabas niya sa bag niya ang eyeliner at inabot sa akin. "Ingatan mo ah?"


"Syempre naman! Basta ikaw! Mahal yata kita."


Ngumiti lang siya at umalis na. Buti hindi niya narinig yung last part. Binulong ko lang kasi.


*pak!*


"A-aray naman TT_TT" reklamo ko habang hinahaplos ang aking injured head.


"Lala. This is not a fantasy. This is real life. Tara na!" Panghihila ng mga kaklase ko.


————————

Ngayon, kaya namin hiniram ang eyeliner ni Baek dahil gusto naming tignan anong itsura namin pag pinasingkit ang mga mata namin. Buburahin din namin ito maya- maya. Humihiram kami kay Baekhyun dahil siya lang ang kilala namin na may eyeliner dito sa school. At... hindi ko sana aaminin to pero gusto ko yun para makita ko siya lagi >////< Mabait naman siya eh. ^^

Ako ang laging huling gumagamit ng eyeliner para ako ang magbabalik sa kanya. Pero ayoko aminin sa iba! Sayo lang, o mahal na reader.


TADAAAA!!! Ayan na. Sumingkit na ang mata ko. Okey din pala. I feel fabulous!


Tinakpan ko na ang kanyang eyeliner ngunit...


*crack!*


Binuksan kong muli ang eyeliner niya at... n-naputol TT_TT

"HALA KA LALA!!!!!!!! O_O Naputol mo ang eyeliner ni Baek!!!!"


PANIC ON 99.9%


CALMNESS 1%


"Lala kalma... inhale- exhale~"


"Paano ako kakalma kung 1% nalang ang natitirang pagkalma sa utak ko TT_TT"


"Sulatan mo nalang siya ng note!!! Sabihin mo 'Byun Baekhyun, I'm sorry.' Tapos ilagay mo sa pinakababa 'I love you!'. Isusulat ko na ah!!!" suggest ni classmate #1.


"Baliw!!! Bilhan mo ng bago!!!" suggest ni classmate #2.


"Paano ko gagawin yun eh may klase pa tayo TT_TT"


"Oo nga nuh."-classmate #2

"Magpatiwakal ka nalang." Suggest ni classmate #3.


Yun na ata ang pinakamagandang paraan T_T Paalam, o mundo. Byun Baekhyun! Hindi mo na ako kailangan patayin. Ako na ang gagawa noon para hindi madungisan ang maganda mong kamay~ Kawawa naman ako =_=

That Eyelinered Guy (EXO- Baekhyun Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon