AN: Hello! SAIDA is not my main ship. Because my main ships in Twice is SaTzu, MiChaeng, DahMo and 2yeon. Pero hindi naman ibig sabihin 'nun na hindi ko naenjoy ang pagsusulat dito. Kasi si Dahyun at Sana, Bias at Bias Wrecker ko. So, kahit hindi 'ko sila ship, naisulat ko pa din sila ng maayos. Hahaha. Para din 'to kay Besh, kasi birthday nya kahapon. Hi, Besh! Matagal mo nang hinihiling 'to, pero ayoko dahil nga di ko sila ship hahahaha. Pero dahil birthday mo naman kahapon, eto na. Sana magustuhan mo.
PS. Tinulungan ako ni Shaina na gumawa nito. Hahahaha.
• • •
"TELL me the truth." I said, begging. Ramdam na ramdam 'ko ang pagiinit ng mga mata 'ko. Ramdam 'ko na nagtutubig na ito. Hindi 'ko alam pero grabe na talaga ang paninikip ng dibdib 'ko. Parang gusto kong mahimatay na ewan.
"Ano?" Malamig na tugon nya sa akin, tinignan ako sa mga mata 'ko. Wala akong emosyon na mabasa sa mga mata nya. Ewan 'ko kung bakit ganun, bakit bigla syang naging ganyan. Dati naman masaya pa kami, eh. Dati mahal nya pa ako. Dati kaya nya pa akong tignan ng may pagmamahal sa mga mata nya. Dati… ako lang.
"M-may iba na ba?" Hindi 'ko alam kung bakit sa dinami-dami nang pwede 'kong itanong sa kanya. Iyan talaga ang natanong 'ko. Siguro, dahil… hindi ako manhid. Alam 'ko sa sarili 'ko na maraming nagbago. Alam 'ko sa sarili 'ko na hindi na sya ang minahal 'ko.
Napaiwas sya ng tingin kaya lalo akong napaiyak, so, totoo nga. She cheated on me. Of all people, sya pa talaga ang nanloko sa akin. Sya na pinagkatiwalaan 'ko.
"Wala akong iba." Malamig na sabi nya. Hindi sya tumingin sa mga mata 'ko, "Wala akong iba pero siguro ganun talaga, kahit wala akong ibang minahal, nawala talaga ang pagmamahal 'ko sa'yo." Sabi nya sa akin kaya naman nasampal 'ko sya. Paano mo nagagawa sa akin 'to, Dahyun?
"You fucking shit," Naiiyak na sabi 'ko. Nakuyom 'ko ang kamao 'ko. Nanggigigil ako ngayon. Tangina talaga. Hindi nya na ako mahal nang ganun ganun lang? Ano ako? Tanga? Na maniniwalang wala syang iba? Ano 'yun? Bigla nya akong hindi minahal? Nakakagago sya, ah. "Sabihin mo na sa akin ang totoo. Naglolokohan nalang din naman tayo dito, eh." Naiiyak na sabi 'ko. Nanggigigil na naiinis na naiinis na naiiyak ako. Tangina, halo halo na ang nararamdmaan 'ko. Umiiyak na naman ako, pero hindi na katulad nang dati na sya ang nagpapatahan sa akin.
"Sana!" Masayang bati nya sa akin, ngiting ngiti sya. Sana nga at ganyan nalang palagi ang mga ngiti nya. Matingkad at nakakahawa. "Kamusta ka na? Yung—"
Hindi na na nya natapos ang sinasabi nya nang bigla 'ko syang yakapin, naiiyak ako. Bakit ba napakaiyakin ko? Bakit ba sobrang bilis 'ko masaktan? Sinabihan lang naman ako ni Jihoon na walang kwenta, eh. Pero bakit ang sakit-sakit na? Siguro dahil… kaibigan ko sya, dati.
BINABASA MO ANG
Baby, I lied • saida
Historia Corta"In which Dahyun lied." Dahyun x Sana. /©Bearchuism.