Chapter 1 - Natasha Grafil

863 49 5
                                    

Tasha's POV

August, 1998

"Ugh! Ano ba naman!" I groaned. Gigil ako'ng nagdial ulit. Hindi na naman sinasagot ni Mama ang tawag ko. Kabilin bilanan ko pa naman na sasagutin pag ako ang tatawag.

"Huy, ano na naman 'yan?" Iritableng tanong sa akin ni Mona. Hindi ko siya pinansin. "Ang kulit mo rin e no? Mano bang hayaan mo 'yung nanay mo. Ang clingy mo masyado." Dagdag niya. Inirapan ko siya.

"Hindi mo naiintindihan, Mona. My mom is not normal. Hindi siya tulad ng iba na kayang alagaan ang sarili." I said, annoyed. I didn't care if I made her hackles rise. One wrong word and it might tick me off. Wala pa man din preno ang bibig niya.

"Tasha! 'Yung thesis natin, ikaw na lang hindi bayad." Sumingit si Eline. Nakakastress talaga 'tong mga classmates ko.

"Ikaw nga Eline huwag kang pabibo masyado! Papasikat ka na naman sa crush mo e." She glanced at the group of boys na nasa pinaka likod namin. Siga talaga si Mona. Paminsan minsan mayabang siya pero she's kind lalo na pag nakakakita siya ng mga matatanda. Fortunately, she's my bestfriend. I wouldn't be able to survive high school because of her. Binalik niya ang tingin kay Eline na tahimik na ngayon.

"Eline, sensiya na. Wala ako dala na pera rito. Pambili ni Mama ng gamot 'to–"

"Siguraduhin mo lang na hindi lalagpas ng one hundred 'yang sinisingil mo kay Tasha kung hindi babalian kita ng buto." Umepal na naman 'tong si Mona. "Magkano ba 'yun?" She asked.

"Sixty seven pesos." Eline confidently answered and rolled her eyes.

Kinalkal ni Mona ang gamit niya sa loob ng bag at kinuha ang wallet. 

"Puking ina! Kung makasingil ka akala ko naman libo?! Oh eto isang daan! Ibalik mo sa akin 'yung sukli!" Sabi niya na halos ipakat 'yung isang daan sa noo ni Eline.

"Mona!" I warned her.

"Oh bakit may pambayad ka?" Maangas niyang tanong sa akin. "Manahimik ka nga diyan." She added and rolled her eyes.

Umalis na si Eline na mukhang napahiya sa ginawa ni Mona. We've been friends for years at magaspang na talaga ang ugali niya. Mabait naman siya talaga. Ganyan lang siya, laging galit at bugnutin gawa ng wala lagi 'yung parents niya sa kanila.

May kaya sa buhay sila Mona, simple lang naman ang buhay ko pero nagkakasundo kami despite our differences. But still there are times that I can't stand her. Mabunganga siya at naiistress ako lalo na pag maraming iniisip.

Kakasabi pa lang ng professor namin na pwede ng umuwi, ako na agad ang unang nakatayo. Kailangan ko pa sunduin si Mama. Sa tapat ng school namin, may nakita akong pharmacy. Pumasok ako habang dinudukot ang papel sa aking bulsa.

I was assisted by a lady. I handed her the paper.

"Two sixty seven ang isa nito miss. Ilan ang kailangan mo?" I mentally computed the total. Hindi kasya ang dala kong pera.

"Dalawa lang po." I responded.

Ibinalik niya sa akin ang papel. Sabi sa reseta kailangan twice a day makainom nito si mama.

Biglang nanikip ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng more than five hundred pesos araw araw. I played my fingers habang hinihintay ko si ate na ibigay ang binili kong gamot.

Pagkaabot niya ay dali dali akong lumabas para makauwi na. Pumara agad ako ng jeep. Si mama ay nagtatrabaho rin naman. Kahit paano we are surviving kahit na kadalasan hindi na talaga namin alam ang gagawin. Sabi ng lola ko, when she was still alive, okay naman daw si mama noong pinagbubuntis ako. But when she found out that Papa was cheating on her, hindi naging madali ang lahat. Unti unti siyang nawala sa sarili. She gave birth to a healthy baby girl and that's me. Perhaps, my existence wasn't enough for her para maging matatag. Mahina si mama, hindi niya kinaya.

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon