Tasha's POV
They say kapag uutang ka, huwag sa kamag anak. Kapag bayad mo na 'yung pera, may utang na loob ka pa na dapat pagbayaran. Dapat sa ibang tao na lang para pag binayaran mo tapos na ang usapan.
"Good morning po, Auntie." I greeted her. I'm here because I already ran out of options. Maganda ang naging buhay ng kapatid ni Mama na si Auntie Lot. Iniisip ko tuloy kung hindi nakaganon ang Mama ko, ganito rin kaya ang ugali niya? I know na wala ako mapapala kung hindi panlalait galing pa mismo sa kapatid ni Mama pero wala na kasi ako kakilala na pwedeng mahiraman. I have to try even the chances are just little.
"Alam mo hija maganda kang bata. Walang mangyayari sayo sa pagkocall center mo lalo at nangungupahan lang kayo ng Mama mo." She nagged. Hindi man lang niya nga ako inalok kumain. Halos maglaway ako sa mga ulam na nakahain sa lamesa nila.
Noong bata ako natatandaan ko na pinapagalitan ng lola itong si Auntie Lot dahil sa pagtatago niya ng mga imported na pagkain, hindi baleng mag expire ito sa taguan basta hindi niya kami bibigyan.
"Bakit hindi mo subukan sa Bahrain? Ang daming nangangailangan ng receptionist doon. Irerefer kita sa kaibigan ko." She said while licking her fingers. Hindi ko na nga halos maintindihan ang sinasabi niya dahil punong puno ang bibig niya ng pagkain. "Lahat ng ito hija ay matitikman mo rin kapag nagsikap ka." She added. She has a point. "Walang mangyayari sa inaaral mo na yan, e hindi naman in demand ang kurso mo. Maliit din ang sasahurin mo kapag nagsimula ka. Mas maigi na bata ka pa lang nakapag ibang bansa ka na."
I hate the her mindset. I hate every word from her. Para bang sinasabi niyang walang mapapala kapag ipinagpatuloy ko ang aking pangarap para sa amin ni Mama.
"Sabi ng Lola, importante ang edukasyon. Gusto ko pong mag abogado." My lips formed a thin line. I bowed because there was a long pause. Nagsimulang tumawa ng mahina si Auntie Lot, hanggang sa lumakas ng lumakas ito.
"E parehas pala talaga kayo ng Mama mong may sayad." She sounded offended. She rolled her eyes and reached for the plate of chicken wings. Napakunot ang noo ko. Why? Bakit ba ang laki ng galit niya sa aming mag ina? I fisted my hand in ire. Wala siyang karapatan na insultihin kami ni Mama.
"Hindi mo kakayanin at magastos iyon. Kanino ka naman uutang aber? Sa akin? Hindi na! Ang tagal tagal mo nga magbayad e tapos nagpaplano ka pa pala ng mga ganyang bagay." Pagmamatigas niya.
I stoop up. I gave her a smile that didn't reach my eyes. "May pasok pa po pala ako sa trabaho, Auntie. Salamat po dito sa ipinahiram niyo. Ibabalik ko na lang po sa sweldo ko." I don't want to stay here because I might say something rude to her. Kahit paano I respect her because she's my Auntie. She's one of the reasons why we are surviving. Nakakatulong siya sa amin paminsan minsan.
"Hala siya, masama loob mo?" She smirked. Napahinto ako. "Abogado.. Kagaguhan." And then she laughed. I didn't care if she laughed. As long as she's not saying anything that is insulting lalo na sa Mama ko, okay na ako.
I left carrying something heavy in my chest. I can't help not to be sensitive when it comes to Mama and my dream. Bakit? Masama bang mangarap ng mataas? Masama bang magsawa sa ganitong buhay?
In this cruel world, prejudice is something hard to get rid of. In this cruel world, you need to teach yourself how to blend in because no one cares about your feelings. And to blend in is to act in accordance with prevailing standards. In this cruel world, society won't adjust for you and sadly, that's how it works. This is going to be your mindset if you're surrounded with people like my Auntie. I wish I could be as brave as the others out there who is not scared to be different and to oppose.
BINABASA MO ANG
Photograph
RomanceIn mythology and folklore, a vengeful ghost or vengeful spirit is said to be the spirit of a dead person who returns from the afterlife to seek revenge for a cruel, unnatural or unjust death. In certain cultures where funeral and burial or cremation...