Prologue

20 0 0
                                    


"Bilisan mo ngang mag-ayos dyan! Hindi ka ba nagsasawang maglagay ng maglagay ng kung ano-ano dyan sa mukha mo?!" Saway sakin ni kuya Martin.

Kamusta naman ba yung 3 hours lang yung tulog mo? tas punong puno pa yung schedule mo, na kulang nalang ay huwag ng matulog para sa ikakaganda ng career mo?

"Nako Kuya? Hindi ka na ba nasanay sa Pinaka-magandang babae sa balat ng lupa?" Natatawang sambit ko. Habang nag-lalagay ng lipstick sa aking labi.

"PAK! pwede na ba kuya? Kamukha ko na ba si Erich Gonzales? Gabbi Garcia? o di kaya nama'y Kathryn Bernar~" Dagdag ko. Ngunit hindi pa man ako natatapos magsalita ay pinutol na niya agad ito at nilagay sa kanyang dalawang braso ang aking mga gamit.

"Opo Direct. We'll be there, In just 10 minutes, Pasensya na po Direct late na kami. So~". Wika ni Kuya Martin Habang kausap si Direct Anthony sa Cellphone. Kanina ay halos mainis na ako, matapos niyang putulin ang pagmamaganda ko bilang Kathryn Bernar~~. Ngunit ngayon naman ay siya ang napatigil matapos makarinig ng malulutong na salita mula kay Direct, na dinaig pa ang nagbabagang init ng ulo ng isang oso.

"Abby! This is your fault! Kung kanina mo pa sana binilisan ang kilos mo, di sana nadoroon na agad tayo!" Wika ni Kuya Martin sakin. Habang nilayo niya ng bahagya sa kanyang tainga ang boses ni Direct Anthony na kasalukuyan parin nagbibitaw ng malulutong na salita.

"It's not Abby! Capital, K.A.T.H.R.Y~" Hindi ko pa man nabibigkas ang panhuling letra ay pinutol na agad niya ito, at hinigit nya ako pasakay ng sasakyan.

"Tama na ang pagiinarte madam! May shooting ka pa, magagalit na si mayora". Wika niya sa akin, na animo'y nagbabakla-baklaan. Ngunit matapos niyang magsalita ay bumalik na siya sa pagiging matikas na lalaki, sabay sapok sa aking ulo.

"Aray ha? Isa pa kuya! matitikman mo ang batas ng isang maganda". Saway ko sa kanya na may halong pagbabanta. Ngunit hindi pa man ako nakakalingon sa aking cellphone ay nabigyan niya na ulit ako ng mas malakas pang sapok sa aking ulo.

"Enough". Madiin kong sambit, habang naka nguso na kulang nalang ay lumabas ang aking dalawang mata sa sama ng tingin ko sa kanya. Agad naman akong inamo nito, kasabay ng pagjojoke niya. Aaminin kong hindi naman talaga nakakatawa yung mga joke niya pero dabest ang mga ito, yung tipong waley talaga pero ang nakakapagtaka napapatawa niya parin ako ng sobra.

"Nadito na tayo Abby". Wika niya, agad ko naman binaba ang bintana ng sasakyan, at pilit binaling ang aking paningin sa lalaking nakaagaw ng aking buong atensyon.

"Eww! Yuck! Kadiri". Wala sa sarili kong sambit matapos makitang nakikipaghalikan na yung lalaki sa isang babae.

"Ano ka ba Abby? Shooting lang yan". Sambit ni Kuya Martin sakin na ngayo'y humahagalpak na sa tawa, na animo'y wala ng bukas.

Agad ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan at pilit lumanghap ng hangin na magpapalakas sa akin na ngayo'y hindi alam ang gagawin. Sa dinami-rami ko nang napagdaanan sa buhay, tila ito na ata ang pinakamalaki kong nagawang pagpapasya. Ang pumasok sa mundo ng pagaartista.

Let me be the one?Where stories live. Discover now