•Abby's Point of View•
"Felicity pwede bang humingi ng konting interview?".
"How's your date with Mr.Lim?".
"Kelan ba uli kayo magkakaroon ng movie?".
Kakababa ko palang ng kotse ni Kuya Martin ng marinig ang mga Pres. na nagkakagulo sa nag-iisang babae na animo'y napadaan lang sa set. This is actually the first time, I saw her. I don't know why but there's something behind those Precious Smiles. Whatever, I really don't care. Nang dahil sa sobrang sikip, nagpasya nalang akong dumaan sa harap ng babaeng pinagkakaguluhan. Well, Maybe it's kind of disrespecting pero wala na kong natitirang oras para makipag-patentero pa sa ubod dami na tao.
"Ouch". Nakatingin silang lahat sakin na animo'y may nagawa akong mabigat na kasalanan. Hindi ako nagkakamali, there's something behind those precious smiles.
Sa kabila ng mga pamatay nilang tingin na animo'y kahit anong maling galaw ko ay pwede na agad akong mamatay. Bumuntong hininga ako at tumayo sa aking pagkakasubsob sa may bandang harap ng punyetang bruha nato.
"How dare you?!" Wala sa sarili kong sambit sa babaeng kanina pang pinagkakaguluhan.
"Felicians, Did you hear what she said?" Wika nito na animo'y napaka-inosenteng anghel, Hindi niya ko maloloko, siya ang nanisod sakin.
"How. Dare. You?!" Madiin kong sambit na nagdulot ng pagpukaw ko sa kanyang atensyon at ng mga taong nakapaligid samin, agad naman itong tumayo sa kanyang kinauupuan, sabay taas ng kanyang kilay.
"How Dare you?! Hindi mo ba kilala kung sino ang nasa-unahan mo?". Sambit ng isang babaeng nasa tabihan namin ngayon, aambangan niya ko ng isang sampal ngunit bigla kong narinig ang isang boses na nagpatahimik ng buong paligid.
"Stop!" Wika ni Felicity na ngayo'y nakataas parin ang kaliwang kilay. "There's no reason for you to do that, ako mismo ang gagawa!" dugtong niya. Agad ko namang naramdaman ang pagdampi ng kanyang palad sa aking pisngi, agad itong nagdulot ng pangingimay nang dahil sa sobrang lakas ay wala na kong maramdaman pa. Medyo nanigas ako that time, pero huwag ako. Ibang magalit ang mabait. Hindi niya pa ko kilala.
"There's no law that can stop me to take a walk in front of you. If you don't want someone to do such that thing, then build your own way!". Wala sa sarili kong sambit na miski ako'y hindi makapaniwala sa mga katagang lumabas mula sa mga labi ko. Aambangangan niya ko ng sampal ngunit mas nauna kong bumwelo sa kanya. Mi hindi ako makapaniwala na ang kaninang pinagkakaguluhang artista ay ngayo'y nakalugmok na sa gabukan.
"How dare you newby? You're just new in this Industry!". Sambit nito na ngayo'y nakatayo na mula sa pagkakalugmok niya sa sahig.
"Well, I don't care who you are. I can't believe that in just a snap I already dragged you down, My queen". Bato ko sa kanya na may halong pangaasar. Muli niya kong inambangan ng sampal, pero kampi talaga ata sakin ang tadhana. Muli, ako ang naunang bumwelo kaysa sa kanya.
"Is it nice that in just a snap I can easily beat you? This is the first time I do this thing but if it's just you who will block my way, I'm ready to do anything just to drove you away!". Wala sa sarili kong sambit bago lumayo sa kanya. Habang naglalakad ako palayo ay naririnig ko parin ang mga flash ng camera na animo'y kinukuhanan parin ang naganap na eksena kanina.
Agad naman akong nagulat nang tumambad sa harapan ko si Kuya Martin. Hingal na hingal siya na animo'y sobrang layo ng tinakbo.
"Ano na naman ba tong pinasok mong bata ka?". Wika niya na animo'y batid na batid sa kanyang mga mata ang pagalala. "Halikana, Umuwi na tayo" dagdag niya.
"Noong ika'y nilalamig ako'y umiinit. Kapag takot sa bukas, akong unang sisilip. Ginawa ko ng lahat, hindi parin sapat kasi ika'y mawawala na. Nawalan ng gana ang tadhana, nanlalamig yung dating nagbabaga. Kung maibabalik lang sana....."
Hindi ko alam kung bakit nakikisabay yung kanta sa radyo sa nararamdam ko ngayon. Hindi ko parin talaga siya nakakalimutan. Yung matamis niyang ngiti, yung singkit niyang mga mata, at yung boses niyang mala-anghel kung kumanta. Antagal narin mula ng nangyari yon pero nandito parin yung sakit na kailama'y hindi na ata mawawala.
*FLASHBACK*
"Contestant Number 1. From Philippine Science High School, Your time starts now".
Hindi ko alam kung saan na ko pupunta. Halos sobrang daming tanong na hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa isip ko. Hindi ko alam kung saan pa ba to patutungo. Halos sinisisi ko na ang tadhana, hindi dahil iniwan mo ko kundi dahil pinagtagpo niya tayong dalawa sa isa't isa.
Bat ba andaya ng tadhana?
Mahirap tanggapin pero ano pa bang magagawa ko kung hindi talaga tayo ang para sa isa't isa?
Wala na bang karapatan na pagbigyan ang aking hiling na makitang muli ang matamis mong ngiti, ang marinig ang iyong mala-anghel na tinig, o maramdaman man lang iyong yakap na tumutunaw sa aking lungkot at pighati?
Hindi ko namamamalayan na sa bawat pagpatak ng ulan, sa bawat paghuni ng ibon, at sa bawat pagkumpas ng hangin naririto parin ako naghihintay sa iyong pagbabalik.
I never imagined my life without you, without every single touch from you. I can't live without you but the Love has already fool me. Why do she let both of us to felt in love with? Maybe you're the right person for me but I know that I'm not the right person for anyone yet.
I can't explain how hard it is.
How painful it is.
But what can I do? If the the love is the one who torn us apart.
Maybe it's not yet the right time but there's only one thing I know for sure.
I'm always here for you.
*END OF FLASHBACK*
Matagal tagal narin matapos akong sumabak sa Spoken Poetry Competition. Medyo korni, pero hindi ko inaasahan ng dahil sayo nanalo ako. Masarap pakinggan na nauwi ko ang tropeo pero mas mahirap tanggapin na iniwan mo na ko.
"Abby. Yung nangyari kanina...". Sambit ni kuya na bumasag sa katahimikan.
Nagpanggap na lamang ako ng hindi siya narinig. Nakaramdam na ko ng pag-bigat ng aking mga mata kung kaya't nagpasya na lamang ako na imbis na makipagtalo sa kanya ay matulog nalang.
YOU ARE READING
Let me be the one?
Romance36-24-36. Meet Abby Fuentes, Isang babaeng kulang nalang ay koronahan at itanghal bilang isang Miss.Universe. Yung tipong kahit saan dalhin, kayang kaya niyang makipagsabayan. Ngunit ang malaking kataka-taka, bakit tila kung gaano katigas ang kanyan...