CHAPTER 1: GRADE SIX DAYS
*Victoria's Point Of View*
Hi! Ako nga pala si Victoria. 3 years ago ayaw ko sa boyfriend ko ngayon. Grade six kami nun, mga bata pa. Para sa akin kasi ang salaw niya at lagi pa niya kong inaasar. Cute pa naman siya, mataba nga lang. Masyado kasi akong high-standard nun e. Ang arte pa!
*Miguel's POV*
Hello! Ako nga pala si Miguel. 3 years ago may nagustuhan akong babae. Si Victoria. - Girlfriend ko na siya ngayon. Noon, ginagawa ko talaga lahat para lang mapansin niya ko, kaso mukang mas lalo pa siyang naiinis at naaasar sa akin. Magkaservice pa naman kami, kaya halos araw-araw kong nakikita ang napakaganda niyang mukha. Akalain niyo!? Malapit lang pala bahay namin sa kanila e. Ilang blocks na lang. At! Magkabirthday pa kami hah! Tapos family friend pa pala namin family niya, o edi walang problema sa panliligaw! Kaso, may gusto siyang iba e. Si Gabby...Hay! Sinabayan pa ng pagkatorpe ko. Ano ba iyan! Sana masabi ko na sa kanya yung totoo kong nararamdaman.
*V's POV*
Gustong gusto ko talaga si Gabby! Kaya humingi ako ng tulong kay Miguel. Tinulungan naman niya ko. Naging kami, dahil sa kanya. Nilakad niya sa akin si Gabby. Kaso, pansin ko lang kapag kasama ko si Gabby lagi akong pinapahiya ni Miguel. Nakakaasar e!
*M's POV*
Tinulungan ko si Victoria, kung san siya masaya dun ako. Kaya nilakad ko si Gabby sa kanya. Akala ko kakayanin ko, di pala. Masakit. Pero pinipigil ko na lang, basta masaya ang babaeng mahal ko. Di ko lang talaga mapigilan asarin si Victoria kapag kasama niya si Gabby. Gusto ko kasi napapansin pa rin niya ko e.
Isang araw... Nakipagbreak na lang si Gabby kay Victoria. May nakita na kasi si Gabby na mas 'MAS' kay Victoria. Walang nagawa si Victoria kundi umiyak ng umiyak sa Mommy niya. Kinabukasan, sinabi niya lahat ito kay Miguel. Nagalit si Miguel. Kinomfort niya si Victoria at sabay nagpatawa.
Miguel: Victoria, alam mo? Para sa akin ang tanga ni Gabby! Hindi tama yung ginawa niya. Pinakawalan niya ang babaeng katulad mo!? Hindi ko aakalain to!!! Sasaktan ka lang pala niya! Hindi mo dapat iniiyakan ang mga ganang tao, Victoria. *sabay bulong ni Miguel* Dapat kasi ako na lang ang minahal mo e...
Victoria: ...Ano?
M: ...Hah!? Wala. Sabi ko, lagi lang akong nandito para sayo.
V: ...Ah, hehe! Ang swerte ko lang talaga kasi isa ka sa mga kaibigan ko - na mayroon akong kaibigan na katulad mo.
M: ...Kaibigan lang?
V: ...Oo, bakit?
M: ...Wala. *sad face*
*M's POV*
Hay! Tanga ko kasi e. Di ko pa nasabi sa kanya nung una pa. Pero siguro naman may pag-asa pa ko. Magtitino na ko! Hindi ako titigil sa basta kaibigan lang.
BINABASA MO ANG
Serendipity
Teen FictionSerendipity means a "happy accident" or "pleasant surprise"; specifically, the accident of finding something good or useful without looking for it.