A Third Wheel?!

51 2 1
                                    

(Mairu's POV)

"Haay... ang boring naman dito. Ba't ba tayo nag-aaral tungkol sa addition?! Ano tayo grade 1?" pabulong kong relamo sa sarili ko.

"Try mo nalang kayang makinig.." sagot naman ni Sam. Ba't ba kasi naging kaklase ko to ee.. Nagsasawa na ako sa pagmumukha niya na araw-araw ee lagi nalang akong pinapaalalalahanan na masyadong maiksi yung skirtko, na wag na akong malate sa susunod, na dapat black ang buhok ko. Nakakasawa!!

"Eh, amboring kaya. Nakakayanan mong makinig sa boring na subject na to?" daing ko sakanya

"Oo, eh kailangan ko rin tong pag-aralan eh, kung di lang ako scholar at student body president e tutulugan ko lang tong subject na to." sagot niya naman sa akin

"Uy, magandang idea yun ah. Sige matutulog na lang ako. Gisingin mo na lang ako pag dumating yung susunod na teacher ah. 'Night." sabay natulog ako sa desk ko. Nasa dulo naman ako kaya di masyadong napagiinitan ng teacher tuwing matutulog ako sa subject nila.

(Sam's POV)

Hay nako. Bakit ba kahit ganto tong si Mairu eh mahal ko pa rin. Ano ba ako masokista?! Nakakainis ah. Nang lumabas yung teacher namin ginigising ko na si Mairu pero ayaw niyang magising. Eh sa next subject pa naman lilipat kami sa Lecture Hall. Nang makalabas na ang ilan sa mga kaklase namin. Magkatabi nga pala kami ng upuan just so you know. Tumayo ako at nilapitan si Mairu.

"Alam mo kahit ganyan ka. Di ko alam kung bakit ang lakas nang tama ko sa'yo ee... Nagiging masokista na nga ata ako." then tinaggal ko yung buhok na humaharang sa mukha niya. Nagulat ako nang makita kong di pala siya natutulog. Shet! Kung ano ano pa naman yung pinagsasabi ko. Lagot na!

"Uh- Lilipat na tayo sa lecture hall. Uhmm.. Kanina ka pa ba gising?" nagblush pa ako nang sabihin ko sa kanya yun. Ano bang nagyayari sa akin?! Ang gay naman ng mga sinabi ko sa kanya.

"Uhh.. Totoo ba yung mga sinabi mo sa akin?" tanong niya sa akin.

"..." Shet di ako makasagot.

"Hehe, ngayon ko lang nalaman na ganyan pala turing mo sa akin. Malakas tama mo sa akin?" sabay nag-smile siya sa akin. Makalaglag panga lang mga ngiti nito ah. Halikan ko to eh..

(Mairu's POV)

Oh, my gosh. Anu ba to?! Pinagsasabi nitong lalaking to sa akin?! Nagulat ako nang tinggal niya yung buhok na nakaharang sa mukha ko. Halatang gulat na gulat siya nang makia niyang di pala ako natutulog.

"Uh- Lilipat na tayo sa lecture hall. Uhmm.. Kanina ka pa ba gising?" Pfft.. ang cute nagbu-blush pa sya. Psh! Shut it brain! May asawa ka na!!

"Uhh.. Totoo ba yung mga sinabi mo sa akin?" nahihiya kong tanong sa kanya. Shockz! ang init ng mukha ko. Ano ba, Mairu?! May asawa ka. Kasal ka na!!

Di siya sumagot. Okay? To break the ice nagbiro na lang ako.

"Hehe, ngayon ko lang nalaman na ganyan pala turing mo sa akin. Malakas tama mo sa akin?" Bad Move!! Ngitian mo na lang Mairu!!

Shockz!! Ngumiti din siya pabalik. Ghad! Makalaglag panty! Ang gwapo niya pala. *shake shake* Umiling-iling na lang ako. Snap out of it, Mairu!

"Tara na baka ma-late pa tayo sa lecture ni mam" aya ko na lang sa kanya na kala mo walang nangyaring confession. Well, not really intentional. Di niya naman alam na gising pala ako.

"Sige." sabi na lang ni Sam.

Nang papunta na kami sa lecture hall, parang may na-feel akong aura na nakatingin sa amin. Di ko nalang pinansin. Siguro napaparanoid lang ako sa sobrang latte kanina sa lunch.

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon