Confrontation

28 1 0
                                    

(Jam's POV)

Hi! Jam Mae Forbes here.. Teehee.. You know.. Bestfriend ni Mairu.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Ganto kasi yung second floor nila ee: May tatlong room na magkakatabi. Yung unang door is Jame's room. Yung second ay room nila kung saan sila natutulog magkasama kung hindi bad vibes si Mairu, at yung third ay kay Mairu! ^o^V

Sumeryoso ang expression ng mukha ko nung banggitin niya yung pangalan ni Sam, sakin niya lang sinabi na may gusto siya kay Sam at balak niya ring iwan si James para lang sa kanya.

"Mairu, we've been over this countless times. You're married. Why not accept it?" naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa dulo nung bed. hinawakan ko yung kamay niya, "Di mo ba narerealize yung effort na ginagawa ni James para lang magustuhan mo siya? I can see na gusto niyang baguhin yung pananaw mo sa kanya." sabi ko na lang.

"But I don't love him. Were married just because of a selfish deal my dad bargained me in!" Whoa, ka-nosebleed ah. Naintindihan ko naman.

"Pero nandiyan na. Wala ka nang magagawa kundi i-accept yun. Give me one good thing it'll bring when you leave James." I challenged her.

"Magiging masaya ako." matigas niyang sagot.

"In what way Mairu?" 

Silence. Di niya masagot.

"See? Why won't you just give James a chance for him to prove himself?" I suggested.

"No.." tinignan ko siya. Nanginginig na siya sa galit na di ko alam kung san niya nakuha. Umiiyak na rin siya this time.

"I've always been following orders. Mairu do this, Mairu do that, If you don't follow my orders I will cut your allowance.. I'm sick of it!! Lagi nalang akong sumusunod sa gusto ng dad ko. Wala na ba talaga akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko?!" Kinuha niya yung clock niya na nasa bedside table niya at binato sa pader. 

Hinwakan ko siya pero pumalag siya. Hindi ko na kinaya ang susunod niya ginawa.

(Mairu's POV)

Galit na galit na ako! Hindi na ako binigyan ng chance para magdesisyon para sa sarili ko. One more reason na kung bakit nagve-vent out ako ng frustrations ko sa bestfriend ko ay dahil may anger management issues ako. Well, di naman siya ganun kalala, pero di ko na nabo-bottle up yung frustrations ko at sinasaktan ko ang sarili ko at kung sino man ang umawat sa akin. 

"Mairu!" tawag sa akin ni Jam nung binasag ko yung sliding door ng balcony ko. Dumudugo na yung kamao ko dahil sa pagsuntok dun.

"Jam, uwi ka na.." sabi ko sa kanya.

"Pero--" 

"Umuwi ka na!" sigaw ko. Napatalon siya sa gulat at lumabas ng kwarto ko. Nilock ko yung pinto pagkalabas niya.

(James' POV)

*CRASH!*

Ano yun? Nakita ko si Jam na pababa mula sa second floor na may takot na expression sa mukha niya.

"Ano nangyari?" tanong ko sa kanya.

"James.." sagot niyang nanginginig ang boses, "si Mairu..."

"Bakit? Ano nangyari kay Mairu?" napalapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

Tinuro niya lang yung direksyon na papunta sa room ni Mairu. Pinuntahan ko yun pero nung inikot ko yung doorknob, naka-lock.

"Manang Zanida!" tawag ko.

"Bakit, sir?" dumungaw si Manang Zanida mula sa corner ng hallway at sinilip ako.

"Kunin mo nga yung susi sa kwarto ni Mairu." 

"Bakit, sir?" 

"Bilis!" sigaw ko.

"Eh, sir? Ayun lang yung susi oh, sa tabi niyo." tinuro ni Manang Zanida yung table dun sa gilid nung room ni Mairu na may bowl.

Ako na tanga at nalimutan na may ganun nga pala dun. Kinuha ko na lang yung susi at in-unlock yung pinto ni Mairu.

Pagkabukas ko nung pinto, kahit madilim nakita ko na may mga bubog sa lapag at may konting dugo. 

Narinig kong may humihikbi sa may CR. Pinuntahan ko yun at nakita si Mairu na nakaupo dun sa may sulok ng CR at nakayakap sa tuhod niya.

"Mairu?" tawag ko. Tumingin siya sakin. Kita kong may dugo yung kamay niya. Nilapitan ko agad siya.

"Ano nangyari sa'yo?" tanong ko at kinuha yung kamay niya. Tinignan niya lang ako. Kinuha niya ulit yung kamay niya at nagsalita.

"Umalis ka na.." 

"Mairu, talk to me.." sabi ko habang naka-upo sa harap niya.

"Wala tayong pag-uusapan." biglang naalala ko. Tuwing nagkakaganto si Mairu ay dahil may nangyaring kinagagalit niya.

"Ano nangyari? Sinong umaway sa'yo?" Psh.. parang tatay lang na nakitang umiiyak yung anak dahil may tumulak sa kanya. Pero, dahil sad yung atmosphere dito. I won't even get near a joke.

"I want a divorce."

What?

----

I know. Bakit sa kintagal-tagal na panahon, bakit ganto kaiksi ang na- UD ko. Dahil hanggang dito lang ang kinaya ng utak ko :P Sensya na po!!! =w=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon