Best Friends till Death? [One-Shot]

448 11 9
                                    

Naglalakad na ako sa hallway papunta sa 1st floor kasi naghihintay na sa akin yung sundo ko ng biglang tinawagako ni Ella kaya napalingon ako sakanya.

 “IZZY” sigaw sakin ni Ella habang tumatakbo sa hallway papunta sa akin.

“Oh? Bakit? Anong Nangyari?” tanong ko naman sa kanya.

 “Wala naman. Gusto ko sa ng matulog sainyo mamaya tutal Friday naman ngayon eh. Slumber Party tayong dalawa. Pleaseee?” sabay Puppy Eyes. Ewww. Gross naman ni Ella tignan!

  

“Oh sure! Basta wag ka nang magpuppy eyes dyan dahil nakakadiri kang tignan” sabi ko sa kanya ng nakangiti.  Sumimangot na lang bigla si Ella sa sinabi ko pero tinignan ko lang siya at natawa akosa pagmumukha niya. “Halika na nandyan na ata yung sundo ko padala mo na lang sa bahay yung mga gamit mo” hinila ko na siya pababa papunta sa baba.

At dahil nasa 4th Floor ang classroom naming matagal kaming nakababa sa 1st floor. Usap dito -usap doon lang ang ginawa naming dalawa.

 “Oy Izzy!” sabi ni Ella. Nakasakay na kami sa Kotse at on the way na kami patungo sa bahay.

 “Hmmm!” tinignan ko lang siya.

“Anong gagawin mo pag namatay ako?” tanong niya sa akin.

“Mmmm. Baka umiyak siguro ako?” patanong na sagot ko.  

“Ngek! Bakit di ka sigurado?” tanong niya ulit. Ano ba yan! Bat ba maraming tanong ni Ella? -.-

“Kasi po di ka naman mamatay pa. Ang bata pa kaya natin para maisip yang mga bagay nayan. At yang tinatanong mo sa akin ay sobrang imposibleng mangyari. Malalaman mo na lang reaksyon ko kung nasa sitwasyon na tayo. Okay? Satisfied with my answer?” Pagpapaliwanag sa kanya. Tumango na lang siya sa sinabi ko. “Mall tayo bukas? Gusto mo?” pag-aaya ko sa kanya.

“Sure” sagot niya sa akin nang nakangiti.

   

 *** 

Today is another day.  Papunta na kami ni Ella sa Mall. Commute lang kami ngayon para maiba naman. Sumakay kami nang jeep papunta sa Mall. Siksikan nga sa Jeep eh pero kaya pa naman.

After 15 minutes nasa tapat na kami ng Mall.  Bumaba na kami sa Jeep at nagbayad na.

Naglakad kami papuntang tawarin nang may biglang umagaw sa bag ko kaya naman hinabol ko siya.

 “Hoy, magnanakaw ka! Ibalik mo nga sa akin yang bag ko” sigaw ko sa kanya. Marami nang nakatingin sa akin pero ni isa eh wala man lang ginagawa. Anu  ba yan! Wala man lang gustong tumulong sa akin.

 Takbo parin ako ng takbo para mahabol ko yung magnanakaw. Ay teka?! Naiwan ko ata si Ella pero pagtingin ko sa likod na kita ko si Ella na humahabol sa akin kaya naman huminto ako. May kasama na siyang mga Pulis.

Nadapa yung  magnanakaw at nagmadaling umalis dahil nakakita ata siya ng mga pulis kaya naman naiwan na niya yung bag ko. Pinuntahan ko agad yung bag ko at agad koi tong pinulot.

Sigawan ang mga tao pero hindi ko alam kung bakit. Malamang dahil yan sa magnanakaw kanina. Tinignan ko muna ang laman ng bag ko at baka may nawala sa mga gamit ko.

“IZZY!!” sigaw sa akin ni Ella at tumatakbo siya papunta sa akin. Mabilis siyang nakapunta sa akin.

 

“Bakit?”  tanong ko sakanya dahil huli na ng nalaman ko na may isang truck na papunta sa amin. Bago kami masagasaan ay niyakap ako ni Ella ng mahigpit at bumulong sa akin ng “I love you, Bestfriend!” kaya yumakap na rin ako sa kanya at bumulong sa kanya ng “Best friends till Death! I love you!”

 ***

Pagkatapos silang masagasaan ay agad silang sinugod ng mga pulis sa hospital pero pagkadating mismo roon ay na bawiian na sila ng buhay. Napag-alaman din na hindi gumagana ang preno ng truck kaya naman ay di ito tumigil sa pagtakbo. Marami ang nalungkot sa nangyari pero wala na silang magawa.

Ganyan talaga ang buhay! Life is too short ika nga kaya dapat lubos lubusin mo ang buhay mo habang may oras ka pa kasama ng mga friends, bestfriends, barkadas at pati na rin na iyong pamilya.

 ***

Best Friends till Death? [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon