Chapter 7

17 1 0
                                    

Trina's POV

Sa tagal tagal ng paghahanap ko sakanya...si Xian lang pala!

Eh pano? Diba mataba siya noon? Ngayon-- dinaig pa ang superstar model...

Pero...hindi nagsisinungaling si Nanay Flor.....kaya andito ako ngayon sa garden nila, hinahanap si YanYan na si Xian pala

Kanina ko pa siya hinahanap sa loob ng bahay nila...kaya dito naman ako sa labas...

Namiss ko siya! ㅜㅡㅜ

"HAHAHAHA!!!" Xian!!!

Agad kong sinundan yung tawang yun...nasa likod ng bush

Lumapit agad ako at niyakap siya sa likuran...at umiyak

"Nakakainis ka!! Andiyan ka lang pala! Kanina pa kitang hinahanap eh..." Sabi ko pero patuloy parin ako sa pag-iyak at lalong hinigpitan ang yakap ko..

Xian's POV

"HAHAHAHA!!!" tawa ko...

Eh pano ba naman ako hindi matatawa? Nadulas lang naman si Kean hahaha!! Pumoporma siya sa isang babae, pero sumablay...nadulas hahaha!!

Hahahhahahhahaha!!! Di parin ako mak--

May yumakap sakin mula sa likod ko...umiiyak pa

Halata namang nagulat din sila Kean, Felix at yung babaeng pinopormahan ni Kean

"Nakakainis ka!! Andiyan ka lang pala! Kanina pa kitang hinahanap eh..." O.O boses palang kilala ko na...at lalo siyang umiyak at hinigpitan ang pagkakayakap sakin

Sinenyasan ko sila Kean na umalis gamit mata ko...buti naman nakuha nila

Ng maka-alis na sila, dahan-dahan kong inalis yung pagkakayakap niya sakin at iniharap ko siya

At niyakap din

Matagal ko na tong pangarap!

"Shhh, okay na...andito na ko, si YanYan" sabi ko at hinaplos ang buhok niya upang patahanin

"A-ak-kala k-ko h-hindi n-na k-kita      m-mahah-hanap...I-I m-miss y-you" sabi niya habang humihikbi

"Shh...okay na Alexa, atleast magkasama na tayo ngayon.." Sabi ko, pinapatahan parin siya

"I miss you talaga bestfriend!" Sigaw niya at yakap ulit

Bestfriend...hanggang dun nalang ba yun?

Pinatahan ko lang siya haggang sa makatulog na siya

Trina's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw...wait--- bakit kulay brown yung ceiling?  Green yun ah...

Tiningnan ko yung paligid ko at-- narealize kong hindi ko pala to kwarto...asan ako?

N-nakidnap ba ko?

Tiningnan ko suot ko at....

"Waaahh!! Bakit iba na suot ko!?" Humayghad!? Ibig sabihin ba nito...

"Hindi! V-- pa ko!"

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa si Xian....

Si Xian na halatang nag-aalala

"Oh? Anong nangyari?" Tanong niya

"W-wala...a-ano--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng magsalita siya

"Dont worry, si Manang ang nagpalit sayo" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya

"O, tara na...kain na tayo" aya niya sakin...sumunod naman ako

Love Kita Sana Ikaw RinWhere stories live. Discover now