Chapter 1

81 3 0
                                    

Trina's POV

Ano ba yan... Magpapasukan na ulit huhu!

"Trina!!! Tara dali!! Kailangan na nating mamili ng BTS supplies!!" Excited na sigaw ni bes

Napatayo nalang ako sa pagkakahiga ko dahil sa narinig ko...

"BTS!?" Sabi ko...

" oo! Back to school supplies bes!" Sabi niya at tumalon talon... Hays...to naman excited masyadong pumasok.

"Ay... Sige, ikaw nalang. Bukas nalang ako" sabi ko at humiga ulit

"Ano ba? Di ka ba naeexcite? Madaming nagtransfer sa school nating gwapo!!!!" Di ko siya pinansin at pinikit ko nalang ang mata ko

"Waaahh!!" Sigaw ko...hilain ba naman ako?

"Ano di ka pa tatayo?" Sabi niya..--_--

Pano ba naman ako tatayo...hinila niya paa ko eh

"Oo na, hintay ka lang diyan maliligo lang ako" sabi ko at naligo na..

"Tara na?" Aya niya agad sakin...kakalabas ko palang ng cr eh..kakain pa ko

"Tara" aya ko at bumaba na

Agad-agad siyang pumunta sa pintuan at lumabas... Akala niya siguro na nakasunod pa ko sakanya hahaha

Dumuretso na ko sa kusina at kumuha ng cake...birthday kasi ng kuya ko kahapon kaya may natira pa.

Umupo na ko sa counter tska kumain...

Kumakain ako ng may kumuha ng plato ko...pagtingin ko...si J-Josh!?

"Kain ka ng kain diyan aalis na tayo eh" kasama siya?kakahiya!

Kapatid siya ni bes..crush ko naman

"A-ah hehe t-tara na" aya ko at dali-daling pumunta sa sasakyan nila..

Andun si Bes, si Angelo at si Xander.

Sabay na din kaming pumasok ni Josh...yiee! Kinikilegs akes!

Ito lagay namin...

Josh|Xander
Angelo|Bes|Me

Yep...marunong magdrive si Josh...wag mag-alala, may lisensya siya.

"San tayo?" Tanong ni Josh

"NSB/Greenwich" sabay naming sabi ni Bes... Oops!

"Ano ba yan bes! Kakakain mo pa nga lang, kakain ka nanaman?" Sabi ni bes sabay tawa.. --,--

"Eh sa gutom ako eh" sabi ko

"Basta, NSB muna tayo" sabi niya kay Josh

Wala na kong nagawa kaya sa NSB muna kami...

"Tara!" Excited na sambit ni bes at hinila na si Angelo...Ismellsomethingfishy..

"Tara?" Aya samin ni Xander..

Sabay-sabay kaming naglakad na tatlo...pinapagitnaan nila ko

Iwan daw ba ko ng bespren ko?

Okay lang, katabi ko naman si crush hehe!

Andito na kami sa NSB at naghiwalay-hiwalay na...

Andito ako sa section ng pocket books...tapos na kasi ako sa School supplies...

OoO!!!! My favorite book!!!

Kukunin ko na sana ng may kumuha na...aish! Ang dami namang ibang book diyan...yun pa talaga!

Ng tingnan ko.... Omaygad! Ang gwapo!!!!!

Parang nagslowmo ang paligid ko...
Para akong nasa langit...
Para siyang angh---

"Done staring?" Aba! Yabang

"English english ka pa jan! Akin na nga yan ako na una eh!" Sabi ko sabay lahad ng kamay ko

Aba'y tiningnan niya lang ang kamay ko...

"Ano ba! Akin na nga yan eh!" Sabi ko..

"Kuha ka nalang ng iba diyan" sabi niya..

Aalis na sana siya ng hablutin ko yung libro sakanya

"Oy! Akala mo ba mauuto mo ko? Ako nauna dito! At isa pa, wala ng iba nito" sabi ko

Nagsmirk lang siya...

"Kilala mo ba ko miss?" Tanong niya sakin

"Hindi, at hindi ako interesado" sabi ko at naglakad na palayo..

Naiwan siya doong tulala..

Buti nga!

Nang makita ko si bes...magkasama sila ni Angelo, HHWW ang peg nila... Excuse me, Bookstore po ito at hindi park... Haha!

"Huy! Kayong dalawa! Tapos na ba kayo?" Sabi ko

"Oo, kanina pa...hinahanap lang namin yung dalawa" sabi ni Bes

At eksakto namang sumulpot yung dalawa

"Tara!" Aya ko at nagbayad na kami sa counter...habang nagbabayad nakita ko nanaman yung lalake kanina...may kasama siyang bodyguard?

Di ko nalang pinansin yun. Hanggang sa pumunta kami sa greenwich..

AtGreenwich**

"Huy bes! May ikekwento ka pa sakin mamaya" sabi ko

"Huh? Ano naman yun?" Tanong niya...aba! Napakainosente! Haha.. Huli ka na

"Basta mamaya na sa bahay, pabalik na sila" sabi ko

"Oh" sabi ni angelo at binigyan si Bes ng pagkain...

"Salamat" sabi ni bes

"Ito sayo" sabi naman ni Xander sabay bigay ng akin...

Si Josh sana magbibigay eh! Pero okay lang haha!

Nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan at nagtawanan hanggang sa umuwi na kami.

AtHouse**

"Tadaima"sabi ko (means: Im home)

We use Japanese words when greeting each other...kami lang namang apat eh. At isa pa, sanay na kami dahil sa Japan kami tumira nung 5 years old ako...bumalik lang kami dito sa pilipinas ng higschool na ko...

" Okairi" sabi naman ni mama at papa(means: welcome)

Nagmano na ko sakanila at umakyat...wala pa si Kuya Cy.. Ewan ko dun

Inayos ko na ang gamit ko para sa school... Saturday kasi ngayon... Sa monday naman pasukan namin.

Matutulog na sana ako ng may nagtext...

#unknown:

See you.. Love

Di ko nalang pinansin, baka kasi na wrong send lang siya.

Goodnight mga beshies! :*

Love Kita Sana Ikaw RinWhere stories live. Discover now