BINTANA SA BAGONG BAHAY

25 1 0
                                    

Pasado alas otso na ng gabi ng makarating si jojo sa bago nyang nilipatan sa lalawigan ng bulacan. Galing pa itong pangasinan kaya't inabot siya ng ganoong oras. Mag-isa lamang sya na titira sa bagong bahay na kanyang nilipatan, dahil kamamatay lamang ng kanyang ina nitong kararaang linggo lamang at niwan na sila ng kanyang ama, simula ipinagbubuntis pa lamang siya.

Dahil hirap makalimot, ay kaya nya naisipang lumipat. Napaka sariwa pa kasi ng mga ala-ala ng kaniyang ina sa kaniyang isipan at hindi magiging madali sa kanyang kalimutan ito kung hindi nya lilisanin ang kanilang tahanan.




Habang inilalabas ang mga gamit sa sasakyan ay naisipan niyang tawagan ang kaniyang kaibigan na malapit lamang sa kaniyang nilipatan. Gusto kasi nito ng may kaunting makausap manlang habang naninibago pa siya sa kanyang bagong bahay.


Kinapa-kapa niya ang cellphone sa upuan ng kaniyang sasakyan at tinawagan na nito ang kaibigan.


"Hello pare" panimula niya sa usapan.


"Oh! Pare kamusta kana? Ok ka na ba ngayon? Nabalitaan ko ang nangyari. Pasensya at hindi ako nakapunta." Alalang sagot ng nasa kabila.


"Ok lang 'yon pare! Alam ko naman na busy ka sa pagbabantay ng kapatid mo ngayon sa ospital, ikamusta mo nalang ako sa kapatid mo, at magpagaling na kamo sya." Nakangiting sabi ni jojo habang nakaipit sa leeg ang cellphone at patuloy parin na ibinababa ang mga gamit sa likod ng sasakyan.


"O sige salamat pare, makakarating. Pero teka pare, bakit Ka nga ba napatawag?" Takang takang tanong ng kausap.




"Wala pareng michael, gusto ko lang muna ng makakasama at kung ookay lang sayo eh pwede mo rin ba akong matulungan sa pag-aayos ng mga gamit ko? Marami kasi akong mabibigat na gamit katulad ng lamesa at mga aparador. Pasensya na sa abala pare. Kung ok lang naman sayo pero kung hindi ay ok lang din. Ikaw lang kasi ang alam kong pinaka malapit dito kaya ikaw ang naisip kong tawagan" mahabang saad ni jojo.

Agad naman ng sumang-ayon si michael sa pakiusap ni jojo. Matapos ng kanilang mahabang pag-uusap ay saka na mabilis na tinapos ni jojo ang mga gawain.


Alas-nuwebe  pa lamang ay nahimbing na sa pagkakatulog si jojo. Sa dami kasi ng kanyang binuhat, at sa haba narin ng kanyang biniyahe ay nasobrahan na talaga siya sa pagod. Iyon ding oras na iyon hindi na nya namalayan pang nakabukas pa ang lahat ng bintana.

At isa na rito ang malaki at may anim na butas na bintana. Kung kaya't ng magsimulang umihip ang malamig na hangin galing sa labas ay bigla rin siyang nagising at nakaramdam ng ginaw.

'Grrrr. Nakatulog na pala ako. Ni hindi ko pa naayos ang higaan ko, at hindi ko pa naisara ang bintana.' Sa isip ni jojo.

Bumangon na siya sa pagkakahiga upang kunin ang dalawang unan at isang kumot na nasa malaking basket. Inilatag nya ito sa kutsiyon at saka ibinaling ang tingin sa malaking bintana. Wala pala itong salamin. Dinungaw niya ang kanyang ulo sa bintana at saka pinagmasdan ang tanawin sa ibaba.

Napaka lawak ng kaniyang hardin. Punong puno ng mga makakapal at makukulay na mga bulaklak na nasisinagan lamang ng bilog na bilog at napaka liwanag na buwan.

Maya-maya pa na nakatanaw siya ng lumulutang na apoy galing sa maliit na palaisdaan sa kanyang hardin. Agad siyang bumaba ng palabag upang puntaan ang apoy na kaniyang nakita.

Natakot siya dahil baka pagmulan ito ng sunog ngunit ng makababa na siya at nang makita na ito ng malapitan ay bigla siyang kinilabutan at naalala ang sinabi ng kaniyang ina na ang apoy na lumulutang sa tubig ay sinisimbolo ng dimonyo. At kapag nakakita ka raw nito ay makikita mo rin daw ang isang multo na inilikha ng diablo. Titingin sana siya sa kalangitan upang humingi ng tulong sa diyos at para manalangin.

SHORT HORROR STORIES(2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon