SI LOLA

12 1 0
                                    


A/N: At dahil po undas nyo at wala naman kaming pasok eh naisipan kong mag-update :) :) dalawang linggo rin mahigit na hindi ako nag update dahil nag periodecal kami nung nakaaraang linggo at nagbakasyon pa. Hahaha. So eto na.. Sana magustuhan nyo kasi hinanapan ko pa ng mababagayan ang music na iyan.

Ang tittle po ng music ay moonlight sonata na ginawa Beethoven. I-play nyo nalang po sa scene na pinapatugtog na sya. Ok?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang linggo narin ang nakalilipas simula ng mamatay ang lola ni Daniel. Si lola Desas.

Matapos ang ilang araw na lamay ng yumaong matanda ay agaran na ring umuwi ang mga magulang ni daniel sa maynila dahil subsob ang mga ito sa trabaho at ganun narin ang mga nakatatanda nitong kapatid. Si Daniel ang naatasan na maglinis at maiwan sa tahanan ng kanyang lola. Marami pa kasing naging kalat sa kanilang bakuran ng maburol ang matanda at sobrang dumi narin ng bahay nito at kinakailangan na rin niyang ayusin ang mga gamit nito at isilid sa sako. Ngunit hindi naman siya mababahala dahil katuwang narin naman niya ang mga kamag-anak sa lugar na iyon.

Katanghaliang tapat ng maisipan ni daniel na simulan na ulit ang paglilinis ng bahay. Minamadali na kasi niyang matapos ang mga gawain upang mapabilis na ang kanyang pag-uwi.

Ang pag-aayos nalang ng kuwarto ng matanda ang natitira nalang niyang gawain. Natapos na nila ang pagwawalis at paglilinis ng bakuran, natanggal narin nila ang lahat ng agiw sa kisame at malinis na malinis narin  ang sahig dahil sa mabusising paglalampaso ng mga tiyahin ni Daniel.

Sa katanghaliang iyon ay pansamantala munang iniwan si Daniel ng kanyang mga pinsan at lumabas ang mga ito upang mananghalian kung kaya't naiwan siyang mag-isa sa silid ng kaniyang lola.  Inumpisahan niya ang pagliligpit sa higaan at habang inaayos niya ang sapin ay biglang nakaagaw pansin sa kaniya ang isang malaking baul na nasa isang sulok lamang. Medyo luma  na ito at mapapansin mong ito ay panahon pa ng mga kastila. Sa pagkaaliw sa baul, ay nilapitan niya ito at saka binuksan. Nagsitaasan ang mga alikabok mula rito at lumantad sa kaniya ang sari-saring mga gamit katulad ng lumang hikaw at relo. Mayroon ding mga sapatos at damit pati narin ng mga lulumaing bag at kung ano-ano pang anik-anik. Dahil masyado itong halo-halo ay inalis muna niya ang mga nasa ibabaw at inilagay sa lapag,  kasunod non ay isang malaki at mabigat na kahon naman ang nakita niya sa pinaka ilalim at ng kunin niya ito at buksan ay isang lumang gramopon lang pala ito na may kasama pang plaka. Kung kaya't inayos niya ito at isinaksak at nagulat pa siya ng bigla pa itong tumugtog.

'🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶'

Isang makalumang musika ang kanyang napakinggan na tila nagsitaasan ang kanyang mga balahibo. Malakas at umaalingawnaw pa sa apat na sulok ng kwarto ang tunog. Hinayaan lamang nya ito hanggang sa kusa itong maputol at nakahinga agad siya ng maluwag. Para kasing nagsikip ang kanyang dibdib at tila parang may bumabara sa kanyang lalamunan na pakiramdam pa nya ay hayan lamang sa kanyang tabi ang kaniyang lola ng pagtugtugin nya ito.

Ng mapagtanto nya na kanina pa pala siya tinatawag ng kanyang mga pinsan ay agad din niyang ibinalik sa ayos ang mga gamit sa baul at bilis bilis siyang tumakbo pababa.

-

"Napaka wirdo ng baul na iyon! Parang noong buksan ko iyon ay antimanong nagsitaasan din ang mga balahibo ko na para bagang nararamdaman ko pa ang presensya ni lola desas. Grrr.. Hindi ko tuloy maiwasang matakot." Kinikilabutang utas ni ni daniel sa kaniyang mga pinsan habang siya ay kumakain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHORT HORROR STORIES(2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon