9:30 pm10/07/****
ang panimula ng aking blog,
Papaano kung may matalik kang kaibigan na tinuring mong parang pamilya,kapatid?kaya mo bang gawin ang lahat para sa kanya? o isa lang syang taong na may pangangailangan ka kayat lumalapit ka sakanya?
plastic kung baga.
Ang aking nagiisang matalik na kaibigan na tinuring kong ka dugo ay na aksidente July 01 **** comatose sya at machine nalang ang kinabubuhay nya halos mag aapat na Buwan
walang tigil ang luha ko tulad ng sa pamilya nya sobrang sakit dahil sya lang ang meron sa akin isa akong orphan walang pamilya,ulila sakanya lang ako kumakapit sya,
ang nagpapasaya sa akin tuwing pagod ako,isa akong working student scholar sa isang paaralan,ginagabayan ako pag may problema mahirap pero kinakaya ko dahil sa aking kaibigan pero ngayon na parang nawawalan na ng pag asa
ang pamilya ng aking kaibigan unti unti akong nadudurog wala na silang pambayad at binigyan sila ng isang buwan para mag desisyon sa kalagayan ng aking kaibigan
tumutulong ako sa bayad pero kulang parin gipit rin ako Isang buwan? kakayanin ba ng aking kaibigan lumalaban sya oo pero masyadong malaki ang naging impact sakanya ng aksidente
Ano nga ba ang kaya kong gawin para sa aking matalik na kaibigan?
Sakali na may mangyayaring masama sa gagawin kong ito ay gumawa ako ng isang blog para mabasa ito ng aking kaibigan na tiyak kong isasalba
Mahal ko sya higit pa sa aking sarili, Ang luhang tumutulo ngayon sa akin habang ginagawa ito ay sabik na iligtas sya kong sakali,malungkot na ngiti dahil patawad at
di ko matutupad ang iyong pinapangako sa akin na wag gagawa ng ikakapahamak ko para sa iyo ito kaya't sana please kung mabasa mo ito at malaman ang aking pagdadaanan
wag kang iiyak sa pagsisi sa iyong sarili buong puso at walang halong pagsisisi ko itong gagawin.
Ako si Atrisia Jane Hochaves basahin ang aking isusulat na tutukuyin kung hanggang saan ang aking kayang gawin maisalba lang ang aking kaibigan.
YOU ARE READING
Astral Body
Fantasy"I love you bestie, gagawin ko ang lahat para sayo kaya wag mong sisihin ang sarili mo sa gagawin kong ito"-Atrisia Jane Hochaves