Hindi ulit to epistolary >~< forgive me~*~
Mabilis na lumipas ang mga araw na lagi kaming mag ka chat ni Rico, ayan tuloy! Pang #2 na siya sa crush list ko, syempre nasa #1 parin si Lee Min Ho mah beybs ko noh! :p
"Ang ganda ganda mo anak!" Parang mas excited pa ata si mami sakin na makapag tapos ako sa sobrang raming pinaayos sakin, pina salon pa ako ng maganda kong ina, kala ata may mangyayari pang pag rampa sa school namin
"Mami, pag nakatapos na ba ako, mag t trabaho na agad ako?" Tanong ko kay mami
Sana wag muna, gusto ko munang mag enjoy at damhin ang buhay walang ginagawa
"Depende na sa iyo yun anak, kung gusto mo sa kompanya ka na natin agad mag trabaho, or pwedeng mag experience ka muna ng iba"
May point si mami, pero ayaw ko pa, siguro mga 2 months
"Ang laki mo na anak" Tila naluluha pang lumapit sakin ang ama ko
"Time flies so fast ika nga" Pag sang ayon ni mami sa sinabi ni daddy
"Ako padin naman ang baby niyo" Pag comfort ko
sakanila, hindi naman ako aalis agad agad ng bahay noh"Tumigil ka nga diyan ate, ako ang bunso dito, hindi ikaw :p" Epal ng nakakabata kong kapatid
"Wag mong sirain araw ko Railey ah!" Panakot ko sakaniya, pero hindi takot sakin si gaga kaya lalo pa akong inasar
Pero biglang nag bago ang expression ng mukha niya, mukhang nang hihinayang
"Ang swerte naman, tapos na ang pag hihirap sa school ng bruha.." Bulong niya na narinig ko, bumulong pa, halatang nag paparinig tss
"Kaya ikaw! Mag aral ka ng mabuti, para mas mapadali yung pag graduate mo at hindi ka umulit!" Sinabayan ko pa ng pag tulak tulak sa noo ng 2nd year highschool kong kapatid
"Mag aasawa ka ba agad?" Tanong niya, ahm ahihihi^_^
"Pwede, aayain ko nalang si Lee Min Ho mah beybs ko ^_^" Kinikilig na sagot ko sakaniya
"Ano ba yan ate! Puro ka koryano, mga retokada naman!" Eh?
"Anong say ng crush mong si Coco?" Pang aalaska ko sakaniya, mabilis namang nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ang bibig ko
"Who's Coco?" Seryosong tanong ni Daddy, sinamaan naman ako ng tingin ni Kapatid ^_^ binelatan ko lang siya :p
"Si Coco Martin papa!" Pag sisinungaling ng mabait kong kapatid, yun kaya yung class president nila sa school
"Oh ok, basta, no boyfriend until makatapos ka ng highschool, okay?" Pag hihigpit ni daddy, binelatan ko lang ulit yung "mabait" kong kapatid
"Oh siya, halika na, baka mahuli pa itong kapatid mo" Pag aaya ni Mami saamin
"Where's kuya nga pala?" Tanong ko
"Susunod nalang daw sila dun ni Mika" Aba! Tsumatsansing ang magaling kong kapatid ah
Tumahimik nalang ako sa likod ng sasakyan at hindi pinahalatang kinakabahan ako
Pupunta kaya siya?
BINABASA MO ANG
Pusuan Moto
Short Story[ e p i s t o l a r y # 1 ] "Kuya, pusuan mo naman Dp ko, project lang po ;)" Im Nayeon x Kim Taehyung TWICExBTS Highest rank #72 in Shortstory Cover By Minkzyyy