CHAPTER 13

2 0 0
                                    

CHAPTER 13

BERNADETTE'S POV:

 

Mama: Ano nakaready na ba lahat? Aalis na tayo guys, baka may maiwanan kayo. Dalian niyo na. Tapos mag videoke muna tayo bago tayo umalis! Hahahaha. “Paalis na kami sa resort at uuwi na kami sa maynila. Back to normal nanaman ang lahat. Haha! Pero siyempre, magsasaya muna ulit kami bago umuwi diba diba?

Ayun nga, nanguna na ang nanay ko mag videoke. Siya na ang maganda boses. Hahahaha! Kami eto nganga. Isa isa nang kumanta yung mga kasama namin. tapos naghanap na kami ni Nathan ng kakantahin namin.

Nathan: Ako na pala next! Haha. Eheem.. Eto na guys. Wag niyo ko pagtatawanan please. Haha! Tapos nagsimula na yung tugtog.

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta siya. Wala di na mapigilan yung mata ko, nakatitig nalang talaga ako sa kanya. Pero dun ako parang bumalik sa katinuan nung bigla siyang tumingin sa akin sa isang part ng kanta.

I will never let you fall, I'll stand up with you forever,

I'll be there with you through it all, even if saving you sends me to heaven.”

-Your Guardian angel by Red jumpsuit apparatus-

 

Yung feeling na nakatingin ka sa kanya at the same time, pinapakinggan mo yung bawat lyrics na kinakanta niya. Bakit ganun? Ano tong nararamdaman ko?

*DUG DUG DUG DUG*

 

Eto nanaman yung lakas ng tibok ng puso ko. Hindi. Hindi pwede, ayokong umasa, napatingin lang siya sakin. Oo! Tama, aksidente lang yun. Kaya inalis ko na yung pagkaka tingin ko kay Nathan at nagkunwaring walang pakealam.

Minsan, mas maganda nang ipakita mong wala kang pakealam kesa naman ipakita mong gusto mo yung taong hindi ka naman pinapansin, MASASAKTAN KA LANG.

NATHAN'S POV:

 

I will never let you fall, I'll stand up with you forever,

I'll be there with you through it all, even if saving you sends me to heaven.”

 

 

Ewan ko bakit bigla bigla, pagkanta ko ng part na yan, napatingin ako kay Bernadette. Siguro nga, hindi na ako naguguluhan sa sarili ko, wala na kong pagdududa. Gusto ko laging nasa tabi niya. Gusto ko siyang ingatan. Sinabi ko na dati yun, gusto ko siyang alagaan. Ngayon, wala na akong doubt sa sarili ko. GUSTO KO SI BERNADETTE. Gustong gusto ko siya, kaya gagawa ako ng paraan para mapatunayan sa kanya yun. Hinding hindi ko siya iiwan.

The Real Deal [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon