While reading this story, please play 'Synesthesia' by Mayonnaise :) (See Multimedia section)
Happy reading ! ^^
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Eunice's POV***
Strumming my guitar. Playing guitar. That's my hobby.
4:00am na pala. Hindi pa rin ako tulog. At heto, naghihintay pa rin ng himala na tumunog ang phone ko dahil sa tawag na halos isang taon ko nang inaasahan. Kanina pa ako tumutugtog ng gitara. Kung anu-anong mga lovesongs.
I love his guitar, I love this guitar. Eto lang kase yung naiwan ng lalaking pinakamamahal ko. Si Jonathan.
Flashback***
"Hon, sa'yo muna tong gitara ko. Alagaan mo yan ah." -Jonathan
"Bakit hon? aalis ka ba?" -Me
"Hindi ako aalis, kung aalis man ako, syempre isasama kita. Ayoko naman kasing magkahiwalay tayo." -Jonathan
"Eh ba't mo pinapaalagaan yung gitara mo sakin?" -Me
"Basta. Eto tatandaan mo ah." Sabi ni Jonathan sabay lapit sa'kin. Mukhang may ibubulong ata siya.
"Lagi kitang babantayan. At hinding-hindi kita iiwan kahit anong mangyari." Pagpapatuloy nya.
"I love you hon." Sabi ko habang nakatingin nang direcho sa kanya.
"I love you too." Sagot niya naman with a smile.
Kinabukasan****
"Hon?" Sabi ko pagkamulat na pagkamulat ng mata ko. Wala na kasi siya sa tabi ko.
Sa'n na naman kaya yun nagpunta?
~End of Flashback***
Simula nun, hindi ko na siya nakita pa ulit. Parang bulang bigla nalang naglaho. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya. Wala na din akong balita simula nung nawala siya. Kinausap ko ang mga magulang niya pero ayaw pa rin namang sabihin sa'kin. Basta daw, tatawag nalang daw sa'kin si Jonathan.
At heto nga ako ngayon, isang taon nang naghihintay sa pagtawag niya. Matagal na akong naghihintay, pero sa bawat araw na lumilipas, hindi ko siya naalis sa isip ko. Minu-minuto akong nakatingin sa phone ko. Umaasang may dadating nang tawag galing sa kanya. Pero wala pa rin. Pero kahit ganun, hindi pa rin ako nawalan ng pag-Asa.
'Save your smile....'
Pagsisimula ko. Eto yung lagi at huli nyang kinanta sa'kin nung gabing yun para makatulog ako.
Everything fades through time...
I'm lost for words....
Endlessly waiting for you...
Stay with me...
Yes I know this cannot be...
As morning comes...
I say goodbye to you when I'm done...
To the sun......
nagsimula na akog magstrum para sa chorus ng kanta nang bigla akong napatigil dahil sa paglamig ng paligid ko.
At may nakita akong lalaking mejo malabo na nakaputi sa harap ko. Si Jonathan. Kumanta siya. Pinagpatuloy ang chorus ng kanta habang nakatulala naman ako.
Because I've been waiting for you...
Waiting for this dream to come true...
Just to be with you.
And if I die,
Remember this line,
I'm always guarding you life....
Guarding your life...
"Jonathan?" Agad akong tumayo sa kama ko at lumapit sa kanya pero... Hindi ko siya mahawakan.
Nang bigla siyang nagsalita.
"Umupo ka ulit" Utos niya. At umupo naman ako ulit.
"Ba't hindi kita mahawakan hon?" Tanong ko.
"Patay na ako." Paninimula niya at napatulo na yung mga luha ko. Nakita kong tumulo din yung mga luha niya pero nakangiti pa rin siya saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Nasa'yo pa rin pala yung gitara ko. Buti naman naalagaan mo. Matagal na akong patay, Isang taon na ang nakalipas. Nung binigay ko yang gitara ko, pagkabukas nun, umuwi na ako at dun sa bahay namatay. May brain tumor kase ako. At alam ko na sa araw na yun, mamatay na ako. At yung sinabi nga pala ni mama na tatawagan kita, ito yun. Hindi nga lang kita tinawagan oh. Pinuntahan pa kita." Sabi ni Jonathan habang nakangiti. Yung agos ng luha ko, kasingbilis ng agos ng luha niya.
Hindi ko mapigilang maiyak, pero pinilit kong magsalita. Ngayon lang kami nagkita ulit, at gusto ko siyang makausap.
"A-Akala ko ba, di mo ko iiwan. Ba't ganun? P-Patay ka na, iiwan mo na ako diba?" Sabi ko habang humihikbi at humahagulgol sa iyak.
"Sa isang taon na pagkamatay ko, hindi kita iniwan. Hindi mo lang alam, lagi akong nasa tabi mo, nakayakap sayo. Hinahalikan ko ang noo mo bago ka matulog, yung mga ginagawa ko nung buhay pa ako, ginagawa ko pa rin sayo yun. Bago ka matulog, bumubulong ako na mahal na mahal kita. Alam kong naririnig mo yun. Sa panaginip mo, nandun ako lagi. Pinapaalala ko sayo yun mga araw na buhay pa ako. Hindi kita iniwan, at kailan man hinding-hindi kita iiwan."
Hindi ako makagalaw. Hindi dahil sa natatakot ako. Kundi dahil hindi ko kayang tanggapin. Na patay na siya.
Mas lalo pang lumakas ang iyak ko. "Hon. Wag mo naman magbiro ng ganito oh. Sabihin mong panaginip lang ulit to. Please ayoko nito. Gusto ko magkasama tayo"
Tumingala siya na para bang may hinihiling mula sa taas. Ilang segundo ay parang naging malinaw siya. Lumapit siya sa'kin at tumabi. Humarap ako sa kanya saka niya ako niyakap nang mahigpit. Niyakap ko din siya nang mahigpit.
"Totoo ang lahat ng sinabi ko. At hindi ako nagbibiro, hon. Kasama mo naman ako lagi eh. Hindi to panaginip. Kung sa totoong buhay, hindi mo ko pwedeng mahawakan at makita, pero mararamdaman mo naman ako. Ako ang magiging guardian angel mo. Sa panaginip pwede mo akong yakapin. Basta ito ang lagi mong tatandaan. Mahal Na Mahal Kita. Salamat sa lahat nang nagawa mo para sa'kin." Pagkatapos nitong mga sinabi niya ay hinalikan niya ako nang ilang segundo Saka niyakap ulit nang mahigpit.
"Mahal na mahal kita Hon." naiiyak kong sabi.
"Mahal na mahal din kita Hon." pagkatapos niyang sabihin to, umiyak ako nang umiyak at siya naman ay unti-unti nang naglaho sa pagkakayap sakin.
tumingin ako sa gitara niya at humagulgol..
" Si Jonathan, ang lalaking minahal at mahal ko pa rin hanggang ngayon. Patay na siya. At ang gitarang ito, aalagaan kita na parang ikaw ang lalaking minahal ko. "
BINABASA MO ANG
Gitara [ OneShot ]
Short Story"Hindi lahat ng nawawala, iniiwan ka. Minsan nasa paligid mo sila't nagbabatay sa'yo, Pinagmamasdan ka." ● NO SOFTWARE COPIES ●