TSPI ~ 4

138 7 0
                                    

-------

"Para 'to sa ikabubuti ng lahat.."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

<Aena's POV>

"Nilalagnat ehh.." sagot ko sa tanong ni Nine kung bakit daw absent si Zelo.

"Okay pa naman siya kahapon ah?" sabi niya naman.

"Lagnat laki lang yun.." singit ni Dae..

"Oo nga.. Lalaki na naman siya.." si Youngjae naman.

"Matatangkaran na naman niya ko..." malungkot na sabi ni Jongup.. Aww..

"Yaan mo na.... Mas macho ka naman eh!" sabi ni Youngjae at nag-apir pa sila.

"Tama,tama..." dagdag ni Daehyun.

"Oo nga si Jongup naman ang pinaka-macho sa inyo ehh.." sabi naman ni Nine.

"Hoy sino'ng may sabi sa'yo?? Macho rin kaya ako!" sigaw ni Daehyun.

"Hahaha!! Ikaw?? Macho?? Patawa ka ba??" pang-aasar pa ni Nine.

"Sino'ng patawa ang sinasabi mo jan ha??? Baka pag pinakita ko sa'yo biceps at abs ko... Malunod ka sa sarili mong laway.." seryosong sabi ni Daehyun.

"Oh talaga??? Hahaha!!" tawa ni Nine, "Imposibleng mangyari yan dahil wala ka naman talgang maipapakita..." asar niya pa.

"Eh pa'no kung meron??" panghahamon ni Daehyun.

"Sige nga.. Ipakita mo ngayon kung meron.." si Nine naman.

Palipat-lipat lang kaming tatlo ng tingin dito sa dalawang to.

"Dito mismo?? Dito sa cafeteria??" tanong ni Daehyun..

"Oo... Bakit?? Ayaw mo??" seryoso ba tong babaeng to?? Kung alam ko lang gusto niya lang talagang makita ang katawan netong si Daehyun... Mga galawan ni Nine.. Tsk,tsk...

"Hindi naman sa ayaw... Precious kasi tong abs ko kaya hindi talaga pwedeng makita ng iba.." sabi ni Daehyun habang hinhimas-himas ang tiyan niya.. este abs DAW. Haha!

"Owss?? Precious ha??" pataray na tanong ni Nine, "Baka naman.... INVISIBLE..??"

"Pffffft.. Hahahaha!!" tawa ni Youngjae na may kasama pang hampas sa mesa.

"Nahuli mo Nine! Hahaha!" sabi ko sabay apir sa kanya.

"BASAG KA NGAYON DAE!! Hahaha!!" si Youngjae pa rin. Si Daehyun naman masama lang ang tingin sa'min at patuloy sa pagkain.. Pahiya siya kay Nine eh!! Hahaha!!

"May abs pa lang invisible??" tanong ni Jongup.

"Meron! Haha! Yung kay Daehyun hyung mo!" natatawang sagot ni Youngjae.  "Hahaha!! Panalo talaga!! Invisible abs pa men! Hahaha!" bentang-benta sa kanya yung invisible abs ah?? Haha!

"Humanda ka sa'kin mamaya Youngjae baboy ka..." pagbabanta ni Daehyun saka lumamon ulit. Kami naman eh tawa lang ng tawa sa reaksyon ni Dae.

Maya maya pa eh may narinig kaming mga tilian.

"OMG! Ang gwapo talaga ng bago nating P.E. teacher!!"

"I know right! Sayang nga lang at teacher siya ehh.. Hayy.."

"Pero kahit na noh!! He's so hot and sexy pa rin kaya!!"

"Yummy teh!!"

Napalingon naman kami dun sa pinanggalingan ng mga malalanding boses na yun.. Sinu-sino pa ba?? Edi yung apat na clowns kahapon..

The Six Princes and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon