Nakatutok ang mga mata ni dante sa altar, masaya siya para sa kanyang best friend na may mabait at mapagmahal na asawa.
"Siya kaya kailan lalagay sa sinasabing tahimik na buhay kahit marami ang nagsasabi na ang pag aasawa ay hindi lalagay sa tahimik bagkos ay lalagay pa sa magulong buhay. Naruon ang mga pagsubok na dapat ay malampasan bilang mag asawa. Lahat daw ng hirap,saya, at worst thing ay dadanasin. Kaya papaanong masasabi na ang pag aasawa ay lalagay sa tahimik.
Nalingunan ni dante ang katabi dahil sa halos bulong lang na pagkakasabi nito sa kanya.
"Hwag mong titigan o pangarapin dahil hindi mo dadanasin ang ganyan kagandang kasal, bagay lang yan sa mga taong kagaya naming, pang aasar niya kay dante.
"Hindi ako nangangarap ng ganito ka garbong kasal ms sungit, ang importante ay mabait, mapagmahal at mahal na mahal ko ang babaeng pakakasalan ko. Humakbang palayo si dante para makaiwas sa maaring hindi magandang kahihinatnan pa ng kanilang pag uusap.
Mukhang siya pa ang na asar sa ginawang iyon ni dante kaya sa halip na manatili sa pwesto ay sinundan ang binata sa labas. Nagpalingalinga siya pero walang dante na nakita duon kaya minabuti nalang na bumalik sa luob at hintaying matapos ang ceremony.
Matapos ang mahigit isang oras,
"Congratulations Drake and aqua, pagbati ng mga malalapit na bisita nila.
Hindi na magawang lumapit ni chariz sa bagong couple dahil sa dami ng bumabati sa mga ito kaya minabuti nalang na lumabas na.
"Ate sumabay kana sa amin papunt na kami sa reception.
"Sige jm mabuti pa nga ng mapahinga naman ang mga paa ko, kanina pa ito nanakit.
RECEPTION HALL,
Napansin ni chariz na tumayo si aqua at nagtungo sa harapan ng mga kababihan.
"Girls ready? Malakas ang sigaw nito sa karamihan ng kababaihan.
Agad na nagtayuan ang lahat ng naruruon, si chariz na walang planong makisali ay walang nagawa ng itulak siya patayo ng kapatid na si Jm.
"Go ate...
Kasabay ang pagtayo niya ay mismong sa dibdib niya pumatak ang bouquet.
Malakas na sigawan habang sa kabilang side naman ay inihagis ng malakas ni drake ang kulay itim na garter.
Nagtaka si dante ng walang ni isang kumilos sa mga kalalakihan, alam na niyang kinutsaba ng kaibigan ang lahat para sa kanya mismo pumatak iyon.
One week stay sa lugar na nakalagay sa papel na nabunot ni dante.
One week stay sa lugar na nakalagay sa papel na nabunot ni chariz.
Malakas na sigawan ang maririnig sa paligid na dapat ipaalam sa lahat ang nilalaman ng mga papel na hawak nilang dalawa, si chariz ay pasimpleng tinapakan ang paa ni dante na ikinangiwi ng binata. Nagulat namag ang binata sa inasal ng dalaga,"talagang papansin iyong sungit na 'to huh! Saka na natawang bumaling sa karamihan ng mga bisita.
"Anong tinatawa tawa mo diyan huh! Pabulong lang iyon pero rinig iyon ni dante, sa halip na pansinin ay binaliwala lang niya ang dalaga.
"Sorry guys pero hindi pwedeng malaman ng iba kong saan ang destination nilang dalawa, pagpapaliwanag ng MC.
Agad na tumalikod si chariz at hinila ang kapatid na si Jm, "brother gawan mo ng paraan ayaw kong pumunta ng hacienda alam mo namang hate ko ang probinsya.
"Ha-ah 'eh ate okay lang yon ano kaba naman eh di mag practice kang mangabayo duon, isa pa mukhang mag I enjoy ka duon ate. Relax lang saka malay mo baka duon mo makilala ang soulmate mo, alalahanin mo ate malapit ka nang mawala sa calendar...
BINABASA MO ANG
BOOK #3: Zuzeth Chariz Montemayor The Twins COMPLETE ( PUBLISH Under dreame )
Non-FictionWarning: SPG / R-18 / Mature Content. ? "Mr. Caretaker, kailan ka pa nagkaruon ng karapatan para pakialaman ako? "Ms. Sungit, may access ako mula sa kataas taasan kaya susunod ka sa sasabihin ko! "Pakialam ko! Umalis ka sa daraanan ko! Ano ba! "Hali...